ABSENT si Yoj nang araw na iyon kaya walang kasabay si Almond pauwi sa bahay nila. Nang dinaanan niya ito sa bahay nito kanina bago pumasok sa eskuwelahan ay ang Mama Myla nito ang humarap sa kanya. May trangkaso daw ito. Kaya iyon siya, alone. Kasalukuyang nasa second year high school na sila. Kaklase niya ang kambal.
Palabas na siya ng gate ng eskuwelahan nang may marinig siyang tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay halos manlambot ang mga tuhod niya at naramdaman na naman niya ang hindi normal na pagtibok na puso niya. Paano ba naman hindi siya magkakaganoon, it was Peedy who's calling her.
"Pauwi ka na? Sabay na tayo."nakangiting wika nito.
Totoo ba? "Sige." simpleng sagot niya. Pero ang totoo no'n ay sangkatutak na kilig na naman ang nararamdaman niya. Kung mayroon man kasi na nakakaalam na gusto niya ito, iyon ay ang kakambal lamang nito na si Yoj.
"Kaso okay lang ba kasabay natin sila?" Nanglingunin niya ang mga tinutukoy nito ay nakita niya ang mga barkada nitong makukulit. Nag-"Hi" pa ang mga ito sa kanya. Tinanguan niya lang ang mga ito. Mga disturbance! Gusto sana niyang isigaw sa mga ito. Masosolo na sana niya ang lalaking pinapangarap niya kaso may mga asungot naman.
Tahimik na naglalakad siya habang naghaharutan naman si Peedy at mga barkada nito. Nauuna ang mga ito sa kanya. Nagulat siya nang huminto sila sa isang puno ng gumamela. Lumapit ito roon at biglang pumitas ng isang malaking bulaklak. It was a pink hibiscus. Iniabot ito iyon sa kanya.
Literal na napanganga siya rito. Naririnig niya na ang pagkakantiyawan ng mga barkada nito. Kung sila lang marahil ni Peedy ang naroon ay baka naiyak pa siya sa ginawa nito pero dahil maraming mga alipores itong kasama ay hindi niya puwedeng ipakita sa mga ito na halos magpakamatay na siya sa pagkakagusto niya kay Peedy. Wala dapat makaalam ng pagsinta niya rito. Kahit sino pa man.
Inayos niya ang sarili at nagtaas siya ng isang kilay "Ang cheap mo naman! Magbibigay ka na rin lang ng bulaklak, gumamela pa!"pagtataray niya.
Walang sabi-sabi ay itinapon nito ang gumamela at naglakad palayo. Siya at ang mga kaibigan nito ay pare-parehong napatanga sa ginawa nito.
Kinabukasan, habang nagpipinta sila sa likuran ng classroom ay lumapit sa kanya si Peedy. Seryosong-seryoso ang mukha nito.
"Bakit hindi mo tinanggap ang gumamela ko? Alam mo bang first time ko iyon na magbigay ng bulaklak sa isang babae?"
OMG! Wala yata itong pakialam na may mga kaklase na nakatingin at nakikinig sa kanila. Despite ng kilig na nararamdaman niya ay parang gusto na rin niyang lumubog sa kahihiyan.
"Ayoko ng bulaklak, lalo na kung gumamela!" mataray na wika niya.
"Ano'ng gusto mo, bed of roses?"
"Iyong bed na lang, 'yong kutson, ha? Sa iyo na ang roses." sagot niya.
"Ang hirap mong kausap!" anito sabay walk-out.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" kunot-noong tanong ni Yoj sa kanya.
"Wala may naalala lang ako." nakangiting sagot niya rito. Dumalaw siya sa mga magulang niya ganoon na rin sa mga biyenan niya. Nagkataon rin na maaaga nakauwi si Yoj kaya nagkita sila. Naisipan nilang magmeryenda kaya hayun at naglakad sila patungong sa paborito nilang isawan at nadaan nila ang makasaysayang "Puno ng Gumamela" kaya naalala niya ang unang "sweet thought" ni Peedy sa kanya. At dahil rin doon kaya siya nahilig sa mga bulaklak.

BINABASA MO ANG
One And Only
Romance"Wagas" ang pinakatamang salita para ilarawan ni Almond ang pagsinta, pagmamahal, at "pagnanasa" niya kay Peedy. Bata pa lang ay ito na ang nakikita niyang lalaki na nararapat para sa kanya. Pero taliwas iyon sa nararamdaman sa kanya ng binata. Lalo...