II- When It Rains

36 3 0
                                    

Rain's POV



"Ulan, linisin mo yung kwarto namin ni Maggie. At pagkatapos yung kinalat ni Brownie ligpitin mo, pakainin mo na rin. Atsaka barado din yung banyo, pakiayos. Okay?" Utos sa akin ni Ate Diann.





"Ate, may assignment at exam pa po kasi ako tatapusin ko lang po saglit." Pinagpatuloy ko ang pagsasagot nang hilahin niya ang buhok ko.





"Aray!" sigaw ko. "Binabastos mo ba ako? Tandaan mo ampon ka lang kaya palamunin ka lang sa bahay na ito." Binitawan niya ang buhok ko at ibinagsak ang mukha ko sa lamesa.





"Sige po Ate. Mamaya na lang po ako mag-aaral." Wala na akong magagawa dahil gusto kong suklian ang pagmamahal sa akin ng mga magulang niya.





Pagkapasok ko ng kwarto ay nadatnan ko si Maggie. "Nasaan pala yung pinplantsa ko sayo? Gagamitin ko yon bukas." tanong niya.





"Ay, Maggie sorry ibinigay ko kasi kay Aling Atang. Siya na daw ang magpaplantsa."





"At talagang inaasa mo sa kanya. Hoy, para sabihin ko sayo hindi mo katulong si Aling Atang. Ampon ka lang. Ampon! AMPON!" Itinulak niya ako at nauntog ang ulo ko sa pader. Sumakit ang ulo ko at nang hawakan ko ito, I saw blood.

Kasabay noon ang pagkulog at pagbuhos na ulan mula sa labas.





Just then, I woke up. With hot tears in my eyes.

Tumulo nang tumulo ang luha ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumulo nang tumulo ang luha ko. Bigla kong naalala ang lahat. Ang pagpapahirap sa akin nina Ate Diann at Maggie. Ang pamilyang Villasotto.




Hay. Bakit ba ako nagbabalik tanaw sa nakalipas na? Nasa pangangalaga na ako ng pamilyang Torres. Ito ang tanging hiling ko sa buhay. Ang magkapamilya na magmamahal at tatanggap sa akin.





Oo  nga pala. Nakalimutan kong itext si Kuya Emman kagabi. Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha ang na phone ko.





3 messages received

From: Kuya Emman



Rain, gising ka pa ba?





Rain, nakalimutan kong sabihin na dalawa kayong inampon nina Mr. at Mrs. Torrres. Halos kaedad mo lang yung isa. Dadating kami mamayang 5PM. Kung may gusto kang ipadala ko or something sabihin mo lang.



Rain, natanggap mo ba yung text ko? Punta kami mayang 5. See ya.




Ano?! Dalawa kaming maninirahan sa mga Torres? Habang tumatagal, nagiging weird. Bakit mag-aampon ng dalawang teenager ang mag-asawang 'to? I know it's rude pero now I can't help it.





A Blaze of RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon