Chapter One

653 25 3
                                    


"Ate"

"Huy ateng maganda kase nag-mana saakin!"

Na-alimpungatan ako nang marinig ko ang boses ng aking kapatid na si Airkan. I opened my eyes, only finding Airkan's smiling face looking down at me. "Goodmorning ate." Bati nya but I just nodded at him. Napasimangot naman sya at naka-ngusong tumingin saakin. "Sungit as always" sabi nya pero hindi ko sya pinansin at tumungo sa banyo, may sasabihin pa sana sya ngunit sinaraduhan ko na sya sa mukha.

Pagkapasok ko ng banyo ay dali-dali kong sinimulan kung ano man ang gagawin ko, pagbukas ko ng pintuan ay nakita kong nakasandal si Airkan samay aparador habang nakapamulsa. Tinignan ko lang sya at ngumisi naman sya.

"Ate." Tawag nya saakin kaya tinignan ko sya. " 'Bat ayaw mo ako gayahin?" tanong nya saakin hanggang seryosong nakatingin saakin. "Ano na naman gagayahin ko sayo? 'Yung katangahan mo?" tanong ko sakanya.

Napangiwi naman sya at tumingin saakin, "Minsan ka na nga lang magsasalita, ang harsh mo pa" sabi nya habang nakanguso. Wala syang natanggap na sagot saakin maliban sa tingin. Tumingin sya sa taas at bumuntong hininga, humarap ulit sya saakin at ngumiti, "Tawag na tayo ni Dad. May pag-uusapan daw." Sabi nya at tumango lang ako.

Tinignan nya ako at ngumisi bago tuluyang lumabas kaya napa-iling nalang ako. Hindi ko iyon pinansin at itinuon ang pansin sa pagliligpit, pero biglang humangin ng malakas kaya napa-pikit at napa-buntong hininga nalang ako. Here we go again.

Habang nag-aayos ako ay may naramdaman akong malakas na hangin galing sa likuran at papuntang ulo ko. Iginilid ko ang aking ulo at sinalo ang isang cone-like shaped na gawa sa hangin habang hindi inaalis ang tingin sa inaayos. Tinignan ko iyon habang kunti-kunting binabalot ng yelo, nang matapos ito at tuluyang naging yelo ay may naramdaman na naman akong isa. Mas mabilis ito kaysa sa una kaya mas binilisan ko ang aking kilos. Papunta iyon sa gilid ng aking ulo kaya sinalo ko na ito bago pa makalapit saakin. Nag-yelo rin ito kagaya 'nung una.

Pagkatapos ko magligpit ay bumaba na ako, ayaw ko paghintayin si Dad. "Oh." Sabi ko at ibinato kay Airkan ang bago nyang laruan, ito yung mga pina-yelo ko kanina. Alam kong sinandya nya iyon para may laruan na naman sya.

Namamangha nyang tinignan ang mga yelo. "Ang ganda!" sabi nya habang pinagmamasdan yung mga designs sa loob. Yayakapin nya sana ako pero umusok na ang paligid dahil sa lamig na ginawa ko kaya hindi nya na tinuloy. Dumating naman si Dad at yayakapin sana sya ni Airkan nang umusok rin ang paligid dahil sa init na ginawa nya. Takot sya umatras habang palipat-lipat ng tingin saaming dalawa.

Maya-maya naman ay dumating si Mom, dali-dali syang niyakap ni Airkan na ginantihan nya rin ng yakap. "Bakit, ai-ai?" ginamit na naman ni Mommy ang nickname ni Airkan na pang-bata. Tumingin si Mom sa aming dalawa ni Dad kaya napa-tawa ito. "Kaya pala" natatawang ani ni Mom, nakangusong tumango naman si Airkan at niyakap ulit si Mommy.

Tss. Isip bata.

Pinagsabihan naman kaming dalawa ni Dad, kaya wala kaming magawa kundi tanggalin ang usok sa paligid naming. "Tss." Sabay na singhal namin ni Dad. Sabay naman ngumuso yung dalawa.

"Ano pag-uusapan, Dad?" tanong ko kay Dad at pina-upo nya muna kaming dalawa sa mahabang mesa. "Your Mom and I decided that you and Airkan will study in Sheya Academy" ani ni Dad.

"But why? Sabi naman ni Mom na okay lang dito sa bahay ah!" reklamo ni Airkan. "Father knows best." Sabi ko, na kinangisi nya. "No sissy, Mother knows best." Pabalik nyang sabi saakin, umusok na naman ang paligid ko kaya napangiwi si Airkan. "Sabi ko nga. Father knows best. Hehehe" sabi nya at umirap. Humarap sya kay Mom at ngumuso, "Mommy...!" reklamo sya pero nginitian lang sya ni Mom.

The Royalty (Sheya Academy 2.o)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon