"Princess KO... kailan kasal natin?"
Binatukan ko naman si Barry. Masyadong advance 'tong lalaking 'to! 'Di na nahiya sa akin!
"Study First."
Napanguso naman sya, "Paano 'kung may humawak sa 'yo na lalaki? Paano 'kung may madapa at masubsub sya sa 'yo? Paano 'yun?"
Napakunot naman ang noo ko, "Anong konek?"
"Syempre. If you're already my wife, may idadahilan na ako para patayin sila. Hehehe." Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumiti lang sya sa akin.
Inusog nya ang upuan nya palapit sa akin. "Hi Princess ko"
I want to roll my eyes, pero 'di ko talaga maiwasang ngumiti! Uh! What's happening to me?! And yes, nilipat nila akong upuan, katabi ni Barry to be exact, para daw may bonding ang mag-fiancé. Ew.
"Ngiti-ngiti mo dyan? Inlove ka na sa akin 'no? Ay, hindi pala, lalo ka na-inlove 'no? Kase love-love mo na ako eh."
Binatukan ko lang sya at humarap ulit kay Sir. Rage, ang titser namin sa math. Naalala ko tuloy 'yung una naming makilala si Sir...
****
Pagkatapos mag-turo ni Ms. Tiara ay agaran itong umalis, parang hinahabol ng kabayo pero hindi na naming iyon pinansin, makikita mo 'rin ang pag-pula ng mga pisnge nya bago umalis.
Inlove siguro. Tsk, buti pa ako 'di naranasan 'yang inlove-inlove na 'yan na walang dinulot na maganda sa buhay ng tao.
"Good morning, class!"
Umayos kami ng upo nang pumasok ang isang mala-binatang titser. Gwapo ito, pwede syang maging model ng kahit anong brach, matipuno 'rin ang katawan at naka-formal na damit. Parang kakagaling lang tuloy sa isang business meeting.
"I'm your Math Teacher. I'm Sir, Rage and nice to meet you all."
Great. Math is our second subject. Great. Just, great.
"No need to introduce kase alam ko na bagot na bagot na kayo 'dun. HAHAHAHA" umalingaw ang tawa nya sa four corners ng classroom namin, nakitawa 'rin ang iba, mukhang close ang titser sa mga estudyante dito.
"So class!" natahimik naman ang lahat. Ngumiti ito sa amin, showing his perfect set of white teeth.
"1+1?"
"2!"masiglang sagot ng mga estudyante.
"Wow naman! Ang tatalino nyo talaga! Oh ito, 3 stars. HAHAHAHA" at muli syang tumawa kasama ang mga estudyante.
"Ang dali lang diba? Ganyan. Ganyan kadali ang math nyo this School Year"
****
At syempre... KASINUNGALINGAN ANG LAHAT NG 'YON!
Sinungaling si Sir! Sinungaling! Sinungaling! Letche ka Sir to the highest! Mas mataas pa sa Mount. Everest! Mas malayo pa sa distance ko at ng araw!
Yep. Ang sama ko diba? Pero sino ba hindi mapapamura sa tinuturo nya ngayon?!
Napasalampak na lang ako sa upuan ko at walang buhay na tumingin sa whiteboard na puno na. Imagine?! Halos umabot na ang whiteboard sa kisame sa sobrang laki nito, pero ano?! ANYARE? Puno pa 'rin! Letche.
Puno ng drawings at 'kung ano-anong words or phrases ang nakasulat doon. 'Yung ibang kaklase ko ay natutulog na, 'yung iba nga humihilik pa. Meron namang masisipag at sinusulat sa notebook nila 'kung ano mang sinusulat ni Sir. 'Yung iba um-aacting na patay na.
BINABASA MO ANG
The Royalty (Sheya Academy 2.o)
FantasyThanks a lot to @Sarah_Kingxx for the amazing cover! "If you think this is the end, then stop thinking because this is just the beginning" Started: Ended: ---