III- Rain with Sky

39 3 0
                                        

Rain's POV


"Ellen, you know her?" Mom asked.



"Obviously, mom and dad. We've been very good childhood friends. Aren't we, Rain?" Ellen said.



It's dinner time at ilang oras na rin ang nakakalipas mula nang dumating si Kuya Emman kasama si Ellen. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagpoprocess sa akin.



"Oh. I see. You grew up in one place nga pala." Dad said.



"Yes po. At sobrang namiss ko si Rain. Nung bata kami, hindi kami mapaghiwalay niyan."



"Ehem." tikhim ni Kuya Emman. Mukhang pati si Kuya Emman ay hindi pa rin maprocess ang kaplastikan ni Ellen. Best childhood friends? Psh.



"Oh, Rain. Ang tahimik mo ata."



"Wala po. Mom, Dad labas po muna ulit ako may pag-uusapan lang kami saglit ni Kuya Emman."



"Ahhh okay, sige anak." Tumayo na ko at narinig ko rin ang yabag ni Kuya Emman na nakasunod sa akin.



"Kuya, paanong-"



"I know, Summer Rain. Mahirap iprocess pero kahit ako nagulat kasi ang akala ko si Stephanie ang makakasama ko." Si Stephanie, kalaro ko din yon nung bata pa pero mas okay siya kaysa kay Ellen.



"Ano pong nangyari?"



"I don't know basta ang utos sa akin ni Ate, si Ellen daw ang ihatid ko dahil siya yung nakasulat sa papers na inadopt nila Mr. at Mrs. Torres. Sa ngayon, wala tayong magagawa. I'm sorry, Summer Rain."


"Kuya? Di ba eleven years ago, may umampon kay Ellen?"



"Oo, tama ka. Sina Mr. at Mrs. Dela Vega ang umampon sa kanya. Five years old palang yata kayong dalawa noon. Tanda ko pa ako rin yung naghatid sa kanya."


"Bakit po siya nakabalik sa ampunan? Paano?"



"Ang narinig ko lang kasi nung nasa office ako ni Ate, naaksidente yung mga magulang ni Ellen noong isang linggo. Kaya wala na siyang mapupuntahan ngayon. Wala ring kamag-anak ang foster parents niya na wiling na alagaan siya."



"Isang lingo? Parang di ko naman siya nakita doon last week?"



"Pinatuloy muna ni ate si Ellen sa bahay niya kaya hindi rin ako nagging aware doon."



A Blaze of RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon