Pinilit ni Zoey iwaglit sa isipan ang biglaang pagkakaalala sa dating nobyo.Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung dapat nga ba talaga siyang umattend ng kasal ni Anary at Iñigo.
Subalit naisip din niyang magtatampo na ang mga ito ng tuluyan sa kanya kung hindi siya pupunta. Saan ka ba naman kasi nakakita na maid of honor pa ang magra-run away imbes na bride.
Napahugot siya ng malalim na hininga saka napatingin sa lalaking nakahalukipkip sa kanyang tabi.
"Im sorry love. I-im just not ready yet.", alanganing saad ni Zoey.
Tinignan naman ni Jace ang dalaga at ngumiti ngunit hindi umabot sa mga mata. "Its okay love. I understand."
Umayos ng upo si Zoey at idinantay ang ulo sa balikat ng nobyo saka humawak sa braso nito. "Thank you love."
"Welcome love. You know how much I love you that Im willing to wait 'til our wedding night.", nakangiti pa ring saad ni Jace habang idinantay din ang ulo sa ulo ni Zoey na nasa kanyang balikat.
Zoey smiled unknowingly. She's lucky to have Jace. The man is so understanding and loving.
She couldn't ask for more.
......
Sa bawat araw na magdaan, hindi maiwasan na makaramdam ng pananabik si Shinrei sa muli nilang pagkikita ni Zoey. Pagkasabik na may kasamang takot. Takot na baka i-reject siya muli ng dalaga. But he gained his confidence again through the help of his friends who reassured him that they will give their full support in favor of his plan.
Papunta siya ngayon sa isang panig ng resort niya dahil nagkatuwaan ang kanyang mga kaibigan na dalawin siya. Kasalukuyang nasa cottage malapit sa infinity pool ang mga ito.
Isa sa mga dahilan kung bakit pumatok ang resort niya ay dahil sa halos kompleto ito ng amenities. May mga pang-outdoors activities din. At may sarili ding clinic ang isla na may on-call doctor at stay-in nurse. Inalok niya ang trabaho kay Marion na isang nurse ngunit magalang itong tumanggi at sinabing mas gustong magtrabaho sa hospital.
Sa pagdami ng nagpapabook sa kanila ay puspusan na rin ang pakikipagnegotiate niya sa kinauukulan para mabili ang karatig isla para sa plano niyang pagpapatayo ng hotel and resort expansion.
"Uy Shin!", masayang sigaw ni Cyric ng makita siyang paparating.
Natatawa naman siyang kumaway sa kaibigang parang batang naglalaro sa pool.
Lumapit siya sa cottage ng mga ito at naabutan niyang magkausap sa skype si Anary, Skylar at Zoey gamit ang laptop.
Biglang kumabog ang dibdib niya ng marinig ang boses ni Zoey.
Hindi tuloy niya alam kung papasok pa siya ng cottage na gawa sa nipa hut o mananatili sa labas.
Malaki kasi ang posibilidad na madaanan niya ang mga ito at makita siya ni Zoey.
"Shin! Lika! Dito ka P're!", biglang bungad naman ni Iñigo. Napapagitnaan nila ang mga babae.
He nodded and had no choice but to walk towards his friends.
"Excuse me.", kiming bati ni Shinrei at pinigilan ang sariling wag lumingon sa laptop.
"Ayaw mong mag-hi sa kausap namin Shinrei?", pilyang tanong ni Skylar.
Sinulyapan naman ni Shinrei si Skylar at pilyong ngumiti. Pero hindi tumugon at nilagpasan ang dalawa.
"Pakipot", bulong naman ni Anary sabay hagikgik.
Natutuwa namang tinapik ni Iñigo sa balikat si Shinrei ng makalapit ito sa kanya.
"Mabuti naman at lumabas ka sa lungga mo. Namiss kita bespren! Pakiss!", nang-aasar na saad ni Iñigo sa kaibigan sabay nguso ng halik kay Shinrei.
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)
Fiksi Umumnot just your any ordinary story. Si Zoey at si Shinrei. Magkasintahang pinaghiwalay ng tadhana. Ipinagpatuloy abutin ang pangarap ng magkalayo sa bawat isa. Galit si Zoey kay Shinrei at hindi na ninais pang bumalik ng Pilipinas. Pero dahil sa kasal...