3rd Person's POV
Pagkatapos ng mga promotions, fan meets, guestings, etc. nila sa Just One Day ay dumating na ang araw na hinihintay nila. Ang araw na magbabakasyon sila sa Jeju ng limang araw.
Lahat sila ay nananabik na pumunta doon. Ang tanong, may mangyayari kayang hindi nila inaasahan?
Jin's POV
Dumating na rin ang araw na hinihintay ko!... Este namin pala 😅
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gamit namin para sa Jeju Island.
"Yoongi, ba't nakahiga ka na naman? Balak mo bang ulit matulog eh ilang minuto na lang at aalis na tayo." sabi ko kay Yoongi.
Tumingin naman siya sa'kin habang nananalisik ang kaniyang mga mata.
"Humiga lang ako saglit, matutulog agad? Di ba pwedeng namamahinga lang saglit?" sarkastiko niyang sabi.
Aish, ang batang 'to talaga...
"May nalalaman ka pa diyang pahinga eh pwede mo naman niyang gawin ang pahinga mo pag nasa byahe na tayo." sabi ko.
"Whatever hyung."
Hindi ko na lang siya pinansin pa, baka kukulo lang ang dugo ko sa kaniya.
"Hyung, pansin ko lang..."
"Ano?"
"May napapansin ka ba dun kay Yoona?" tanong bugla ni Yoongi sa'kin.
"Na ano?"
"Napaka-misteryosa. Marami siya nalalaman tungkol sa'tin samantalang tayo ay wala tayong nalalaman tungkol sa kanya. Yung fact lang na isa siyang anghel at ang pangalan niya ang alam natin." he said while looking at the ceiling.
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Tama si Yoongi. Other than her name and the fact that she's an angel are the only things we know about her.
Yoona, sino ka ba talaga?
Jimin's POV
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon. Ang iba ay natutulog, ang iba naman ay tumitingin sa labas ng bintana. Ako naman ay katabi si Yoona na nagsa-soundtrip habang minamasdan ang nadadaan naming mga lugar. Dahil sa wala akong maisipang magandang gawin ay kinuha ko ang isang earbud sa kanang tenga ni Yoona at sinuot sa kaliwang tenga ko. Nasa kaliwa ko kasi siya.
Lumingon naman siya sa'kin, yung tipong nagtatanong kung bakit ko kinuha yung kabilang earbud.
"Pahiram lang. Makikinig lang ako sa mga kantang pinapatugtog mo ngayon." sabi ko.
Ngumiti naman siya senyales na pumayag siya na pahiramin ako.
Hindi ko akalain na yung kanta pala namin ang pinapakinggan niya.
"Yung kanta pala namin ang pinapakinggan mo?" tanong ko sa kanya. Mahina lang kasi ang volume ng earphone niya kaya maririnig namin ang sinasabi namin sa isa't-isa.
"Yup." sabi niya habang nakatingin sa kalsada tsaka ngumiti.
"Akala ko yung mga American Pop songs yung tipo mo." sabi ko.
"Actually, mahilig talaga ako sa mga ballad songs."
"Eh, hiphop ang genre kadalasan ng mga kanta namin."
"May mga ballad din naman kayo ah. Tsaka ang ganda kaya ng mga hiphop songs niyo. Ang cool nga." sabi niya na may kasamang ngiti.
Ewan ko lang pero parang na-flutter ako sa sinabi niya.
YOU ARE READING
The Angel Has A Mission [HIATUS]
Короткий рассказA story in which an angel has been assigned to guard and take care of seven boys a.k.a. Bangtan Sonyeondan. As time goes by, some things changed. Some boys fell in love with her. Secrets revealed, pasts revealed. What if Fate will test them? Will th...