Chapter Nineteen

293 19 4
                                    

Sinamaan ko nang tingin si Kevin na parang baliw sa kakatawa sa upuan nya, pinaghahampas pa nya si Airkan kaya nagalit ito at sinunggaban sya, pero patuloy pa 'rin itong tumatawa.

"Q-Queen, Umm... let's start?" tumango lang ako sa kanya at pumwesto. Bumuntong-hininga sya at yumuko kaya napakunot ang noo ko.

Dahil nabagot ako, ako ang unang gumalaw. Naglakad ako patungo sa kanya habang nasa likod ang mga kamay. Pinalabas ko ang yziah ko, nagkaroon ng fog na bumalot sa buong Arena.

"WOOOHH! GO PRINCESS KO!" narinig ko ang sigaw ni Barry, napa-iling nalang ako sa kabaliwan nya. I stopped, sakto lamang ang layo para makita ko sya ng malinaw.

Tinignan ko sya nang mabuti, 'kung Girlfriend nga 'to ni Kevin, may maliit na tsansa na matatalo nya ako, but since may two yziah sya, siguro lumaki nang one percent. And she has thirteen sub-yziah! Well, 'di na ako nagulat—well slight, pero matunog naman talaga ang surname na 'Ice' sa Guardian World, sila ang pamilya ng mga Legendary. That means pwedeng lumagpas ang mga kapangyarihan nila sa maximum rate.

Ulit syang bumutong hininga at tumingin sa akin. Napa-atras ako kaunti nang makita ang mga mata nya! Her eyes turned blue! Amazing naman!

Sineryoso nya ang laban na 'to, syempre hindi ako magpapatalo.

Ngumisi ako sa kanya. Naramdaman ko ang hapdi sa aking mga mata, it's painful but sanay na ako. Nawala saglit ang kulay sa mga mata nya dahil sa gulat pero agad naman iyong bumalik at lalo pang nanlisik ang tingin.

Ngumisi sya at lumapit sa akin, bawat apak nya ay lumilindol, 'yung ibang tao napapasigaw na sa lakas ng lindol pero ito ako, prenteng nakatayo.

Ang lagad nya naging takbo, pabilis nang pabilis kaya lalong lumakas ang lindol. Nakita kong ginawa nyang bato ang kanyang kanang kamay. Sa sobrang bilis nya ay nawala na sya sa paningin ng ibang tao, pero dahil ibang klaseng mata ang meron ako ngayon, nakikita ko pa rin sya. Iniikutan nya ako, siguro para mas lumakas ang suntok nya sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako at sinalo ang kamao nya na susuntukin sana ako sa mukha. Walang kahirap-hirap ko iyong sinalo kaya napabuntong-hininga nalang ulit ako, kala ko pa naman malakas. Tsk.

I looked at her, "My face is too beautiful to receive a punch you know."

Lumukot naman ang mukha nya at diniinan pa ang pagsuntok pero hindi gumalaw ang kamay ko. Ngumisi naman sya, "It's a pleasure fighting with a Legendary."

Ngumiwi naman ako, "Am I that famous for you to know me?"

Sya naman ang napangiwi at nawala ulit sa harapan ko at pinalibutan ulit ako. Lagi nalang sya tumatakbo, sana madapa.

Inikutan nya na naman ako kaya napabuntong hininga nalang ako at hinintay ang pagsuntok nya or what. Naramdaman ako ang presensya nya sa likod ko kaya yumuko ako, completely dodging her punch. Hinawakan ko ang kamay nya at ibinalgbag sya sa sahig.

She grunted in pain. She looked at me, "Bakit ayaw mo ako seryosohin, Queen?"

I shrugged, "It's a waste of energy."

She glared at me at sisipain sana ang paa ko nang tumalon ako at sinipa sya sa mukha. Ngumiwi ako, "Ohh! That hurts!" ngumisi ako sa kanya, dahilan bakit lalo syang nagalit. Sinubukan nya akong suntukin kaso nasalo ko ang kamao nya at ibinalik iyon sa mukha nya, kaya ang ending, nasuntok nya ang sarili nya.

Inambahan ko ulit sya ng suntok ngunit na gulat ako nang hindi na ako makagalaw. Nginisian nya ako, "I know you're the almighty Queen. But, you're underestimating me"

She looked at me straight. "QUEEN! DON'T LOOK AT HER EYES!" narinig kong sigaw ni Kevin kaya iniwas ko ang paningin ko. Matunog syang ngumisi sa akin, "Look at me, Queen" lalo kong iniwas ang paningin ko.

The Royalty (Sheya Academy 2.o)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon