DUMAAN ANG ISANG BUWAN simula nang ligawan ni Tolits ang modelong kaibigan ng kuya Stephen niya.Kahit mahirap ay hindi siya sumuko dito kaya naman nagtagumpay siyang mapasagot ito.Linggo ng hapon ng makaisip mag-shopping si Tolits.Kasalukuyan siyang pumipili ng jacket nang mahagip ng paningin niya ang nakababatang kapatid ni Jessrey na si Dina.Agad niya itong nilapitan, sakto namang napatingin sa gawi niya ang dalagita.
"Ate!" Tawag nito at sinalubong siya.
"Sshh...Diba sabi ko huwag mo'kong tatawaging ate?" Sita niya nang tuluyang makalapit dito.
"Eh babae ka naman kaya okay lang yan iyon." Sagot nito saka humalik sa pisngi niya na tinugon naman niya.
"Kahit na.Hindi parin ako sanay na may tumatawag sa'kin ng ganyan."
"Puwes masanay ka na kasi magiging sister-inlaw naman kita... soon." Nakangiting wika nito.
"Naku! Tigilan mo na kakapangarap mo ng ganyan." Sita niya dito.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na gusto siya nito pati ng mga magulang ni Jessrey para sa binata na parati ay tinatawanan niya lang.Babae ang type niya at kung magkakagusto man siya sa lalaki, alam niyang si Jessrey iyon.
"Bakit ba kasi hindi ka nalang magpakababae ate Tolits? Ang ganda mo kaya.Mas maganda ka pa nga sa Jowa mo."
"At dinamay pala talaga ang Jowa ko."
"Eh totoo naman.Kung magdamit ka lang ng pambabae at alisin yang pagiging astig mo, for sure lahat ng lalaking makakasalubong mo matutulala."
"Hay naku! Sige na! Mauna na ako.May lakad pala kami ng kuya mo mamaya." Paalam niya dito. "Send my regards to Tito and Tita, okay?"
"Okay ate.Ingat! Mwahhh!" At nag-flying kiss pa ito na sinalo naman niya kunwari saka mabilis na lumihis ng daan.
Binalikan niya ang Jacket na nakita kanina at agad na pumila sa may counter.Nang makapagbayad ay mabilis niyang pinaharurot ang dalang motor pauwi ng kanilang bahay.
KASALUKUYANG NAGBIBIHIS si Jessrey nang dumating si Tolits.
"Tara na, alis na tayo!" Yakag nito sa kanya.
"Teka lang.Nakita mo nang hindi pa'ko tapos magbihis eh!"
"Bagal mo kasing kumilos.Daig mo pa babae."
"Sus! Ang sabihin mo excited ka lang sa mga bebot."
"Buti alam mo." Nakangising sagot nito.
"Hay naku! Kailan kaya mabubuksan ang isipan mo na ang babae ay para sa lalaki----"
"At ang lalaki para babae." Dugtong nito sa sinasabi niya. "Tigilan mo na nga yan.Paulit-ulit na lang." Yamot nitong saad. "Bilisan mo na, naghihintay na ang tropa at nag-uumpisa na ang party."
"Okay! Okay!" Kanyang tugon at binilisan na ang pagbibihis.Nang matapos ay agad silang gumayak at pumunta kung saan ginaganap ang birthday celebration ng isa nilang kaibigan.
Makalipas ang mahigit kalahating oras, nakarating sila sa bahay ng kaibigan.
"Kumusta mga Bro?" Bungad nila sa mga kaibigang naroon.
"Okay lang." Panabay na sagot ng mga ito.
"Bakit kayo na late?" Tanong ng may birthday na si Kim.
"Pa'no itong si Jessrey ang bagal kumilos.Nagpapagwapo pa, gusto yatang makabingwit ng bebot." Pang-aasar ni Tolits.
"Ikaw talaga.Wala ka nang ibang nakita kundi ako."
"Oh siya! Kumain na muna kayo, para masimulan na ang inuman." Yaya ni Kim sa dalawa na agad namang tumalima.
BINABASA MO ANG
BABAE NA LALAKING PUMORMA NI: M.D.S
RomanceLesbian O Babaeng lalaki na pumorma, yan si LOLITA VILLEGAS Or mas kilala sa pangalang 'TOLITS'. Matinik at tinitilian ng kababaihan dahil sa ngiti nitong maka-laglag panty. JESSREY RECACES---Ang kanyang bestfriend na kasa-kasama niya sa lahat ng ka...