Undying Love: Chapter Twenty-Seven

5.8K 149 5
                                    


"Mom!!!", masayang sigaw ni Shinrei pagkapasok pa lang niya sa entrada ng kanilang mansyon. Dito siya dumiretso nung pinauwi siya ni Zoey.

Ayaw pa nga sana niyang umalis sa tabi ng asawa ngunit nadala siya sa pakiusap nito sa kanya na hayaan siyang makipag-usap sa mestisong bangus na ex-fiancee nito.

Ex. Dahil sigurado siyang magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila ng kanyang asawa.

Sa tapik ng ama ni Zoey sa kanya kanina bago siya umalis sa bahay ng mga ito ay ramdam niya ang kasiyahan nito.

Kulang na nga lang ay sabihan siya ng 'Good job Shinrei!'

Muli ang pagsilay ng kanyang mga ngiti. Saka hinaplos ang putok na labi. Medyo humapdi pa 'to ng muli silang maghalikan ng asawa kanina.

"Mommy!", muli niyang tawag sa ina ngunit walang sumasagot.

Sakto namang lumabas ang isang kasambahay nila mula sa kusina.

"Chie-chie, si mommy?", tanong ni Shinrei.

"Ay nasa likod-bahay po Senyorito.", maliksi namang sagot ni Chie.

Agad na tinungo ni Shinrei ang daan papuntang likod-bahay nila matapos makapagpasalamat kay Chie-chie.

Siguradong kausap na naman ng kanyang ina ang mga orkidyas niya natatawang naisip ni Shinrei.

"Mom!!", masiglang bungad ng binata sa ina.

"Susmaryosep kang bata ka!", mulagat ng ina saka napahawak sa dibdib. "Papatayin mo ako sa gulat! Okis ti sabam nga ubing!"

Tawa naman ng tawa si Shinrei habang palapit sa ina. Nakaupo ito sa sala set na gawa sa kawayan at may ka-video call sa laptop.

Naglalambing na hinila niya patayo ang ina saka isinayaw sayaw ito na labis na ikinataka ng ginang.

"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?", takang-tanong ni Ellie sa anak. "At anong nangyari sa labi mo? Bakit putok? Nakipag-away ka ba Shinrei Vaughn?!"

"Im the happiest man on earth today mommy.", sabi ni Shinrei saka hinalik-halikan ang ina sa noo at bumbunan.

"Why? Care to tell me?"

Lalong lumuwag ang ngiti ni Shinrei. Pero bago pa siya nakasagot ay nahagip ng mga mata niya ang laptop at nakita kung sino ang kausap ng ina.

"Tita Riz??", puno ng galak na sambit ni Shinrei.

"Hahah akala ko kinalimutan niyo na ako dito.", masayang wika naman ni Riz, ang ina ni Seychelle Anne.

"Hi tita! Kamusta na po kayo? Si Sey, maarteng pasaway pa rin ba?",hila-hila ang inang lumapit sa laptop.

"Hay naku! Kung saan-saang lugar na napapadpad ang pinsan mong yun. Malalaman ko na lang na nasa ibang bansa na siya kung magpapadala sa akin ng larawan.", mahabang litanya ng ginang na ikinatawa naman ni Shinrei.

"Hindi ka na nasanay kay Sey tita."

"Hmpf! Ewan ko ba sa inyong magpipinsan. Puro may mga sira ang tuktok!", reklamo ni Riz.

"Naku Riz, sinabi mo pa.", sabad ni Ellie. "Kita mo nga at kung makatawag kanina akala mo may humahabol na sampung bading sa kanya."

Lalong natawa si Shinrei sa sinabi ng ina.

"Ei bakit ba ang saya-saya mo?", tanong ni Riz.

"Ei kasi...", bitin ni Shinrei sa sasabihin.

"Ei kasi ano?", atat namang usisa ni Ellie.

"Magkakaapo na kayo!"

"Weh?", pa-cool na sambit ni Riz.

"Oh my God Riz! Hahahah! Where did you get that?", manghang tanong ni Ellie.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon