Nagising si Shinrei kinabukasan na masakit na masakit ang ulo dahil sa hang over.Iginala niya ang paningin at napagtanto niyang nasa dating silid siya sa mansyon nila.
Hindi na siya pinayagan ng mommy niya na bumalik sa kanyang isla kagabi dahil naparami na ang inom niya at nag-aalala din ito sa kanya.
Muli niyang ibinagsak ang katawan sa kama at nagmuni-muni.
Paano ba niya susuyuin muli si Zoey. Sa nakalipas na mga taon akala niya wala na siyang nararamdaman para dito. He even contemplating being alone until his dying day.
But with just one unexpected news,parang bumalik sa kanya ang nakaraan.
Ibayong sakit sa dibdib ang naramdaman niya kahapon ng malamang engaged na sa iba ang dalaga. Only to found out later that evening, they were actually married for almost a decade now!
Napapatulala siya sa kisame ng kanyang kwarto. Nang bigla siyang bumalikwas at dumiretso sa kanyang banyo para maligo.
Maya-maya pa ay nakasakay na siya sa kanyang kotse papunta sa bahay ng mga de Madrid.
.........
"Shinrei iho,", saad ni Ernest habang pababa siya ng hagdan.
Tumayo naman si Shinrei sa pagkakaupo sa sofa. "Tito! Kamusta na po?", sabay lahad ng kamay ng makalapit sa kanya si Ernest.
"Ayos naman kahit papano", sabi naman ni Ernest at inabot ang kamay ni Shinrei. "Upo tayo. Napasyal ka?"
"A-alam ko na po", saad ni Shinrei.
Napahugot naman ng malalim na hininga si Ernest.
"Anong plano mo?", tanong ni Ernest.
Tumitig naman si Shinrei sa ama ni Zoey bago sumagot.
"Babawiin ko po siya."
Namangha naman si Ernest sa sagot ni Shinrei.
"Paano?", hamon niya sa binata.
"Hindi ko pa po alam sa ngayon pero nasisiguro ko po na gagawin ko ang lahat mabawi ko lang ang dating Zoey."
Napa-smirk naman si Ernest. "Paano kung hindi?"
"Tito naman...ayaw niyo ba akong maging manugang?", nagtatampong tanong ni Shinrei.
Bahagya namang natawa si Ernest. "Shinrei, alam kong mabait kang bata. Alam ko ring mahal mo ang anak ko. I dont have anything against you. Alam mo yan"
Hindi nakapagsalita si Shinrei. Napasandal lamang siya sa sofa at idinantay ang ulo sa likod.
"Pero huwag mong kakalimutan na matagal na kayong wala, madami ang nagbago, isa na diyan ang katotohanang ikakasal na siya sa iba."
Shinrei suddenly grimaced upon hearing the truth. "No! I will not let it happen. Mamamatay muna ako bago siya mapakasalan ng iba.", matalim ang tingin na sabi ni Shinrei.
Nagulat naman si Ernest sa sinabi ng binata kaya tinapik niya ito sa balikat. "Iho, kung anuman ang gustong mangyari ni Zoey, sana ay respetuhin mo."
"Nirespeto ko naman tito. Nung sinabi niyang layuan ko na siya, kahit masakit ginawa ko. Nagdusa ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa", matigas na sabi ni Shinrei.
"Ngayon naman sana hayaan niyong ipaglaban ko naman ang karapatan ko sa kanya.", dagdag pa ng binata.
Hindi naman nakapagsalita si Ernest.
"Suporta lang po ang kailangan ko tito."
"Daddy iho. Daddy", mariing sagot ni Ernest na ikinaliwanag ng mukha ni Shinrei.
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)
Ficción Generalnot just your any ordinary story. Si Zoey at si Shinrei. Magkasintahang pinaghiwalay ng tadhana. Ipinagpatuloy abutin ang pangarap ng magkalayo sa bawat isa. Galit si Zoey kay Shinrei at hindi na ninais pang bumalik ng Pilipinas. Pero dahil sa kasal...