Undying Love: Chapter Twenty-Six

6.3K 171 14
                                    


Napakurap-kurap si Ernest upang maibalik ang kanyang katinuan. Pinaglipat-lipat ang tingin sa anak at kay Shinrei. "We'll just wait for you downstairs", saad niya saka mabilis na isinara ang pinto at niyayang bumaba si Jace na hindi maipinta ang mukha.

Ramdam ni Ernest ang pinipigilang galit ng binata. At aaminin niyang kinakabahan din siya sa mangyayari sa pagitan ng tatlo.

Subalit sa kabila nun ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng mumunting ngiti sa mga labi. He mentally counts the months starting today until the possible arrival of his future grandchild.

Wala sa loob na hinimas-himas niya ang baba habang pababa ng hagdan. At muntik pa siyang mahulog sa sobrang excitement na nararamdaman. Mabuti na lamang at nasa harapan niya si Jace at nauunang naglalakad sa kanya.

.........

Tulala pa rin si Zoey ng maisara ng ama ang pintuan ng kanyang kwarto.

Kinakabahan siya at nag-uumpisa ng pagpawisan ang nanlalamig niyang mga kamay.

"Are you okay?", rinig niyang tanong ni Shinrei sa kanya kasabay ng paglapit nito.

Wala sa loob na napatingala siya sa binata at tinitigan ito. Biglang hindi siya makapag-isip ng matino. Ni hindi pa nga sila nakakapag-usap ng maayos ni Shinrei tapos heto ngayon at bigla na lang sumulpot si Jace.

"You want me to talk to him?", muling tanong ni Shinrei.

Marahas na umiling si Zoey. "N-no...a-ako ng kakausap sa kanya. He deserves my explanations anyway."

Napabuntong hininga naman si Shinrei saka hinila sya palapit sa katawan nito at niyakap ng mahigpit.

"After what happened last night, hindi na ako papayag na mawala ka sa tabi ko.", saad ni Shinrei.

Gumanti naman ng yakap si Zoey pero nanatiling tikom ang bibig.

Sabog pa rin ang utak niya at hindi makapag-isip kung ano ang gagawin.
Bigla siyang nakaramdam ng guilt.

"S-shin...", panimula ni Zoey saka kumalas ng yakap at tinignan ang asawa. Yeah, ang kanyang asawa. Tanggap na niyang kasal siya rito.

"Yes babe.", sagot ni Shinrei sa namumungay na mga mata.

Zoey smiled before answering. "I know this is hard but c-can you let me handle Jace? U-uwi ka na muna. Saka na tayo mag-usap. I'll call you once Im done settling things with Jace."

Agad namang nagsalubong ang mga kilay ni Shinrei saka mahigpit na hinawakan sa beywang si Zoey.

"No!", marahas na wika ni Shinrei.

"Please?", sumamo ni Zoey saka hinaplos sa pisngi ang asawa.

Shinrei tsked and flinched his head away from her touch.

"Shinrei naman. Makinig ka muna.", sabi ni Zoey. "Please. Hindi alam ni Jace ang totoo. Hayaan mong ako na lang ang kakausap at magpapaliwanag sa kanya. Ayokong mas lalo pa siyang masaktan o magalit pag tayong dalawa ang haharap sa kanya."

Hindi sumagot si Shinrei.

"Please babe?"

Bumuntong hininga si Shinrei bago tumango. "Promise me after this sa akin ka na uli."

Masuyo namang ngumiti si Zoey bago dinampian ng banayad na halik sa mga labi ang asawa.

"Promise me you will not let him touch you even just your fingertips or strands of your hair or any parts of your body.", mapang-angking saad ni Shinrei.

Zoey let out a chuckle and just smirk.

"Zoey!", pinandilatan ni Shinrei ang asawa ng hindi ito sumagot.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon