Chapter Six

4.7K 109 1
                                        

PAGMULAT ni Almond ay hindi pamilyar sa kanya ang kuwartong kinaroroonan niya. Kulay peach ang buong paligid at nang balingan niya ang taong nakadantay ang isang kamay sa baywang niya at bigla siyang may naramdamang kakaibang damdamin. Naramdaman siguro nito ang paggalaw niya kaya nagtaas ito ng tingin. Bahagya pa siyang nagdalawang isip kung sino ba sa dalawang katauhan ang nasa harap niya? Si Yoj ba iyon o si Peedy? Pilit niyang inalala kung ano ba ang nangyari sa kanya bago siya magising pero bago pa niya maisip iyon ay nagsalita na ang lalaking nasa harap niya.

"May nararamdaman ka bang masakit sa 'yo? Ayos ka lang ba? I'm so worried about you. Just wait here, okay? I'll just call the doctor." Hindi na siya nakapagsalita rito dahil lumabas na ito sa silid.

Ilang saglit pa ay bumalik na ito kasama ang isang doktor. Tiningnan nito saglit ang mga mata niya pagkatapos ay tsinek rin nito ang tibok ng puso niya gamit ang stethoscope.

"You don't need to worry Mr. Cristobal your wife is safe. Mamaya ay babalik na lang ako rito para sa resulta ng X-ray niya." anang doktor.

His wife? So, si Peedy ang lalaking nakadantay at nag-aalala sa kanya?! Totoo ba?

"Thank you, Doc." anito. Hinatid pa nito ang doktor hanggang makalabas ang ng pinto ng silid na iyon. Pagbalik niyon ay lumapit ito sa kanya.

Uupo sana siya nang mapaigik siya ng bahagya. Parang may biglang kumirot sa balakang niya. "You sure you're okay?" puno ng pag-aalalang tanong nito. Inalalayan siya nito makaupo. Dahil sa paglapit nito sa kanya para alalayan siya ay nagkaroon siya ng pagkakataon na maamoy ito. Oh, how she missed him so much.

Sunud-sunod na tango lang ang isinagot niya rito. Bigla'y naalala na niya ang nangyari sa kanya. Nahulog siya sa hagdan dahil sa pag-aayos niya sa starter ng ilaw sa washing area ng bahay nila kagabi. Pero sinong nagdala sa kanya sa ospital?

"Mabuti na lang na magkausap pala kayo ni Yoj kagabi bago ka maaksidente. Pinuntahan ka niya sa bahay and he brought you here. Tinawagan niya lang ako." Tila alam nito kung ano ang tanong niya sa isip niya. "Pinauwi ko na siya pagdating ko rito kanina." dagdag pa nito.

"Pasensiya ka na kung naistorbo kita." nahihiyang sabi niya.

Kumunot ang noo nito. "Why are you always apologizing?"

Nakagat niya ang ibabang labi niya. Naiinis na naman ito sa kanya. Wala na yata talaga siyang nagawang matino para kay Peedy. "Alam kong busy ka sa trabaho mo at importante iyon."

Lumambot ang ekspresiyon ng mukha nito. Ang hindi niya mas lalong inaasahan ay ang paghaplos ng isang palad nito sa isang pisngi niya. "I should be the one to apologize. I'm sorry for taking you for granted all these time." he paused for a moment and sighed. Mataman lang siyang nakatingin rito. "Sorry for being so cold to you and for making you feel that I don't appreciate all your efforts. I hope you can still forgive me." hopeful na wika nito.

Biglang parang natunaw ang puso ni Almond sa pagpapakumbaba nito. Ito na siguro ang bunga ng pagtitiyaga niya at pag-e-effort niya para iparamdam rito na hindi nito pagsisisihan ang desisyon nitong pagpapakasal sa kanya. Well, it's worth the wait.

She smiled. "You don't need to say sorry. Naiintindihan ko naman ang lahat. Alam kong hindi rin madali sa 'yo ang lahat na tanggapin ang mga nangyari. I know it's my fault—"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil inilagay nito ang hintuturo nito sa ibabaw ng labi niya para pigilan pa ang mga sasabihin niya.

One And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon