Chapter Three

4.1K 106 6
                                    


ANG ALARM ni Almond ang nagpagising sa kanila ni Peedy sa umagang iyon. Inabot niya ang alarm clock sa bedside table na katabi niya. Akmang pipindutin niya iyon nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya.

"At anong ibig sabihin nito?!" Dumagundong sa buong silid ang boses ng papa niya.

Sabay pa sila ni Peedy na napabalikwas ng kama. Nagkatinginan silang dalawa.

"Anong nangyari?" halos sabay pa nilang tanong sa isa't isa.

"Hindi ba't dapat kami ang magtanong niyan sa inyo?" Halos hindi maipinta ang mukha ni Juancho—ang Papa ni Almond—habang nakatitig sa kanila. Katabi rin nito ay ang Mama niya na hindi rin malaman kung paano magre-react.

"Pa, Ma, bakit nandito na kayo?" Lalong lumalim lang ang pagkakakunot ng noo ng Papa niya sa tanong niyang iyon.

"Tito Juancho, Tita Lydia it's not what you think..." Halos hindi magkandatuto na wika ni Peedy. Katulad rin kasi ng tatay nito ay isang militar rin ang Papa niya kaya alam nito kung paano ito magalit.

"At ano sa tingin niyo ang dapat namin isipin? Look at yourselves!" Tumaas na ang boses ng Papa ni Almond.

Pareho nilang tiningnan ang isa't isa. Parehong nanlaki ang mga mata nila. Nakahubad ng pang-itaas si Peedy. Alam ni Almond na hinubaran niya ito para mapunasan kaya expected niya na iyon.

"Bakit... bakit ganyan ang suot mo?" naguguluhang tanong naman nito sa kanya.

Tiningnan niya ang sarili. Nagulat pa siya nang makita niyang wala na siyang t-shirt. Bra na lang ang pang-itaas na suot niya! Sandaling hinalukay ni Almond ang utak niya. Ang naaalala niya ay tinabihan niya si Peedy sa pagtulog pero nagising siya pagkatapos ng ilang oras dahil nainitan siya. Wala na sa loob niya na naroon pala ang binata kaya naghubad siya ng t-shirt. Shit!

"What now? I'm giving both of you the chance to explain. Now, speak!" utos ng papa niya.

"Tito, Tita wala po talagang nangyari... nag-inuman po kami kagabi ni Almond 'tas inantok po ako. Nagpaalam po muna akong iidlip pero hindi ko po alam kung paano nangyari 'to." natatarantang paliwanag ni Peedy.

"See, the two of you were drunk. At ano 'yon? Magic na paggising niyo nakahubad na kayong dalawa? At anong ginawa niyo habang nasa kama, ha? Nagtitigan?" galit na wika ni Juancho.

Nakita niyang marahas na naisuklay ni Peedy ang mga daliri sa buhok.

"Baka gusto mong magasalita, ha, Almond." baling sa kanya ng ama.

Napatingin siya kay Peedy. Nakatingin ito sa kanya. Kitang-kita niya ang paghingi ng saklolo nito sa kanya. Napapikit siya ng mariin. Iyon na yata ang pagkakataon na hinihintay niya para makuha si Peedy sa naiisip niyang paraan. Anuman ang maging reaksiyon nito ay tatanggapin niya. Ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay ang pagkakataon na abot-kamay na niya. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay tumingin siya sa magulang niya.

"He's lying. May nangyari po sa aming dalawa." buong tapang na sabi niya. Napakagat-labi siya pagkatapos. Sorry po... desperado lang... Ni hindi man lang niya kayang tingnan si Peedy ng mga oras na iyon.

"What are you saying, Almond?" mahina pero mariing tanong nito. Kitang-kita ang kalituhan sa guwapong mukha nito.

Saglit na katahimikan ang namayani sa silid na iyon.

One And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon