Third Person's POV
Heaven Cares Orphanage.
Pagmamay-ari ito ng pamilyang Balinger. Nina Emman at Alison.
"Hay it's good to be back. Rain, ito na ang bago mong tirahan ha? " Alison placed Rain on the crib along with the other children.
"Rowena, pwede mo na muna kami iwan ni Ate, mag-uusap lang kami." wika ni Emman kay Rowena, isang caretaker na nagbabantay sa mga sanggol na nasa loob.
"Ate, sure ka bang kukupkopin na natin si Rain? Paano kung may magulang na naghahanap sa kanya?" nag-aalalang wika ni Emman nang makaalis na si Rowena.
"Emman, sa tingin mo kikilos ako ng hindi ko alam ang ginagawa ko? Look, kanina napulot ko ang batang to sa Jefferson alley. Tapos ang malala pa, nakahiga siya sa isa sa mga gutter doon. Sabihin mo sakin, sinong matinong magulang ang mag-iiwan sa kanya doon tapos umuulan pa?" giit ni Alison. Emman was shocked and wasn't able to utter a word.
"Kita mo na, wala ka ring masabi. Sa totoo lang, naaawa ako sa batang to. Kung ano man ang nangyari sa kanya, palagay ko di madali ang pinagdaanan niya. Kung hanapin man siya ng tunay niyang magulang, pwedeng pwede nila tong ipahanap. Pero sa ngayon, dito muna siya." Alison decided.
"Ate, sa tingin ko dumating man o hindi ang tunay niyang magulang wag mo na siya ibalik. Hindi natin alam kung ano pang sapitin ng batang to sa piling ng tunay niyang magulang." buong wika ni Emman.
Lumipas ang mga taon at walang nabalitaang naghahanap sa sanggol. Lumaking responsable, matalino, at masayahing bata si Rain. Naging malapit ito sa asawa ni Alison, si Joseph. Sumapit ang ikalimang kaarawan ni Rain at tinanong nito ang nais niyang regalo.
"Gusto ko pong pumuntang school." sagot ng batang Rain.
"School?"
"Opo. Sabi po ng mga kalaro ko masaya daw doon. Please, Tatay?"
"Sige anak, ieenroll ka namin ni Nanay Alison mo sa school."
Gaya ng ibang mga bata, inenroll ng mag-asawang Alison Balinger-Mercado at Joseph Mercado si Rain sa Angels Academy, isang paaralan na kanilang pagmamay-ari. Mayaman sila pero di sila nakalilimot na tumulong sa kapwa kaya sila ang nag-aaruga sa mga bata sa ampunan.
"Tatay, Nanay, Kuya may star ako galing kay teacher." sabi ng batang Rain pagkauwi galing eskwela.
"Ang galing-galing naman ni Summer Rain." Emman cheerfully said.
"Ako lang daw kasi nakapagdrawing nito." tuwang-tuwa pa si Rain.
"Wow, look Hon. Mukhang may talent sa drawing si Rain." Joseph said as he look at Rain's drawing.
BINABASA MO ANG
A Blaze of Rain
FantasíaFire And Water. Two elements that are forbidden to meet. When one encounters the other, there's a chance the other cannot survive. What happens when two people crosses paths without knowing who they really are? A fantasy story about love, friendshi...