Chapter Four

320 16 3
                                    



"Ate...!" reklamo ni Airkan habang naglalakad kami patungong clinic, hindi mahirap hanapin iyon lalo't na'y may mapa kami.


"Ateee!" sigaw nya ulit. Hindi na ako nakatiis at tinignan sya ng masama, "Ano bang problema mo?! Kanina ka pa ah!" sigaw ko kaya napanguso naman ito. "Di ka pa kase nag t-thank you! Halos ikamatay ko na iyon! Hindi mo ba ako mahal? Buwis buhay iyon ate!" sigaw nya, walang gana ko syang tinignan, "Anong part yung buwis buhay 'dun? Yung sinipa mo 'yung betlog nya?" tanong ko sakanya. Sinmaan nya naman ako ng tingin.


"Hindi yun!"


"Eh ano?!"


"Pinag-pawisan ako! Buwis buhay 'yun"


"Ay letche ka! Pawis lang, buwis buhay na 'yun?!"


"OO! Hindi dapat pinapapawisan ang mga gwapo kase pag-guguluhan ng mga chika babes!"


"Tignan mo! Kanina para kang t*nga kaka-protekta saakin, tapos ikaw rin pala?!"


"Sya kase bastos!"


"Eh ano tawag sayo?! Mas Malala ka pa nga sakanya eh!"


"Tawag saakin? Gwapo"


Halos masuka na ako sa sinabi nya.


"Tsaka mas Malala talaga ako! Mas Malala ang kagwapuhan ko kaysa sa kanya na isang langgam lang ang liit sa dambuhalang kagwapuhan ko!" I rolled my eyes, wala akong mapapala sa isang mahangin na tao.


Hindi nya ako tinan-tanan hanggang maka-pasok na kami sa clinic, bawal kase ang maingay (buti naman).


"Uy! Ang AS!" bungad ni Michael na nagpalito saaming lahat. "AS?" tanong ni Airkan. Ngumiti naman ng Malaki si Michael, "Yup! AS- Anonymus Siblings! Talino ko 'no?" Nakatanggap naman sya ng isang malutong na batok galing kay Glecy. "Puro kalokohan ang nasa-isip mo, Michael!" sigaw ni Glecy pero tinawanan lang nya ito.


"Ano nga pala pangalan nyo?" tanong nila saamin pero hindi kami nakasagot. "Awtsu. Ayaw nila sabihin, G!" sabi ni Michael at umakbay kay Glecy.


Hokage style be like.


Nandidiring inalis ni Glecy ang kamay ni Michael at bumaling saamin, "Bakit ayaw nyo sabihin pangalan nyo? Sindikato kayo 'no?" tanong ni Glecy at nanliit ang mata.


"May I see your room keys?" nagulat kami ng magsalita si Ares na kanina pa nasa gilid, nakatingin saakin.


Sabay naming pinakita ang room keys namin kay Ares, napatango naman ito. "They are not allowed to tell their names." Ani ni Ares kaya napatingin naman sakanya ang lahat. "And why is that?" tanong ni Marianne.

The Royalty (Sheya Academy 2.o)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon