Chapter 11

89 11 1
                                    

Jin's POV

Nandito na kami sa bookstore kung saan nagpapart-time job si Yoona. Lahat maliban kay Yoongi at Jungkook ay excited na makita siya miski ako. Ewan ko lang kung bakit.

Since transparent glass ang pinto sa harapan ng bookstore ay matatanaw mo mula sa labas ang nasa loob nito kaya tumingin muna kami. Nakita namin siya na busy sa pag-ayos at pagbalik ng mga libro sa mga dapat nitong lugar. Wala namang masyadong customer sa loob ng bookstore.

Nang makasiguro na kami na di kami makikilala ng mga tao sa disguise namin ay pumasok na kami sa bookstore na parang wala lang kaya wala namang masyadong nanghihinala sa'min kaya napanatag naman kami.

Agad naman kaming napansin at nakilala ni Yoona kaya nginitian niya kami bago siya bumalik sa kanyang ginagawa.

Umupo naman kami sa isang round table for seven people. Nagpaiwan kasi si manager sa van. Siguro pagod yun.

Nang matapos nang gawin ni Yoona ang dapat niyang gawin ay pumunta naman siya sa mesa namin.

Nang makalapit na siya sa'min, sinabihan namin siya na wag babanggitin ang pangalan namin ng mahina at tumango naman siya.

"So, ba't napadaan kayo dito?" sabi niya habang nakatayo parin sa harap namin.

"Nang mapansin namin na wala ka sa set kanina, sinabihan kami ni manager na nagtatrabaho ka daw sa isang bookstore kaya napag-isipan naming sunduin ka namin galing sa part-time since maaga kaming natapos ngayon." paliwanag ni Hoseok.

Tumango naman si Yoona bilang sagot.

"Nga pala, kumain na ba kayo?" tanong niya sa'min. Si Jimin naman ang sumagot.

"Oo eh. Kumain muna kami bago dumaan dito sa bookstore. Ikaw, kumain ka na ba?" tanong nito pabalik kay Yoona.

"Hindi pa eh pero busog pa naman ako. Kakain na lang ako pagdating natin sa dorm." sabi niya.

"Wala namang nagtanong kung saan at kailan ka kakain. Tinanong ka lang naman kung kumain ka na ba." bigla namang sabi ni Yoongi na ikabigla namin.

Ngumuso naman si Yoona. I wonder, nagagalit ba ang isang anghel?

"Nagsasabi lang naman eh. Minsan ka na nga lang magsalita pag nasa harap niyo ako, mga masasama pa ang lumalabas diyan sa bibig mo." sabi ni Yoona. Bakas nito ang lungkot.

Narinig ko lang na nag-'tch' si Yoongi.

"Balik na ako sa trabaho ko ah? Intay na lang kayo sa van. Medyo matatagalan kasi ako eh." and with that, umalis na siya sa harapan namin.

Tumingin naman ako kay Yoongi.

"Yoongi, ba't mo naman yun nasabi sa kanya?" I ask with a frown on my face.

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah. Tinanong lang siya kung kumain na ba siya, ang dami ng sinabi." sabi niya.

Wala naman kami nagawa kundi bumuntong hininga.

"Balik na ako sa van." sabi ni Yoongi sabay tayo at lumabas na sa bookstore.

"Hayy binara na nga niya si Yoon-Yoon, ganyan pa siya." sabi ni Taehyung sabay bumuntong hininga.

Di naman siya ganoon ka-harsh pagdating sa ibang tao, lalung-lalo na sa mga babae. Kay Yoona lang siya ganyan.

Maya-maya niyan ay isa-isa nang nagsilabasan ang mga customer dito hanggang sa kami na lang ang tanging customer ang natira dito.

Nilibot ko naman ang tingin sa bookstore hanggang sa matanaw ko si Yoona na naglilinis.

Tumingin naman siya sa gawi namin.

"Ano pang ginagawa​ niyo dito? Di ba sabi ko na doon na lang kayo sa van maghintay?" tanong niya sa'min.

"Wala, trip lang namin. Tsaka, ba't kailangan mo pang maglinis? Isa ba yan sa mga trabaho mo dito sa bookstore?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya.

"Gusto ko lang tong gawin. Para naman pag bukas, di na ako mapapagod maglinis tuwing umaga." sabi niya.

Bigla namang tumayo si Taehyung at kumuha ng isang walis.

"Tulungan na lang kita, Yoon-Yoon!" sabi ni Taehyung at ngumiti.

"Salamat, Tae-Tae!" sabi naman ni Yoona.

"Tutulong na rin ako." sabi ko.

"Ako rin." sabi nina Namjoon at Hoseok.

Sa huli, tinulungan naming anim si Yoona na malinis ang buong bookstore. Medyo may pagkalawak kasi ang bookstore na 'to.

Pagkatapos naming maglinis ay niligpit na namin ang mga cleaning tools at pinatay na ni Yoona ang lahat ng ilaw at ang plangka tsaka chi-neck kung wala ba siyang nalimutan. Lumabas na kami ng bookstore at sinarado na ni Yoona ang pinto. Nang makasigurado na si Yoona na lock na talaga yun ay pumunta na kami sa van at umuwi na.

Nang makarating na kami sa dorm, agad naman pumunta sa kanilang mga kwarto ang lahat maliban sa akin at ni Yoona. Umuwi na din si manager-hyung. Pumunta muna ako sa kwarto namin ni Yoongi at nilagay ang mga hamit ko doon. Bumaba naman ako at nakita si Yoona na kasalukuyang nagluluto sa kusina. Pumunta naman ako doon at tumabi sa kanya.

"Anong niluluto mo?" tanong ko habang pinapanuod ko siyang magluto.

"Adobo. Gusto mo?" sabi niya at tumingin sa gawi ko.

Tumango lang ako tsaka ngumiti sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik.

Nang malapit na siyang matapos ay ako na ang naghanda ng mga plato namin, etc.

Nang maluto na ang adobo ay kumuha siya nito at nilagay sa isang mangkok tsaka nilagay sa mesa.

Fast Forward (dahil tinatamad si author magsulat ^_^v)

Nang makaupo na kami ay nagdasal muna kami bago kumain. Habang kumakain kami ay nag-uusap kami ng kung anu-anong bagay.

"Kamusta pala ang unang araw mo dun sa bookstore?" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang napangiti.

"Sobrang saya. Marami na akong pwedeng mabasa na mga novels dun pag free time ko. Ang bait pa nga ng may-ari dun eh. Libre na daw yumg pagkain ko dun. Alam mo ba, sabi ng may-ari na lalagyan daw nya ng flat screen at speakers dun sa bookstore niya para raw may mapakinggan at mapanood ang mga papasok doon. Para di mainip. Diba ang cool nun? Kadalasan kasinng bookstore ay sobrang tahimik para ka ngang nasa sa school library sa sobrang tahimik eh." sabi niya habang sumusubo pa rin na syang dahilan ng pagtawa ko ng bahagya. Ang cute kasi.

Ha? Anong pinagsasabi ko.

Nung may napansin akong may dumi siya sa gilid ng labi niya ay lumapit ako sa kanya at pinahid ang dumi sa gilid ng kaniyang labi gamit ang hinlalaki ko. Napahinto naman siya sa pagkain niya.

"Ah, may dumi kasi sa may labi mo. Hehe." sabi ko habang nagkakamot ng batok ko at nagpatuloy sa pagkain. Bigla namang tumahimik ang paligid.

Maya-maya niyan ay napagdesisyunan kong basagin iyon.

"Ah, Yoona. Magiging busy kami sa mga susunod na araw. Okay lang ba sayo?" tanong ko na siyang dahilan ng paglingon niya sa'kin.

"Ahh sige, okay lang sa'kin. I'll just watch you from afar." sabi niya pero di ko masyadong narinig yung huling sinabi niya.

Baka naman hindi yun masyadong importante kaya I just shrugged it off.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit na namin ang hapagkainan at nilagay na namin ang natirang pagkain sa ref. Nang matapos na ay sabay kaming umakyat sa second floor at pumunta na sa mga kwarto namin.

Pero bago pa ako makapasok sa kwarto namin ni Yoongi at may sinabi si Yoona.

"Mag-ingat kayo sa mga susunod na araw ah? Lalo na't maraming disgrasya ngayon. Sige good night." sabi niya sabay ngiti.

Kahit nalilito pa ako ay tumango na lang ako bilang sagot.

"Sige, good night din sa'yo." sabi ko at tuluyan nang pumasok sa kwarto namin ni Yoongi.

Agad naman akong humilata sa kama ko at pagkatapos kong magmuni-muni ay nakatulog na ako.

The Angel Has A Mission [HIATUS]Where stories live. Discover now