Chapter 1

277 15 0
                                    

Jimin's POV

*click* *click*

"Okay guys! Good job!" sabi ng photographer sa'min.

Agad naman kaming tumayo at nag-bow sa mga staffs, crews, etc. May photoshoot kasi kami at katatapos lang.

Lumapit naman ang manager sa'min.

"You did a great job today boys!" sabi niya at pumalakpak sa'min.

"Kamsamnida!" sabi namin sa manager namin at nag-bow sa'min.

"Magbihis na kayo at bumalik na sa dorm niyo para makapahinga na kayo." sabi niya bago umalis sa harapan namin.

Pumunta naman kami sa dressing room at nagpalit na ng damit.

"Hayy sa wakas! Makakauwi na din tayo sa dorm! Grabe! Nakakapagod ang araw na 'to!" sabi ni Hoseok-hyung nang makatapos na siyang magbihis.

Napatawa na lang kami sa sinabi niya. Di lang naman siya ang napagod eh. Kami din, pagod na pagod. These past days kasi, packed ang schedule namin. Buti na lang talaga at binigyan kami ni manager ng day-off for 3 days.

Pagkatapos naming magbihis ay pumunta kaagad kami sa van. Si Jin-hyung ang magmamaneho at si Namjoon-hyung sa front seat. Ako, si Jungkook, at si Taehyung naman sa 2nd row at sa last row sina Hoseok-hyung at Yoongi-hyung na agad na nakatulog pagkapasok na pagkapasok sa van.

Habang nasa biyahe kami si Namjoon-hyung ay nagsu-surf sa phone niya, si Jungkook at Taehyung naman nakikinig lang ng music sa tablet ni Jungkook. Si Hoseok-hyung at Yoongi-hyung naman ay tulog na tulog. Ako naman ay pinagmamasdan lang ang kalsada na nadadaanan namin.

Nabigla na lang kami nang biglang pinahinto ni Jin-hyung ng malakas ang van. Napamulat na lang si Yoongi-hyung dahil dun at alam niyo naman kung ano ang mangyayari kapag naistorbo ang kaniyang tulog, diba?

"What the f*** Jin!!! Natutulog yung tao eh!" singhat ni Yoongi-hyung

"Anong gagawin ko eh muntikan na tayong makasagasa ng tao??!!! Alangan namang magpatuloy akong magmaneho habang tumatawid yung tao??!!" sabi naman ni Jin-hyung.

"Magsitigil nga kayo! Wala ba tayong balak na tulungan ang muntikan na nating masagasaan?" awat naman ni Namjoon-hyung sa kanya.

Napahinto naman kami saglit at nang ma-process na sa utak namin ang sinabi ng leader namin, agad naman kami nagsibaba sa van at tinignan kung sino ang muntikan naming nasagasaan.

Paglapit ko na sa harapan ng van, isa pa lang babae ang muntikan na naming nasagasa. Agad namang lumapit si Jin-hyung sa babae at tinignan yung pulso ng babae.

"Oh ano na?? Patay na ang babae???" exaggerated na sabi ni Taehyung habang nagpapanic.

Lumapit naman ako sa kanya at binatukan siya.

"Ul*l! Pa'nong mamatay eh muntikan lang naman natin siyang nasagasa!" sabi ko sa kanya.

"Ah ganon ba?" sabi niya at balik naman siya sa blank expression niya.

"Okay lang naman ang pulso niya. Nahimatay lang naman siya." sabi ni Jin-hyung sa'min.

Nakahinga naman kami ng maluwag.

"Mabuti pang dalhin muna natin siya sa dorm natin." sabi ni Namjoon-hyung sa'min. Tumango lang kami.

Binuhat naman ni Jin-hyung yung babae pina-bridal style at pinasok na sa van. Bale pinahiga namin yung sa 2nd row at kaming tatlo naman nila Kookie at V ay lumipat sa last row.

Pinaandar na ulit ni Jin-hyung yung sasakyan at nagmaneho papunta sa dorm namin.

Nang makarating na kami sa dorm ay binuhat ulit ni Jin-hyung yung babae at hiniga siya sa couch sa sala namin.

Lumapit naman kaming lahat sa babae.

Ngayon lang namin napansin yung itsura niya.

Ang weird ng suot niya at tsaka may pagka-ripped yung sa tip ng sinusuot niya ngayon. Maputi naman siya at ang ganda ng mukha niya. Wala ni isang pimple or blackheads. In short, maganda siya. Nang napatingin ako sa may paanan niya, maraming mga sugat at pasa. Yung nasa talampakan naman niya ay puno ng sugat. May mga sariwa pa nga eh.

"Ikukuha ko lang yung medicine kit." sabi ni Jin-hyung.

Nang makaalis na si Jin-hyung, bigla na lang nagising yung babae. Nataranta naman kami dahil di namin alam ang gagawin namin. Bumangon naman ang babae ng walang alinlangan at sakto namang bumalik si Jin-hyung dalang-dala ang med kit.

"Oh gising ka na pala. Masakit pa ba ang----" di natuloy ang sinabi ni Jin-hyung sa babae nang napantingin sya sa paa at binti ng babae. Napatingin naman kami doon at nahulat kami sa nakita namin.

Wala na ang mga sugat at pasa niya. Imposibleng imahinasyon lang namin yun since nakita talaga namin yung mga sugat at pasa niya.

Bigla naman tumayo ang babae na parang walang masakit sa katawan niya.

"May tubig ba kayo?" blangko lang ang expression niya nung tinanong niya sa'min yun.

"S-sa kusina... M-may tubig dun..." sabi ko at tinuro ang kusina habang nakatingin parun sa babae.

Tumango lang ang babae at pumunta sa kusina.

Di kami makapaniwala sa nakita namin ngayon. Sure akong may mga sugat siya doon sa binti at paanan niya. Ilang segundo nga lang nawala si Jin-hyung nung biglang nawala ang mga pasa't sugat niya.

Sinundan naman namin ang babae papunta sa kusina at nang makarating na kami dun, nakita namin ang babae na nakangiti. Kanina ang blangko ng mukha niya ngayon nakangiti na. Ang weird.

"Salamat pala sa tubig." sabi niya habang nakangiti parin.

"T-teka nga! Ba't biglang nawala kaagad ang mga pasa't sugat mo na ganon kadali??!!" - Hoseok-hyung

"Oo nga! May super powers ka ba?!"- Taehyung

"Anong pangalan mo at ano ka ba talaga???"- Jungkook

Ngumiti lang ng malawak ang babae.

"Ako nga pala si Yoona...." sabi niya pero ang ikinagulat namin ay ang sunod niyang sinabi.

"....isa akong anghel at may misyon ako dito sa mundo ng mga mortal."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. ISA SIYANG ANGHEL?!

The Angel Has A Mission [HIATUS]Where stories live. Discover now