ILANG beses na napakurap si Almond habang nakatitig sa mapang-akit na mukha ni Peedy habang nakatitig lamang ito at may mapaglarong mga ngiti sa mga labi. She was distracted by his presence. Hindi niya naiwasan na pasadahan ang magandang katawan nito mula ulo at napalunok pa siya nang mapahinto ang makasalanang mga mata niya sa bandang dibdib nito. She bet, Peedy's body was the sexiest body that she had ever seen in her entire life. Bias ka lang kamo. Siya lang naman kasi ang pinagnanasahan mo ever since, duh? anang isang naghuhumiyaw na parte ng utak niya. Whatever sagot naman ng kabila.
"Hey, tatayo ka na lang ba diyan?" natatawang tanong nito sa kanya.
Bigla naman nagising ang natutulog niyang diwa. Parang gusto niyang murahin ang sarili niya dahil sa kawalan niya ng kontrol sa pagnanasa ng katawan ni Peedy.
"S-sa b-banyo na lang ako m-magbibihis." Dammit! Why am I stuttering?
Lumapit siya sa kama kung saan malapit nakatayo si Peedy. Nasa bandang gilid ng kama nakahanda ang isusuot niyang pantulog. Malay ba niyang paglabas niya mula sa banyo ay naroon na rin si Peedy? Kung alam lang niya ay sana kanina pa niya dinala iyon sa loob para makapagbihis na ng diretso pagkatapos maligo. Unang pagkakataon naman kasi na pareho silang nasa bahay pagkaligo niya at naroon pa ito sa loob ng kuwarto nila! Kapag umuuwi kasi ito mula sa opisina ay ayos na siya palagi.
Bago pa siya tumalikod pabalik ng banyo ay nahawakan na nito ang isang kamay niya. Awtomatikong napatingin siya rito. Nagsalubong ang mga mata nila. Bigla na naman ay naramdaman niya ang hindi normal na pagtibok ng puso niya. His gaze made her feel uneasy and self-conscious.
Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa posisyon nilang iyon basta ang alam niya ay nalulunod lamang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata nito sa pagtitig sa kanya. Kitang-kita niya ang pamumungay ng mga mata nito kasabay niyon ay may kung ano pang nakatagong kakaibang emosyon habang pinagmamasdan siya nito. Does she saw desire on his eyes? Come on, Almond!
"You're so beautiful, Almond." he said huskily.
She blinked her eyes. It was the very first time that she felt sexy when he said her name. Parang gusto na naman niyang isipin na nagdi-daydream lang siya ng mga oras na iyon dahil pa rin sa tama ng alak na nainom niya. Marahang naipilig niya ang kanyang ulo.
"I bet, you're thinking if this only just a dream, huh?" he asked. Amusement was written on his face.
"Hindi nga ba?" Halos pabulong na lang yata niyang nausal iyon.
A devilish smile formed on his lips. Daig pa ni Almond ang may nagkakarera na mga kabayo sa loob ng dibdib niya. She had never seen Peedy the way he was looking at her that very moment. Hindi niya alam kung kinakabahan o nasisiyahan ba siya.
"Wanna feel that this is for real?" mapanuksong hamon nito.
Napalunok siya. "Y-yes." kinakabahang sagot niya pero mas nanaig pa rin ang kagustuhan niyang malaman ang gusto nitong ibig sabihin. She was challenged.
Hinaplos ni Peedy ang pisngi niya gamit ang dalawang palad nito. Mula sa pisngi niya, bumamaba ang dalawang kamay nito pababa sa mga kamay niyang may hawak ng mga damit na isusuot sana niya. Kinuha nito ang mga iyon at pabagsak na lang na inilaglag ang mga iyon sa kinatatayuan nila. Pagkatapos niyon ay hinawakan muli nito ang dalawang kamay niya at dinala ang mga iyon sa hubad nitong dibdib. Daig niya pa ang napaso nang mahawakan niya ang malapad na dibdib nito. Biglang may naramdaman siyang kakaiba mula sa kanyang sistema bagay na nagpapabuhay sa dugo at mga ugat sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
One And Only
Romance"Wagas" ang pinakatamang salita para ilarawan ni Almond ang pagsinta, pagmamahal, at "pagnanasa" niya kay Peedy. Bata pa lang ay ito na ang nakikita niyang lalaki na nararapat para sa kanya. Pero taliwas iyon sa nararamdaman sa kanya ng binata. Lalo...