"TULO MO lumalaway!""H-ha?" Wala sa sariling napalingon si Almond sa kanyang likuran. Hindi niya napansin na nakapasok na pala sa kuwarto niya ang bestfriend niyang si Yoj. Nakataas ang isang kilay nito na mukhang aabot na yata hanggang bumbunan. Iyon ang signature look ng kaibigan niya kapag hindi nito nagugustuhan ang ginagawa niya.
"Sabi ko 'yang laway mo tumutulo na." ulit nito. "Heto tissue pamunas. Nakakaloka ka!" anito at inabutan siya ng isang box ng Kleenex tissue.
"Kahit kailan ang OA mo," nayayamot na sabi niya habang inabot ang tissue na ibinigay nito. Ibinalik niya ang tingin sa labas ng open window ng kuwarto niya. Kasalukuyan pinagpapala ang mga mata niya sa "magandang tanawin" sa kalsada ng kalye nila.
"Hanga rin talaga ko sa tiyaga mong tanawin 'yang si Pepot, eh, no? Kahit magkandahaba na yata ang leeg mo at maputulan ka ng ugat, go for gold ka pa rin."
Muling nilingon niya ito. "Alam mo kahit kailan napakalaki mong kontra, no? Saka puwede ba huwag mo ngang tawagin na Pepot si Peedy ko. Ang ganda-ganda ng pangalan niya. Patrick Daniel, 'di, ba? Saka bakit ba ang sungit mo ngayon? Nag-away na naman ba kayo?"
Sumimangot ito. "Kasi naman sumasali pa sa pagsulsol kay Mama na ipagkasundo ako ni Papa doon sa anak ng kasosyo niya. Hello?! As in hello?! Over my dead-gorgeuos-sexy body! Nakakairita talaga!" anito habang nakatitrik pa ang mga mata isabay pa ang mga pumipulantin na mga daliri.
Natawa siya rito. Kung ano kasi ang ikinaguwapo, ikinasimpatiko at ikina-macho ng katawan nito ay kabaliktaran naman ang tunay na pagkatao nito—dahil ang totoo ay may pusong bababe ang bestfriend niya.
Kambal sina Yoj at Peedy. Sabay- sabay silang lumaki ng mga ito dahil bukod sa magkapit-bahay sila ay matalik na magkaibigan rin ang mga magulang nila. Alam ni Peedy ang tunay na kulay ng kakambal nito pero hindi ng mga magulang ng mga ito. Hindi na nga mabilang ni Almond kung ilang beses na niyang kinumbinsi si Yoj na magtapat sa mga magulang nito para maging magaan na ang loob nito at para na rin hindi ito mahirapan pero ayaw talaga papilit ng best friend niya. Paano ba namang hindi matatakot si Yoj, dating kasapi ng militar si Tito Eugenio—ang tatay ng kambal—kasama ang Papa niya. Maaga lang nagretiro ang dalawa dahil pakiramdam raw ng mga tatay nila ay nakuha na nito ang fulfilment sa larangang pinasok ng mga ito.
"Eh, kung nagtatapat ka na kasi kina Tito Eugenio at Tita Myla, edi hindi ka na sana namo-m-roblema." tukoy niya sa mga magulang ni Yoj.
"Akala mo kasi gano'n kadali ang lahat. Mas okay na 'yong nagtatago kaysa maging punching bag 'tong mukha ko." nakasimangot na pangangatuwiran nito.
"E, kaysa nagrereklamo ka at lalo nang ipagkasundo ka sa mga babae. Mas maatim mo ba 'yon ha?" hamon niya rito.
Saglit na nag-isip ito. "Saka ko na iisipin 'yon kapag nando'n na 'ko sa puntong 'yon."
Nagkibit-balikat na lang siya at pagkuwa'y ibinalik niya ang paningin sa labas ng kalsada. Nasa second floor ang kuwarto ni Almond kaya tanaw na tanaw niya ang lalaking pinagnanasahan niya ng buong buhay at iyon ay walang iba kundi ang kakambal ng best friend niya. It was Peedy—pawisan ang magandang pangangatawan nito dahil sa paglalaro ng basketball. Minsan pa nga ay panaka-naka itong tumitingin sa puwesto niya pagkatapos ay kakaway sa kanya. Kulang na lang ay mamaluktot siya sa sobrang kilig kapag nangyayari iyon. Bata pa lang ay malaki na ang pagkakagusto niya roon. Ang kaso hindi naman siya ang gusto ng binata kaya nagkakasya na lang siya sa pagtanaw-tanaw at pagnanasa sa malayo rito.
"Kung makapagsalita ka na magtapat ako kina Mama at Papa dahil sa true color ko, eh, bakit ikaw hindi mo makayang magtapat diyan kay Pepot na bet mo siya? Sige nga?"
![](https://img.wattpad.com/cover/104094155-288-k658073.jpg)
BINABASA MO ANG
One And Only
Romansa"Wagas" ang pinakatamang salita para ilarawan ni Almond ang pagsinta, pagmamahal, at "pagnanasa" niya kay Peedy. Bata pa lang ay ito na ang nakikita niyang lalaki na nararapat para sa kanya. Pero taliwas iyon sa nararamdaman sa kanya ng binata. Lalo...