Chapter Nine

297 17 0
                                    




           

Pagkapasok naming ay sinalubong kami ng sigaw, "AYAN NA ANG MAG-SYOTA!" sigaw ni Michael habang nakasilip sa kusina. Maya-maya naman ay naglabasan na sila galing sa kusina.


Umupo sila sa mahabang sofa kaya umupo rin kami sa harapan nila. Maya-maya naman ay inilapag na ni Grace ang isang cake at breads sa harapan naming, may dala rin syang orange juice. Dali-daling kumuha si Michael ng isang tinapay. Kumuha rin ako ng isang tinapay at kinain iyon.


"So" pagbasag ni Michael sa katahimikan habang kumakain ng isang tinapay. "Musta quality time 'nyong dalawa? Masaya ba?" tumawa sya, which means ay may nagfefeeling airplane na tinapay papunta sa aamin. Aurgh.


"Sabi nga nila, Don't talk while your mouth is full. Lalo na don't Laugh! Kaloka ka!" sabi ni Jason habang inaalis ang bits ng tinapay sa hita nya.


"So musta nga quality time nyo?"


"It's not called quality time, Michael."


"Ow, my bad. So, musta honeymoon nyo?" tanong nya habang nakangisi pero tinignan ko sya ng masama kaya nanahimik nalang sya.


"So, where have been? Sabi mo sa canteen lang kami, pero teh, halos maubos na ni Michael ang mga pagkain doon wala pa kayo! Buti nga naisipan na ni Aecram umalis na kami eh! Kundi nako talaga!" sabi saamin ni Glecy. Mabilis na pinalo ni Michael ang hita ni Glecy at sumimangot sakanya. Glecy rolled her eyes on him kaya napatawa nalang ang iba.


Naging mabait narin saakin si Glecy, ang totoo nga eh, nagsorry sya saakin kaninang umaga hanggang kumakain kami.


"She asked me to tour her around the school." Sabi nya at uminom ng juce. I rolled my eyes, "Wow, just... Wow." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ng tinapay.


"Apollo." Napatingin naman kami kay Grace ng biglang nagsalita ito. "Yes, Grace?" sabi ni Airkan habang nakangiti. "Yung pinapatulong ko ah..." nakangiting sabi ni Grace. "Sure. I'm available anytime, basta ikaw" sabi ni Airkan at kumindat.


Muntik na mabuga ni Michael ang kinakain nya kaya napatingin kaming lahat sakanya. "Sorry, sorry. JASON, pwede paabot ng panyo ko dyan, naiwan ko eh." Sadyang diniinan nya ang pagsabi ng 'Jason'. "Dude, wala dito." Sabi ni Jason habang tinitignan ang paligid at inuupuan.


"Ay. Nasa kamay ko pala. Kala ko binitawan ko eh." Sabi ni Michael at pinunasan ang bibig nya gamit ang kanyang panyo.


Kumunot naman ang noo naming lahat sa pinagsasabi ni Michael pero nakangisi lang si Aecram na para bang alam nya ang meaning (kung meron man) nang pinagsasabi ni Michael.


"So, gawin nyo muna ang gusto nyong gawin at ako'y magluluto na! Ano gusto nyong ulam?" tanong ni Grace sa lahat.


"CARBONARA!" sigaw ni Michael. "Ulam ba yan?" tanong ni Glecy habang naka-taas ang kilay. "Hindi ba? Ay sorry, hindi ako nainform na puno pala ang carbonara." Sabi ni Michael at umirap saamin.


Tumawa si Marianne, "Adobo would be fine, Grace" sabi Marianne at sumang-ayon naman kaming lahat. Nagpaalam na si Grace para daw maka 'normal' cooking sya. Nagpaalam rin ako at umakyat na sa kwarto.


"Hey Sa" napalingon ako ng marinig ang malamig nyang boses sa likuran ko. "Anong Sa?" tanong ko sakanya.


"Well narinig ko lang kanina" sabi nya at pumasok sa kwarto ko. "Eavesdropping, eh?" nakangising sabi ko. Umupo naman sya sa kama ko.


The Royalty (Sheya Academy 2.o)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon