Undying Love: Chapter Thirty-Five

8.2K 208 6
                                    


Maaliwalas ang pakiramdam ng magising si Zoey ng umagang yun.

Hindi muna siya nagmulat bagkus ay nilanghap ang nanunuot sa ilong niyang natural na amoy ng asawa na nakayakap sa kanya ng mahigpit na tila ba siya ay mawawala. Natakot tuloy siya bigla na baka madaganan nito ang tiyan niya kaya umusod siya ng konti.

Umungol si Zoey saka mas isiniksik ang mukha sa leeg ni Shinrei habang maingat na inaayos ang pagkakadantay ng asawa sa katawan niya.

Ang bango-bango ng asawa niya! Lalaking-lalaki!

Nakangiti siya habang pinagsasawa niya ang ilong sa kakasinghot sa leeg ni Shinrei na mukhang pagod na pagod na hindi man lang maalimpungatan sa ginagawa ni Zoey.

Zoey giggled when she heared her husband snoring softly.

Namiss niya ito. Akala niya ay nananaginip lang siya kagabi. Naramdaman niyang bago siya tuluyang igupo ng antok kagabi ay ang masuyong paghalik ng asawa sa kanya.

Hindi rin nakatiis ang mokong at nagnakaw ng halik.

Niyakap ni Zoey ang leeg ng asawa at hinapit pa lalo sa kanya. Nagtataka siyang nagmulat. Gustong-gusto niyang sinisinghot ang natural na amoy ng asawa ngunit kay Jace ay ni ayaw niyang makalapit sa kanya dahil nababahuan siya dito.

Iniangat niya ang tingin sa mukha ng asawa at tahimik na pinagmasdan ito.

Habang nagkakaedad, mas lalo atang gumugwapo ang asawa.

But then suddenly, her face turned into sour. Bakit bigla atang ang pangit-pangit ni Shinrei sa paningin niya habang tumatagal niya itong tinitignan? Bigla siyang nainis sa pagmumukha ng asawa.

And right at that moment, bigla siyang makaramdam ng pangangasim ng sikmura. Marahas na naitulak niya si Shinrei saka nagmamadaling bumangon at tinakbo ang banyo saka doon nagdududuwal.

Dahil naman sa marahas na tulak ni Zoey ay pupungas-pungas na nagising si Shinrei.

Narinig niya ang asawang nagsusuka sa banyo. Agad siyang bumangon at dinaluhan ito kahit na antok na antok pa ang kanyang pakiramdam.

Mapungay ang mga matang hinagod ni Shinrei ang likod ng asawa na halos mapayupyop na sa toilet bowl. Naka-squat naman siya sa likod ni Zoey.

Nakaramdam ng awa si Shinrei ng makitang hinang-hina ang asawa at tahimik na lumuluha.

"Are you okay babe?", paos ang boses na tanong ni Shinrei.

Tumango lang si Zoey at pinunasan ang mga luha.

Lumuhod naman sa Shinrei sa tiled floor at pinasandal ang asawa sa dibdib.

Zoey closed her eyes as she leaned into her husband's chest. She felt so good in his arms. She sniff his manly scent and it makes her feel better. Seems like his scent has a soothing effect on her.

"Is it always like this?", banayad na tanong ni Shinrei habang hinahagod ang likod ni Zoey.

Tumango lang ulit si Zoey.

"How often?", muling tanong ni Shinrei.

"Mostly in the morning. Sometimes in the afternoon. There are also times that I wake up in the middle of the night just to puke.", sagot ni Zoey.

Hinaplos ni Shinrei ang bandang puson ng asawa gamit ang kanang kamay niya. May init na bumalot sa puso niya sa kaalamang may munting buhay na nabubuo doon. His child. Napapangiting hinalikan ni Shinrei ang noo ng asawa.

Unti-unti ay nawala ang pagnanais ni Zoey na maduwal at ang pagkahilo. Dahan-dahan siyang tumayo at nagpunta ng lababo para magmumog at maghilamos.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon