"Why did you let her go?", usisa ni Cady sa nakapameywang na binata habang pinanonood ang papalayong bangka.Marahas namang napabuga ng hangin si Shinrei saka umiling. "Mag-aaway lang kami kung ipagpipilitan ko ang gusto ko."
"Anong plano mo ngayon? Matapos mong baliktarin lahat ng hinanda mong pagkain sa veranda?"
"Hindi ko pa alam.", nakalabing saad ni Shinrei. "Anyway may gagawin ka ba? Samahan mo ako sa bayan."
"Ano namang gagawin mo doon?", usisa ni Cady sabay pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Lalakarin ko yung papeles ng kabilang isla"
Napasimangot naman si Cady. "Gagawin mo lang akong alalay. Ayoko nga!", ngumungusong tanggi nito.
"Hindi naman. Sa ganda mong yan? Nakakahiya ka namang gawing alalay.", natatawang saad ni Shinrei.
Umingos naman si Cady. "Anong oras ba?"
"Oh akala ko ba ayaw mo?", nakangising turan ni Shinrei.
Pinalo naman ng dalaga ang braso ng kausap. "Hmpf! Bahala ka nga dyan.", sabay talikod.
Tumatawang hinila naman ni Shinrei si Cady saka inipit ang ulo nito sa kanyang kili-kili at ginulo ang buhok na parang isang nakababatang kapatid.
"Awww! Shin ano ba!", angal ni Cady.
"Hahahah! Ang pikon mo.", sabay akbay kay Cady. "Alis tayo mayang alas diyes."
"Uh okay.", asiwang saad ni Cady saka tumingin sa paligid.
Nakita niyang nakatunghay sa kanila ang ilang turista pati na sina Yhunah at Jho na agad nag-iwas ng tingin ng mahuli niyang nakatingin ang mga ito sa kanila.
........
Nanlalatang ibinagsak ni Zoey ang katawan sa sofa. Kadarating niya lang sa kanilang bahay at umiinit ang bumbunan ng mapansing wala sa garahe ang sasakyan ng ama at ni hindi ito sumasagot sa mga tawag niya.
"Oh andyan ka na pala.", saad ni Manang Yas na galing sa kusina.
Nginitian naman ni Zoey ang matanda. Kasama na nila ito sa bahay mula pa pagkabata niya. Naging pangalawang ina sa kanya lalo na nung naghiwalay ang kanyang mga magulang. Ulilang lubos at hindi na rin nakapag-asawa.
"Saan ka ba galing na bata ka at hindi ka umuwi dito kagabi?", usisa ng matanda.
Namula naman si Zoey at hindi alam ang sasabihin."D-diyan lang Manang Yas."
"Asan pala si daddy?", pang-iiba niya ng usapan.
"Maagang umalis.", maiksing sagot ng matanda at umilap ang mga tingin sa kanya.
"San daw nagpunta?"
Hindi sumagot ang matanda at kunwari ay lumapit sa mga nakadisplay na mga figurine sa kabinet.
"Manang??"
"Ahh eh...h-hindi sinabi ng daddy mo eh.", tarantang saad nito. "Babalik na akong kusina at may ginagawa pa ako doon.", sabi pa nito saka mabilis siyang iniwanan sa sala.
Nagpupuyos na kinuha ang cellphone at tinawagan muli ang ama. Pero tulad ng mga naunang tawag hindi ulit nito sinagot ang tawag niya.
Pabagsak na inilapag ni Zoey ang cellphone sa center table. Saka siya nahiga sa sofa.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone at nagmadaling binasa ang text.
"Baby, Im attending a convention in Cebu. Hindi na ako nagpaalam at alam kong hindi ka papayag. I love you baby. Take care!"
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)
General Fictionnot just your any ordinary story. Si Zoey at si Shinrei. Magkasintahang pinaghiwalay ng tadhana. Ipinagpatuloy abutin ang pangarap ng magkalayo sa bawat isa. Galit si Zoey kay Shinrei at hindi na ninais pang bumalik ng Pilipinas. Pero dahil sa kasal...