Chapter Nine

4.9K 115 1
                                    

TEN THIRTY. Iyon na ang oras nang sipatin ni Almond ang wall clock sa opisina niya sa Garden's. Pinag-iisipan niya kung pupuntahan niya ba si Peedy sa opisina nito para sabayan mag-lunch. Na-missed niya kasi ito dahil dalawang araw ito nawala para sa isang project sa Tagaytay.

"Ma'am Almond, huwag mo masyadong isipin si sir Peedy, mahal ka rin no'n"

Nag-angat siya ng tingin. It was Faye, isa sa mga katiwala niya sa Garden's. Ni-reffer ito ng dati niyang kasamahan sa trabaho noong nasa law firm pa siya. Lumapit ito at iniabot ang delivery receipt ng mga bulaklak.

"Salamat." nakangiting wika niya rito nang tanggapin niya ang iniabot nito sa kanya. "Iniisip ko nga kung pupuntahan ko ba siya para mag-lunch." pag-o-open niya rito.

"Not a bad idea. Mukhang sobrang na-missed mo siya ha." panunukso nito.

"Very, very light lang." natatawang sagot niya.

"Gora na Ma'am Almond. Ako na ang bahala dito sa shop." paga-assure nito sabay kindat.

Inayos niya ang mga papeles sa ibabaw ng office at saka tumayo. "Okay. Kung may problema man tawagan mo na lang ako ha." aniya saka binitbit ang bag niya. Inihatid pa siya ni Faye hanggang makalabas siya ng shop. Kaagad na sumaakay siya sa kotse bago niya pa buhayin ang makina niyon ay narinig niya ang pagtunog ng message alert tone niya sa cell phone. Kaagad na kinuha niya iyon mula sa bag. Nang buksan niya ay number lang ang naka-register roon. She read the message.

Let's meet around 11 am. At Rufus'.

You should know something. Something that will be interesting. I'll wait.

-Tifanny.

Kumunot ang noo niya matapos mabasa ang mensahe nito. Wala siyang ideya kung paano nito nalaman ang number niya. Ilang saglit rin bago siya nagpasiya na makipagkita rito.

Five minutes to eleven ay nakarating na si Almond sa Rufus'—isang American grill restaurant na matatagpuan along Ortigas Avenue. Ipinarada niya ang kotse niya sa tapat nang naturang restaurant. Pagpasok niya roon ay nakita niya na itong nakaupo sa pandalawahang upuan. Kaagad na lumapit siya roon.

"I'm glad you came." anito nang makalapit siya. "Please be seated." Kita niya ang kakaibang ngiti sa mga labi nito.

"What do you want?" diretsang tanong niya rito nang makaupo siya katapat nito.

"Would you like to order something first? Don't worry my treat."anito.

"Thanks, but no thanks. Puwede bang sabihin mo na ang gusto mong sabihin."

"Such in a hurry, huh? Oh, well. Good choice na hindi ka na kumain dahil baka mawalan ka lang ng gana sa matutuklasan mo." pahaging pa nito. Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "How's your day without your husband? I bet you missed him so much. Oh, well poor you, Almond dahil habang ikaw ay nag-iisa sa bahay niyo. Kami naman dalawa ng asawa mo ang nagpapakasaya." anito sabay tawa.

"Can you please make it straight to the point?" parang bigla siyang kinabahan.

"Peedy and I were together for the past two days. In Tagaytay." anito at may nakakalokong ngiti.

"You're lying."

"I have a proof my dear." Mula sa hawak nitong bag ay may inilabas itong isang short brown envelope. "Here, see it for yourself." confident na wika nito sabay abot sa kanya ng naturang envelope.

One And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon