Pagkapasok ko nang bahay ay nilibot ko ang aking paningin. Not bad.
Napa-buntong hininga ako at tumingin sa dalawa na starstruck parin. "Where's my room?" tanong ko. "Shet. Nagsasalita sya!" sabi ng pangalawang lalaki at kumapit sa braso ng unang lalaki. "Unbelibable!" sabi ng isa at niyakap yung isa.
Gays.
"Michael! Who's there?" napalingon naman ako sa bagong rating. Isa syang maliit na babae pero mararamdaman mo ang kakaibang aura sakanya.
Tinignan ko sya simula ulo hanggang paa. Mayroon syang mahaba na buhok na halos umabot na sa kanyang bewang, mayroon rin isang scar sa likod ng tenga nya. Naka-suot sya ng long-sleeves na medyo maluwag. May hawak rin syang libro na makapal. She's a wizard, I guess.
Tinaasan nya ako ng kilay, "How dare you enter the House of the Highest?" mataray na sabi nito pero wala syang natanggap na sagot saakin. "Sumosobra ka na ah!" galit na sabi nya. Pikon.
"She's a new member"
Napatigil naman yung babae at gulat na tumingin saakin. "B-but how?! She's just a transferee!" sigaw nya. How did they know that I am a transferee? Pati yung lalaki kanina.
Ah. Oo nga pala. May badge na binigay saamin upang ipaalam na transferee kami.
The first guy shrugged, "I don't know. Maybe she got some mad skills." He said. Humarap sya saakin at ngumisi, "Ms. Beautiful, I am Michael Casido. Single and ready to mingle." Sabi nya at kumindat saakin pero wala parin ako reaksyon. "Ohhh. Sablay two times na dude!" pang-aasar ng lalaki kay Michael. Bumaling ito saakin at ngumiti, "Hello! I'm Jason Grayson. The most handsomest" most na nga, may 'est' pa?
Pagkatapos magpakilala ng dalawa ay tinignan ko lang sila. Ayaw ko magpakilala sa mga taong hindi ko pa kilala ng tuluyan. "Ummm... mind introducing yourself?" sabi ni Michael. Umiling ako at tinignan ang kabuuan nya. Meron syang orange hair, ngayon ko lang napansin na magkaka-iba pala 'yung kulay ng mga buhok nila. Nagmumukha tuloy silang ice cream. Naka checkered polo shirt ito na nakatupi hanggang siko at naka black pants. Tinignan ko ang mga kamay nya, meron itong maliit na scar na hugis kidlat, and I guess, Lightning ang yziah nito. He has a well-built body that other girls would die for to touch, but not me.
Yung isa lalaki naman na pangalan daw ay Jason ay merong redish na buhok. May well-built body rin. Pero pag tinignan mo ng mabuti, makikita mo ang isang maliit na scar sa likod ng tenga nya, isa itong hangin sa umiikot. So ibig sabihin Air ang yziah ng taong ito.
Oo nga pala. May anim na yziah dito sa mundo namin. Ice, Fire, Air, Earth, Wizard, Lightning. Yziah naman ang tawag sa mga kapangyarihan namin. Ang bawat Group of Yziah ay may iba't-ibang scar sa katawan nila. Ang alam ko ay ang mga Lightning Yziah ay may lightning scar rin. Ang Fire Yziah ay may maliit na fire scar, and so on and so forth.
Galit na tumingin saakin 'yung babae, "You have some attitude huh?" galit na saad nya. "You think?" Natigilan naman sya at hindi na magawang makasagot.
"Now, where's my room?" sabi ko at tumingin kay Michael at Jason. "Third floor, 4th door to the right." Agad akong umalis sa harap nila at tumakbo papuntang 3rd floor. "Wait! Hindi pal--!" hindi ko na pinansin si Michael at dumeretso na sa kwarto. Pagkarating ko doon ay dali-dali kong binuksan ang pintuan at humiga sa malambot na kama.
Hay, ang sarap matulog. Nakakapagod rin mag-hanap ng kwarto mo sa isang 10 storey building tapos wala pala doon. Kumuha ako ng isang unan at niyakap iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/103992720-288-k574297.jpg)
BINABASA MO ANG
The Royalty (Sheya Academy 2.o)
FantasyThanks a lot to @Sarah_Kingxx for the amazing cover! "If you think this is the end, then stop thinking because this is just the beginning" Started: Ended: ---