Rain's POV
Isang linggo na ang nakalipas mula nung nagkaroon ng meeting ako kasama ang mga Grand Casters. Isang linggo na rin mula nung nakita ko si Blaze. Hindi ko na siya napagkikita kahit sa rooftop na tambayan niya.
"Today, magmemerge ang section ninyong Athena at Apollo. Ganun din ang Ares at Artemis. Ipagpapartnerin ko ang bawat isa according to their opposite strength and weaknesses. Nasa akin na ang listahan ng magkakapartners pati ang training room numbers." si Grand Caster Aeolus ang kanina pa nagdidiscuss sa amin.
Pinagtipon-tipon ang buong grade 10 dito sa training field dahil iaassign na ang training partners namin.
"Summer, sana tayong dalawa na lang ipagparner kaya lang bawal magkaklase e." Candice has been clinging onto me since this gathering started.
"Baka nga yung kuya mo pa makapartner mo, e. Ako, sana si Skye na lang partner ko." Nitong mga nagdaan na araw, narealize ko na masaya akong kasama si Skye.
"Hala ayoko nga sa kuya ko. Lagi kami nagtatalo non. Gusto mo bang gumuho ang Adelaide?" Natawa ako sa reaksyon ni Candice.
"Pero ikaw ah. Kay Fafa Skye ka na. Okay lang naman sa akin. Mabait naman yon. Childhood friends kami nun kaya Blair na ang tawag niya sa akin ever since." Hindi nakwento sa akin iyon ni Candice ang akala ko basta na lang sila naging close dahil parati ko siyang kasama.
"Okay, settle down. Now we'll proceed to the sections of Apollo and Athena." Hindi namin namalayan kakadaldal na tapos na pala iannounce yung names ng mga taga Artemis at Ares kaya di nakinig na lang ako.
"Babangitin ko muna ang names ng taga Athena then Apollo and room number, so please listen.Mr. Ethan John Felizmenio and Ms. Mary Jane Alcantara..."Kinakabahan ako habang inaabangan ang pangalan ko.
"Ms. Ellen Calandra Torres and Ms. Cassey Mae Yoon. Y-1." Mahirap 'to dahil si Ellen ay makakaharap ang fear asset ni Cassey. Kinakabahan ako para sa kanya.
"Ms. Candice Blair Ignacio and Mr. Terrin Skye Holland. Y-2." Napasimangot ako nang malaman na magkapartner yung dalawang kaibigan ko.
"Sorry, Summer." Nginitian ko na lang si Candice. Gosh, sana matino yung partner ko baka pahirapan ako e.
"Ms. Althea Marie Robles and Mr. Haydn Elijah Ignacio. Z-1." Salamat naman, hindi napunta sa kin yung demonyo.
"And last but not the least. Ms. Miracle Summer Rain Torres and Mr. Ashton Blaze Ignacio. Z-2. Nganga. Yan yung naging reaction ko.
"Omg, ang lucky mo girl. Sayo napunta si blazing sun." Siniko ako ng babaeng katabi ko, yung Althea yata. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Looks like mahihirapan ka bessy. Tsk. Tsk." sabi ni Candice.
"Alam ko na yon. Isang student council president at isang malakas na ascendant ang kasama ko. Ibig sabihin lang non, ako yung kabaligtaran niya." Napabusangot na lang ako nang marealize ko ang mga bagay na iyon.
***
Sa laki ng Adelaide High, may kanya kanyang designated na training room sa bawat pairs sa amin. Pinaglunch muna kami para may energy mamaya dahil hanggang uwian ang training. Pinagcasual clothes lang kami para komportable.
"Bigyan mo nga ako ng advice para makapagsurvive." pakiusap ko kay Candice.
"O sige. Ito unang una bessy, wag mong gagalitin si Blaze dahil halimaw yon magalit. Pangalawa, wag mo siyang gigisingin pag natutulog siya, magagalit din siya. At panghuli ang pinaka importante sa lahat, no contact with him. Dahil kaya ka niyang sunugin in just one touch." Magagalitin pala tong si Blaze, yari na. Napansin kong parang kilalang kilala ni Candice si Blaze.
BINABASA MO ANG
A Blaze of Rain
FantasiaFire And Water. Two elements that are forbidden to meet. When one encounters the other, there's a chance the other cannot survive. What happens when two people crosses paths without knowing who they really are? A fantasy story about love, friendshi...
