Chapter Ten

10.5K 254 26
                                    

"HINDI na ba talaga magbabago ang desisyon mo, Almond?" nag-aalalang tanong ni Yoj kay Almond sa kabilang linya. Naroon siya sa loob ng opisina niya sa Garden's.

Isang beses niya pa muling tiningnan ang hawak niyang annulment paper. Halos isang linggo rin niyang pinag-isipan ang bagay na iyon.

Pumikit siya saglit bago sumagot rito. "Yes. I think about it hundred times and my decision is final." pinal na wika niya.

"Hindi ba mas mabuti sana kung nag-usap muna kayo ni Peedy bago ka nagdesisyon sa bagay na 'yan?"

"Yoj, wala nang dapat pang pag-usapan dahil kahit ano pang pag-uusap ang gawin namin alam kong dito rin naman babagasak ang lahat." Sandaling huminto siya at saka huminga ng malalim. "Baka mas masaktan lang ako kapag sa kanya pa mismo manggaling itong ganitong desisyon. At isa pa, ako naman ang nag-umpisa ng kalokohang ito kaya sa tingin ko mas mabuting ako rin naman ang tumapos. Gusto ko rin naman maging fair sa kanya." malungkot na paliwanag niya.

Yes. It was really painful for her to have the courage to decide that she wanted Peedy to be free pero iyon lang ang naiisip niyang tama. Sumusuko na siya sa laban. Kung baga sa giyera ay talunan na siya kaya kailangan na niyang iwagayway ang puting tela para sabihin sa kalaban na tanggap na niya ang pagkatalo niya.

"I don't know, Almond. I don't know what to say. Kung iyan na talaga ang desisyon mo alam kong hindi na kita mapipigilan. Gaya ng palagi kong sinasabi noon: nandito lang naman ako para sumuporta sa 'yo. It's just that I feel sad na hindi sa happy ending matatapos ang relasyon niyo ni Pepot." malungkot na wika nito.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang nakaambang luha sa mga mata niya. "Thank you so much, Yoj."

Iyon lang at nagpaalamanan na sila sa isa't isa.

Ang pag-alis niya at pag-iwas kay Peedy na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya. Peedy tried to reach on pero siya na mismo ang umiwas rito. In the first place ay gusto niya rin sagipin ang sarili sa lalong pagkalugmok at pagkabigo.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay naglakas-loob siya na tawagan si Peedy sa opisina para makipagkita rito at para na rin ihain ang pakikipaghiwalay niya. She was relieved nang sekretarya nitong si Danna ang sumagot sa telepono. Hindi niya kasi alam kung paano siya makikipag-usap kay Peedy pagnagkataon. Ayon rito ay nasa meeting daw ang pakay niya. Mga isang oras pa raw bago matatapos iyon. Tinanong niya muna kung may mga naka-scheduled na meeting pa ito sa mga darating na oras. Nang ma-confirm niya na wala ay nag-iwan siya ng mensahe kay Danna na sabihin kay Peedy na dadaan siya roon.

Tatlumpung minuto pagkatapos niyang makipag-usap kay Danna ay napagpasiyahan na ni Almond na umalis na ng Garden's. Naghabilin na lang siya kay Faye na may importante siyang pupuntahan.

Pagdating niya ng opisina ni Peedy ay kaagad siya tumuloy sa front desk ng opisina nito kung saan naroon si Danna. Kaagad na ngumiti ito sa kanya nang makita siya.

"Katatapos lang ng meeting ni Sir Peedy. Sakto lang ang dating mo Ms. Almond." anito.

Ginantihan niya rin lang ito ng isang tipid na ngiti. "Salamat."

Naglakad siya patungo sa pinakaopisina ni Peedy. Nang makarating siya sa harapan ng pintuan niyon ay huminga muna siya ng malalim. Kailangang niyang magpakatatag. Marahan siyang kumatok. Wala pang ilang saglit ay bumukas na iyon at ang guwapong mukha ni Peedy ang bumungad roon. Right then and there she wanted to hug and kiss him. Halos magdadalawang linggo na yata noong huli sila magkita at iyon pa ay noong nagdesisyon siyang tapusin na lahat ng kalokohan niya. She missed him as hell pero may isang bahagi ng utak niya na nagpapaalala nang tunay na dahilan kung bakit siya naroon. Iba na ang sitwasyon nila ngayon at naroon siya para bigyan na si Peedy ng kalayaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon