Rain's POV
Dumating ang Monday at nagsimula ang first training day. May bagong schedule na ibinigay sa amin at imbes na math ang first subject ay meditation. Naka P.E. uniform kami ngayon.
"Class, hindi nagbago ang teachers ninyo. Sa halip na math, ituturo ko sa inyo ang meditation. Hindi ito yung normal na meditation dahil tuturuan ko kayo ng control at para hindi makasagabal ang strong emotions sa paggamit ng asset ninyo." Ms. Delgado explained.
"At isa pang bagay, hindi na Ms. Delgado ang itatawag ninyo sa akin. Grand Caster Sharara. Understood?" Lahat kami ay sumagot ng "Opo." at sinimulan na ang meditation.
"Lahat kayo ay pumikit at mag imagine ng octagon shape dapat gawa siya sa blue glass. And then paghati-hatiin ninyo hanggang sa maging walong piraso sila." Sinubukan kong gumawa ng octagon sa isip ko, isang kulay asul.
"Kapag nahati niyo na, itaas ninyo ang kanang kamay at imaginin ninyo na inaabot niyo ang isa sa mga piraso nito. Let's call it puzzle piece." sinubukan kong abutin ang isa sa mga ito pero lumalayo lang ito.
"Ibaba ninyo ang kamay ninyo kapag nagawa niyo na." Narinig kong bumagsak ang ilang kamay sa paligid ko. Samantalang ako ay nahihirapan abutin ang isa sa mga piraso.
"Looks like konti na lang sa inyo ang hindi nakakagawa. Huwag kayong didilat hangga't hindi ko sinasabi." Naramdaman kong papalapit ang mga yabag ni Ms. Del- Grand Caster Sharara sa akin.
"Rain. Subukan mong gamitin yung kaliwang kamay mo sa pag-abot at magconcentrate ka sa isa sa mga piraso." Narinig kong binulogan niya ako.
Sinunod ko ang sinabi niya. Ibinaba ko ang kanan kong kamay at itinaas ang kaliwa. Iniisip kong maabot ko ang isang piraso at nagawa ko.
"Okay na?" Tatango na sana ako nang biglang mag magnet ang ibang piraso sa hawak kong isang puzzle piece.
"May problema ba, Rain?" Tinanong niya ako pero tumango lang ako. Unti-unti komg naramdaman na papalayo na si Grand Caster Sharara.
"Okay, class that's it for today. Open your eyes now. And prepare for your next class and I'm sure mapapakinabangan ninyo yung meditation kanina. Goodbye, class." Habang papalakad papuntang exit door si Grand Caster Sharara ay kinindantan niya ako, weird.
And then nung patayo na ako, may napansin akong post-it na nakadikit sa pants ko.
It says:
Rain,
Meet me at the Grand Caster's office after class hours later. It's about your asset.
BINABASA MO ANG
A Blaze of Rain
FantasyFire And Water. Two elements that are forbidden to meet. When one encounters the other, there's a chance the other cannot survive. What happens when two people crosses paths without knowing who they really are? A fantasy story about love, friendshi...
