Yoongi's POV
Salamat naman at nagka-POV na ako.
(Dapat lang noh...)
Shattap, author.
K. Back to the story.
It's been two weeks since we did our promotions and photoshoots. Two weeks na din since di nila nakakasama nor nakikita yung anghel na si Yoona. Oo, sila lang. Di kasi kami close, at paki ko ba dun.
Wag na kayong magtaka kung bakit ganito ako. Ganito naman talaga ako well except sa family, friends at sa mga lubos ko pang kilala lalong-lalo na ang mga members ko.
Kasalukuyan kaming nasa recording studio namin at nagre-record ng mga kanta namin para nga sa second mini album namin. Siguro mga next, next week na ire-release ang album. Kaya heto kami ngayon at nagpupursigi na matapos kaagad ang mga recordings namin. Well, 1 week namin itong ginagawa and to be honest nakakasakit na sa lalamunan sa kaka-rap. Idagdag niyo pa na kaioangan i-memorize ang lyrics at gagawa pa ako ng mga kanta namin kasama sina Namjoon.
"Hyung, recording na daw." sabi ni Jungkook sa'kin.
May break kasi kami ngayon. At malapit nang matapos kaya tumayo na ako at lumapit sa kanila. Habang papalapit ako sa kanila, may sinabi si Taehyung sa kanila na narinig ko.
"Miss ko na si Yoon-Yoon." sabi ni Taehyung sabay pout.
"Tigilan mo nga yan Taehyung! Nagmumukha ka lang pato sa ginagawa mo." sabi ko ng makalapit na ako sa kanila na siya namang ikatawa sa iba kong ka-miyembro.
"Tsaka pwede ba, sa buong dalawang linggo walang araw na hindi mo sinasabi sa amin na miss na miss mo na yang anghel na yan." irita na sabi ko sa kanya.
"Eh kasi naman hyung, hindi na natin siya nakikita masyado. Sa dorm nga di natin siya nakikita ni anino niya, wala. It's either pumunta na siya sa trabaho o kaya naman ay natulog na sa kwarto niya. Nagtataka nga ako kung nakakain ba siya." sabi ni Taehyung habang nakasimangot.
Now that he said that, napapansin ko din minsan na di namin masyado nakikita yung anghel na 'yun.
Aminin mo na kasi na namiss mo siya.
sabi ng konsensya ko.At bakit naman ko naman siya mamimiss? Tsaka pwede ba, wag mo akong gambalain?! Kita nang nagpi-POV ako dito eh.
Sige. Sabi mo eh.
So as I was saying, namimiss na ni Taehyung yung anghel na yun. Yung batang yon, napaghahalataan na ah? Di kaya....?
"Hyung, nagkakagusto ka na ba kay Yoona?" biglang tanong ni Jungkook na siyang ikinatahimik naming lahat na tila ba ay hinihintay namin ang sagot.
Pero bago niya iyon nasagot ay tinawag na kami.
"Guys! Start na ng recording!"
So ayun, nagsimula na kaming mag-record ng mga kanta namin.
After a few hours..
"Okay guys! Two hours break muna!" pagkatapos sabihin yun ay nakahinga naman kami ng maliwanag at tinanggal na ang headphones namin tsaka nilagay ito sa lagayan nun. Lumabas naman kami sa recording room at agad akong humilata sa isa sa mga couch doon.
"Guys, gisingin niyo na lang ako kapag magsisimula na ulit tayong mag-record o kaya naman ay kakain na tayo." pagkatapos kong sabihin iyon ay tumango naman sila at pinikit ko na ang mga mata ko.
Actually, alam ko na ang mga linya ko sa mga kanta namin para sa 2nd mini album kaya no need to memorize anything and besides, ilang araw na rin akong nakulangan ng oras sa pagtulog kaya matutulog muna ako readers. Ciao!
YOU ARE READING
The Angel Has A Mission [HIATUS]
Cerita PendekA story in which an angel has been assigned to guard and take care of seven boys a.k.a. Bangtan Sonyeondan. As time goes by, some things changed. Some boys fell in love with her. Secrets revealed, pasts revealed. What if Fate will test them? Will th...