Jungkook's POV
Natulala kami sa sinabi niya. Hindi agad ma-sink in sa utak namin yung sinabi niya.
Siya? Isang anghel? I don't believe it. 'Cause angels don't even exist in this world. Nandito pala kami sa sala ngayon.
Bigla namang tumawa si Hoseok-hyung na may halong ilang.
"Tatawa na ba kami sa joke mo, Miss?" tanong ni Hoseok-hyung dun sa Yoona na yun.
Ini-expect namin na magsasabi siya na joke lang yung sinabi niya. Na binibiro lang niya kami. Pero instead, nakaupo lang siya at malalim kaming tinitignan, na para bang sinasabi niya na maniwala kami.
"Ayaw niyo bang maniwala na isa akong anghel?" inosenteng tanong niya.
"Of course! Sino bang maniniwala sa nonsense na sinasabi mo?" bored na sabi ni Suga-hyung sa kanya.
Bigla namang lumungkot ang mukha ni Yoona.
"Maniniwala ba kayo pag nakita niyo 'to?" sabi niya at may biglang may lumabas na maliwanag sa ibabaw ng ulo niya.
Isang halo.
Napanganga kami sa nakita namin ngayon. So, totoo ngang isa siyang anghel.
"Oo na. Maniniwala na kami sa'yo. Ang nakapagtataka lang, ano yung misyon na sinabi mo na inatasan ka mula sa itaas?" tanong ni Namjoon-hyung dun sa Yoona.
Srsly hyung? Naniwala ka na kaagad?
"Hindi ka ba naniniwala?" bigla naman siyang tumingin sa'kin at tinanong yan sa'kin.
She can read minds?!
"Oo. Nakakabasa ako sa mga isip ng mga tao." sabi niya at biglang ngumiti sa'kin.
Ewan ko lang pero I find her smile captivating.
Tumingin din agad siya kay Namjoon-hyung.
"Pasensya na. Tungkol nga pala dun sa tinanong mo sa'kin. Hindi kasi pwedeng ipagsabi sa iba, pero alam ko din namang malalaman niyo rin eh. ^_^" sabi niya.
"Nga pala Yoona-ssi..." Jimin-hyung got cut off by Yoona.
"Yoona na lang tawag niyo sa'kin." she flashed a smile again.
"May matitirhan ka ba ngayon?" tanong ni Jimin-hyung sa kanya.
"Hmm, wala eh." she shyly smile.
Bigla namang tumahimik, ewan ko lang bakit. Siguro kasi may anghel sa harapan namin ngayon. Binasag naman ni Jin-hyung ang katahimikan.
"Yoona, ba't di ka na kang dito tumira pansamantala?" suhestiyon niya.
Napatayo naman ang ilan sa'min, lalo na ako.
"HYUNG!" sabi ko sa kanya.
"Chill lang maknae. Pansamantala lang naman eh. Tsaka iba naman siya sa mga normal na babae eh I mean, she is an ANGEL." sabi ni Jin-hyung sa'kin.
"Kahit na hyung! Babae parin naman siya!" pagpoprotesta ko.
"No buts, maknae. Sa gusto ay sa gusto mo, dito muna siya sa dorm natin pasamatalang titira. Tsaka wag kang mag-alala, doon naman siya matutulog sa bakanteng kwarto eh." sabi ni Jin-hyung and gave me a reassuring smile.
"Fine." yan na lang ang nasabi ko.
Kasi naman, I feel uncomfortable towards girls. Kahit pa isa siyang anghel o isang mystical creature basta kung babae yan, asahan niyo na lang na hindi ako mapakali.
Pumayag naman sila sa agreement. At pagkatapos nun ay naghapunan na kami.
Nang kukuha na si Jimin-hyung ng pagkain, hinawakan naman ni Yoona ang wrist ni Jimin-hyung na nagsasabi na wag daw munang hawakan ang pagkain.
"Bakit?" takang tanong ni Jimin-hyung sa kanya.
"Pray muna tayo bago kumain. Pasalamatan natin ang Diyos sa blessing na natanggap natin ngayon."
Natahimik kami at bahagyang napakamot sa batok namin. Di kasi namin yan ginagawa eh. Once in a blue moon lang.
So ayun, nagdasal kami at si Yoona ang nag-lead sa prayer. Pagkatapos nun ay nagsimula na kaming kumain na matiwasay.
Nag matapos na kaming kumain ay nag-volunteer si Yoona na siya na lang ang maghuhugas ng pinggan. Nung una ay hindi muna pumayag si Jin-hyung pero kalaunan ay napapayag na niya din ito.
So siya nga ang naghugas ang pinggan. Habang naman naghuhugas ng pinggan si Yoona ay nilinis namin ang kwarto na gagamitin niya pansamantala.
Nang matapos na ay bumalik na kami sa kwarto namin. Bigla naman pumunta si Namjoon-hyung sa kwarto namin nina Taehyung-hyung at Jimin-hyung.
"Bakit hyung?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw na lang ang magturo kay Yoona kung nasaan ang kwarto niya ah?"
"Eh? Ba't naman ako hyung?" pagrereklamo ko sa kanya.
"Pagod na kami maknae. Sige na Jungkook ah? We'll leave it up to you." sabi ni Namjoon-hyung at dumiretso na sa kwarto nila ni Hoseok-hyung.
Wala akong choice kundi bumaba na lang ulit sa ground floor since nasa 2nd floor yung mga kwarto namin. And to remind you, lahat ng kwarto dito ay may banyo na. Wala lang, just saying.
Nang makababa na ako papuntang ground floor ay nakita ko siya na katatapos lang sa pagligpit ng mga pinggan at mga utensils sa lalagyan nila.
"Oh Jungkook, ba't nandito ka?" takang tanong niya habang papunta sa direksyon ko.
Alam niya agad ang pangalan ko?
"Haha, oo. Alam ko na ang mga pangalan niyo, noon pa." nakangiting sabi niya. Ah, nakalimutan kong nakakabasa pala siya sa isipan ng isang tao.
Pero... parang may ipinapahiwatig siya sa sinabi niyang yon sa'kin. I just shrugged it off.
"Ihahatid lang kita sa kwarto mo." sabi ko habang iniiwas ang tingin ko sa kanya. Alam niyo na kung bakit.
"Sige." sabi niya kaya nauna na akong umakyat ng hagdan sa kanya. Sumunod din naman siya.
Nang makarating na kami sa kwarto niya ay binuksan ko para sa kanya ang pinto at pumasok naman siya sa kwarto niya. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko which is nasa labas lang ng kwarto niya. Mukhang nagustuhan naman niya yung bago niyang kwarto. Halata kasi sa mukha niya.
Akmang isasara ko na ang pintuan ng kwarto niya nang bigla niya akong tinawag.
"Jungkook." sabi niya.
I opened the door halfway and looked at her.
"Ano yun?" tanong ko sa kanya.
"Thank you... and good night." sabi niya at nginitian ako.
Tumango lang ako as a response at isinara na ang pinto.
Damn. What did I just felt right now?
YOU ARE READING
The Angel Has A Mission [HIATUS]
Short StoryA story in which an angel has been assigned to guard and take care of seven boys a.k.a. Bangtan Sonyeondan. As time goes by, some things changed. Some boys fell in love with her. Secrets revealed, pasts revealed. What if Fate will test them? Will th...