Chapter Twelve

310 16 1
                                    




           

Naningkit ang mga singkit na mata ni Michael, "Well, I want to know!" bulaslas nya kaya napangisi ako.


"You don't want to see the sunlight then?"


Napatunganga si Michael sa sinabi ko. Airkan patted him on the back then headed to the kitchen. Tinignan ko muna si Michael bago tumungo sa kusina.


"Kain na guys!" nakangiting anunsyo ni Grace habang hinanahanda ang hapag-kainan. Umupo na kami lahat at kumain.


"King masa—"


"Don't you dare."


"Edi 'wag! KJ 'nito!" sabi nya at kumain ulit.


Maya-maya ay bumuka ulit ang bibig ni Michael, akmang may sasabihin ngunit naunahan na sya ni Ares. "Don't you dare, Michael."


Napanguso naman si Michael, "Wag ka nga assuming! Masasaktan ka lang! Si Jason sasabihan ko!" sabi nya at tumingin kay Jason.


"J, Masakit ba?" tanong ni Michael habang nakatingin sa pagkain. Pinunasan muna ni Jason ang bibig bago sumagot, "Ang ano, M?" nanatiling nakatingin sa pagkain si Michael at sumubo ng gulay.


"Ang pakawalan ang taong dapat sayo na."


Napahinto naman si Jason sa pagkain. Napalunok ito at pinunasan ang bibig.


"Hindi masakit, Michael..." sabi nya habang nakatingin sa pagkain. Napatingin kaming lahat sa kanya ngunit nanatiling nakayuko lang ito na para bang may naalala.


Maya-maya pa'y tumingin ito ng deretso kay Michael at namuo ang mga luha sa mga mata nya.


"Hindi masakit... nakakamatay lang." sabi nya ng mahina ngunit sapat na para marinig naming lahat. I know he's trying his best to hold his tears, and he's doing great.


Tumango naman si Michael habang nakatingin sa pagkain at kumakain, walang alam sa nangyayari. Habang kami, hindi man lang makagalaw o makasubo, except syempre, kay Ares na walang pake sa mundo.


"Hmmm..." tumango-tango si Michael. "Na exprerience mo na ba 'yun? I mean, gusto ko kaseng malaman." Sabi ni Michael at patuloy na kumakain. Aurgh, gaano kamanhid 'tong tao nato para 'di malaman na may nasasaktan ng iba?!


"I didn't experienced it, Michael. I felt it." Sabi nya at may tumulong isang luha galing sa kaliwang mata nya. Mabilis nya itong pinunasan at ngumiti ng mapait saamin. "Excuse me." Sabi nya at tumakbo paakyat ng kwarto nya.


Sinundan namin ng tingin si Jason paakyat ng hagdanan. Pagkawala nya ay tinapunan namin si Michael ng masmang tingin kaya napatingin sya saamin at napahinto sa pagnguya.


"Problem...?" lalo naming sinamaan sya ng tingin kaya kumunot ang noo nya.


"BASTARD!" sigaw naming lahat except kay Ares na walang paki at Grace na nakayuko lang.


Muntik nya na malabas ang pagkain nya sa bibig nya batukan sya ng sobrang lakas ni Glecy. "ANO SA TINGIN MO GINAWA MO?!" inis na sigaw ni Glecy sa kanya.


Nilagay nya ang kamay sa baba at tumingin sa itaas. "Hmmm. Nagtanong?" inosenteng sabi nya kaya lalo sumama ang tingin namin sa kanya.


"Your hopeless!" inis na sabi ni Glecy at sumalampak sa upuan nya.


Ngumisi naman ni Michael, "Hindi ah! Mas hopeless 'yung pagmamahal ni Queen sa mga pating!" napatingin ako sa kanya di-oras.


The Royalty (Sheya Academy 2.o)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon