Rain's POV
"Strangely, hindi pa naman Ber months bakit biglang umulan ng malakas at tumila din agad?" Biglang tanong sa akin ni Blaze habang tumitingin sa labas ng bintana.
Napansin kong nagpabalik balik yung tingin niya sa bintana at saka sa akin. Tila may iniisip siya.
Bigla siyang bumalik sa pagkakaupo tinabihan ako. "Miracle." he called out.
"Mmm?" I asked.
"Rain." Sabog ba to? Ano meron sa pangalan ko?
"Yup. That's my name, Miracle Summer Rain." I casually said.
"Nope. That's not what I meant. I discovered your asset."
"Huh?"
"Miracle, the rain and perhaps the weather? I don't know but I'm sure rain is part of your asset. It's quite dangerous since your asset is based on your emotions. Everytime you shed a tear...a raindrop drops and-" I didn't focused on what he continued to say. Instead, I looked back to the times that I cried and then coincidentally it rains.
"Ellen wag. Please." I pleaded as I hold her wrist. Akmang pupunitin na niya kasi yung drawing ko.
"Anong wag? E, basura tong gawa mo. Diyan ka na nga." Itinulak niya ako at sinimulang punitin ang papel. Para akong nagliliyab sa galit ngunit pinigilan ko ito.
Bigla namang kumulog at bumuhos ang ulan. Dahil sa takot ko ay naitulak ko si Ellen ngunit nang tumama ng malakas ang ulo niya sa pader.
..........
"Si Nanay Alison mo ang nagpangalan sayo ng Miracle. Ako ang nagbigay sayo ng Summer Rain seven years ago."
"Hindi ko na po maalala."
"Sanggol ka pa kasi. Summer kasi noon, Rain. Nagtataka kami kung bakit umuulan. Tapos nakarinig kami ng sanggol na umiiyak at natagpuan ka ni Ate sa Jefferson. Kinantahan ka niya at isang milagrong tumigil ka sa pag-iyak kasabay ng pagtila ng ulan. Kaya, Miracle Summer Rain Jefferson."
...............
Tinanggal ni Ellen mula sa buhok ko yung ipit ko. "Akin na yan. Bigay sakin yan ni Tatay-"
"Tatay? Hindi mo siya totoong Tatay, Rain. Kaya pwede ba. Dyan ka na nga." Umalis siyang dala dala ang ipit ko. Wala na kong nagawa kundi ang umiyak. Napansin kong bumuhos ang ulan sa labas kaya sinara ko ang bintana.
................
"At talagang inaasa mo sa kanya. Hoy, para sabihin ko sayo hindi mo katulong si Aling Atang. Ampon ka lang. Ampon! AMPON!" Itinulak niya ako at nauntog ang ulo ko sa pader. Sumakit ito at nang hawakan ko ito, I saw blood. Kasabay noon ang pagkulog at pagbuhos na ulan mula sa labas.
BINABASA MO ANG
A Blaze of Rain
FantasyFire And Water. Two elements that are forbidden to meet. When one encounters the other, there's a chance the other cannot survive. What happens when two people crosses paths without knowing who they really are? A fantasy story about love, friendshi...