Chapter Five

4.3K 102 1
                                    

"NAMI-MISS mo na si Almond, ano?" Tumabi kay Peedy si Fred at inabutan pa siya nito ng isang bote ng canned beer. Sa wakas ay natapos na rin ang isang buong nakakapagod na maghapon para sa kanila. Nasa San Juan, Laiya, Batangas sila ng mga oras na iyon kung saan inuumpisahan na ang isa sa malaking proyekto ng kompanya nila. Isang malaking resort ang project nila kung saan sila ni Fred and head architect ng proyektong iyon. Dalawang araw silang mamamalagi roon para na rin maging hands on sila sa pag-uumpisa ng project gaya na rin ng pakiusap ng may-ari niyon.

Inabot niya ang ibinigay sa kanyang canned beer ni Fred at saka binuksan iyon. "How did you say so?" Kunot-noong tanong niya rito.

"Kasi kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa cell phone mo. Bakit hindi mo pa tawagan kaysa panay tingin ka diyan sa telepono mo." suhestiyon nito habang lumagok ng hawak rin nitong canned beer.

Hindi siya sumagot. Parang gusto niyang pag-isipan mabuti ang suhestiyon nito.

"Nakita niya kami ni Tiffany." pagtatapat niya.

"'Yong paghahalikan niyong dalawa?" kunot-noong tanong pa nito. Kung mayroon man taong pinagkakatiwalaan si Peedy ng buhay niya iyon ay si Fred. Halos tatlong taon mahigit na rin niyang katrabaho ito at sa loob ng mga taong iyon ay silang dalawa ang magkasangga at ito ang takbuhan niya kung mayroon man siyang problema bukod sa kakambal niyang si Yoj.

"I told you she's the one who kissed me." pagtatama niya rito.

"Whatever. Kaya naman pala ganoon 'yong hitsura niya no'ng makasalubong ko siya sa hallway." Iiling-iling pang sabi nito. Hindi siya nagsalita. Alam niya na ang kahihinatnan ng usapan nilang iyon. Malamang sa malamang ay kukonsensiyahin na naman siya nito.

"You know what? You just don't know how lucky you are to have her as your wife." Napatingin siya rito. "I will tell you why. Masipag; Ikaw na rin nagsabi maaga siya gumigising para lang mag-prepare ng breakfast mo. Maasikaso; She always make sure na may kakainin ka tuwing tanghalian. Maunawain; Despite of your entire attitude towards her,"—nagsensyas pa ito ng open and close quotation sa ere nang banggitin nito ang salitang attitude. "... hindi pa rin siya nagrereklamo. Lagi pa rin siyang nasa tabi mo. At higit sa lahat, she loves you so much man! Kung ako ang asawa mo at kung tatratuhin mo lang ako na parang hindi nag-e-exist sa buhay mo, baka sa mismong araw pa lang ng kasal natin nilayasan na kita."

Sinasabi na nga ba niya tama ang hinala niya. "Nasasabi mo lang 'yan pero kung ikaw siguro ang nasa sitwasyon ko mahihirapan ka rin." sagot niya.

Napapangiti at naiiling na lamang ito. "It's been a month Peedy for goodness sake! At saka in the first place kung ayaw mo rin talaga magpakasal sa kanya, bakit mo pa rin ginawa?"

"Alam mo ang dahilan kung bakit ko ginawa 'yon." mariing wika niya.

"Hindi pa rin sapat na dahilan 'yon. Ang sabihin mo ginusto mo rin iyon. Everyone has their own choice. You have your own choice Peedy kaya huwag mo 'kong bigyan ng ganyang klaseng dahilan." pagdidiin pa nito sa kanya.

Marahas na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok niya pagkatapos niyon ay inisang lagok niya ang natitirang alak na hawak niya.

"Kung ako ang nasa sitwasyon mo, paninindigan ko na rin 'yon tutal nandiyan na rin naman ako, e. And I don't think na hindi mahirap mahalin si Almond." bigla'y sabi nito. Isang matalim na tingin ang iginanti niya rito. "Hey, don't give me that look, okay?" natatawang wika nito.

"May gusto ka ba kay Almond?" kunot-noong tanong niya rito.

Isang malakas na tawa ang pinawalan nito. "Ano naman ang pumasok sa utak mo para magtanong ng ganyan? It's just an opinion, so beware. Hindi lang ako ang lalaking puwedeng makapansin ng magagandang katangian ng asawa mo kaya habang maaga mag-isip-isip ka na o mas mabuting sabihin na kumilos ka na before it's too late. Ikaw rin kapag natuahan 'yong si Almond baka ikaw rin ang humabol-habol do'n" pangungonsensiya pa nito.

One And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon