Chapter Two

4.5K 104 6
                                        

"GOOD MORNING, Almond."

Napalingon si Almond mula sa likuran niya. Kasalukuyan siyang nagdidilig ng halaman sa harap ng bahay nila ng umagang iyon. Muli ay ramdam niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya nang mabungaran kung sino ang taong bumati sa kanya.

Mas maganda ka pa sa morning. "G-goodmorning din, Peedy. May kailangan ka ba?" atubiling sagot niya.

"Wala naman. Nakita lang kita kaya naisip ko na rin na lapitan ka. Matagal na rin no'ng huli tayong nag-usap," nakangiting wika nito.

Sandamakmak na kilig naman ang naramdaman niya sa sinabi nito. She never expected it.

"Almond, ayos ka lang ba?" alanganing tanong nito.

"H-ha? Oo naman, bakit?" nagatatakang tanong niya rito.

"Kasi ano,eh..."

"Kasi ano?" naguguluhang tanong niya.

"Parang... parang nalulunod na yata 'yong mga halaman..." alanganing wika nito.

Biglang napatingin siya sa dinidiligan niya. Halos manlaki ang mga mata niya nang makita niyang umaapaw na ang tubig niyon sa lupa. Dali-dali naman niyang pinatay ang gripo. Binalikan niya ito pagkatapos. "Pasensiya na hindi ko napansin." Nakakahiya ka, Almond! Piping kastigo niya sa sarili.

Ngumiti ito sa kanya. Iyong ngiting nakakapagpalambot ng tuhod niya. "It's okay. Pasensiya na rin dahil naistorbo kita," nahihiyang wika nito.

"Hindi, ah. Ano bang sa 'tin?" pagkuwa'y tanong niya. "Teka wala ka bang pasok ngayon?"

" Naka-leave ako. One week."

"I see...." tatangu-tangong sagot niya. "Pasok muna tayo sa loob para naman makaupo tayo. Wala pa sina Mama at Papa. Napasarap yata sa bakasyon." 

Sinabi kasi ng mga magulang niya na tatlong araw lang ang mga ito na magtatagal sa Nueve Ecija pagkatapos ng kasal ng pinsan niya pero nag-text ang Mama niya nang nakaraang gabi at sinabi na mag-e-extend ang mga ito ng bakasyon roon. " Saka nakakangalay kasing tumayo. Alam mo na?" Pumasok sila sa loob ng gate at naupo sa isang malaking kahoy na upuan na nasa front porch ng bahay.

Natawa ito sa kanya. "Hindi ka pa rin nagbabago," anito.

Napakunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Tamad ka pa rin tumayo ng matagal. Hindi ba noong high school, noong sumali tayo sa CAT lagi kang napapagalitan ng Corp. Commander natin kasi lagi ka niyang nahuhuling nakaupo habang lahat kami pagod na pagod na sa pagtayo at pagbababad sa ilalim ng sikat ng araw."

Biglang namula ang pisngi niya. Naaalala pa pala iyon ni Peedy? Sumaya bigla ang puso niya. Napapansin niya pala 'ko... Oh my G! Nagkamot siya ng batok. "Naalala mo pa 'yon? Buti ka pa ako nga hindi ko na matandaan," nahihiyang sagot niya.

"Of course. Bakit naman hindi ko makakalimutan 'yon? Lagi ka kayang pinagtatakpan ni Yoj no'n hindi ba? Kapag hinahanap ka rin ni Lacsama,"—tukoy nito sa Corp Commander nila, "...sinasabi lagi ni Yoj na hindi ka kasi puwedeng magbabad sa araw kasi magkakasakit ka," kuwento pa nito.

"Eh, kasi naman siya lang talaga ang nagpilit sa 'kin na sumali sa CAT na 'yon. Hindi ko naman talaga ginusto 'yon. Huli na nang malaman ko na kaya pala siya nagpipilit na sumali kami kasi crush niya 'yong si Lacsamana," natatawang wika niya.

"Na ikaw naman ang gusto," dugtong nito.

"Ako talaga?" Itinuro niya pa ang sarili. "Parang hindi naman."

One And OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon