CHAPTER 10:

1K 49 0
                                    

   
HIRAP MAN NA KUMILOS ay pinilit paring bumangon ng maaga ni Tolits. Ayaw niyang lalong maghinala ang kanyang ina dahil sa tingin palang nito kaninang pagdating niya alam niyang napansin nito ang kakaiba niyang kilos.

Naligo siya at nagbihis ng pang-opisina. Naabutan niya ang kapatid na nagkakape.

"Kuya, pwede bang makisabay sa kotse mo?"

"Bakit? May problema bang sasakyan mo?"

"Ah---eh...wala naman kuya. Tinatamad lang akong magmaneho." Pagdadahilan niya ngunit ang totoo, masakit parin talaga katawan niya.

Tinitigan siya nito ng matagal bago nagsalita. "Sis, are you in love?"

"Huh?"

"Don't mind it. Kumain kana para makaalis na tayo."

"Okay."

Maganang kumain si Tolits at lingid sa kaalaman niya, palihim siyang pinagmamasdan ng kapatid niya. "Nagmamahal na ba siya sa totoong lalaki?" Katanungang naglalaro sa isip nito.Nitong nakaraang buwan lang, nahuhuli niyang nakatitig sa kawalan ang kapatid at kung minsan naman nakatingin sa litrato ng kaibigan nitong si Jessrey. Well, hindi naman masama kung sakaling inlab nga ang kapatid sa kaibigan nito dahil simula palang, inaasahan na nang dalawang pamilya na ang mga ito ang magkakatuluyan. Isa lang ang inaalala niya, mahal kaya ito ng binata? Or hanggang kaibigan lang ang kaya nitong ibigay na pagmamahal para sa kanyang kapatid?

Kung sakali mang tama siya ng hinala na nagmamahal ang kapatid niya, he need to do something or help her para maging masaya ito.

Dahil abala sa pag-iisip, hindi niya napansing tapos na ito kumain. Kung hindi pa siya nito binatukan, hindi pa niya malalaman.

"Kuya?"

"Huh?"

"Ano pang hinihintay mo? Tara na!" Sabay tayo nito at nauna nang lumabas sa garahe.

Sapo ang ulo na sumunod ang binata dito. Prente itong naupo sa front seat at ipinikit ang mga mata.

Tahimik namang nagmaneho ang binata at panaka-nakang sinusulyapan ang kapatid.

Nasa kalagitnaan sila nang biyahe nang tumunog ang cellphone nito.
Tiningnan nito kung cellphone at matagal na tumitig doon saka bumaling sa kanya.

"Ba't di mo sagutin?"

Hindi umimik si Tolits sa halip ay ibinaling nito ang paningin sa labas. Muling tumunog ang cellphone nito ngunit nanatili itong walang kibo at tila walang naririnig.

SAMANTALA, hindi naman mapakali ang binatang si Jessrey. Kakagising niya lang at unang tumambad sa kanya ang puting kumot na may bahid ng dugo kaya mabilis niyang tinawagan ang kaibigan ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.

Kailangan niya itong makausap tungkol sa nangyari kagabi. Ang daming tumatakbong katanungan sa isipan niya habang hawak parin ang cellphone. Bakit ito pumayag na may mangyari sa kanila, gayong virgin pa ito? Bakit sa kanya nito ibinigay ang pagkababae nito na dapat ay sa magiging kasintahan nito or future husband?

"Hindi kaya?...No!!" Ipinilig niya ang ulo sa sariling naisip. Alam niyang imposibleng magkagusto ito sa kanya dahil nasabi nito dati sa kanya na kung magmamahal man ito ng lalaki, hindi siya iyon. Pero bakit tila nasasaktan siya sa isiping imposible itong magkagusto sa kanya? "Kasi mahal mo siya higit pa sa kaibigan." Dikta ng puso niya. "Ayaw mo lang aminin." Patuloy pa ng puso niya. "You love her, like a sister!" Sabad naman isipan niya. "You love her as a woman, ayaw mo lang aminin." Ang puso niya na ayaw magpatalo. "Well, let see kung ano ang totoo." Anang isipan niya. "Alamin mo kung ano tunay mong nararamdaman sa kanya." Patuloy na bulong ng isip niya.

Hindi alam ng binata kung ano mararamdaman. Tama nga ang sabi ng karamihan na may mga bagay sa mundo na bihirang magkasundo. Katulad na lamang ng puso't isipan ng isang tao. Madalas magkaiba ng gusto at idinidikta.

Muli niyang tinitigan ang cellphone at idinayal ang numero ng kaibigan.

Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya. "What?" Bungad nito na kababakasan ng kalungkutan ang boses.

"Can we talk?"

"About what?"

"About what happened last night."

"I call you later. Nasa biyahe kami ni Kuya."

Sukat sa narinig ay napalakas ang boses ng binata." What? Aalis ka na naman?"

Bahagyang tumawa si Tolits." Relax, papasok lang kami ng opisina."

Nakahinga ng maluwag ang binata sa narinig. Akala niya, lalayasan na naman siya nito. "Kaya mo na ba?" Kanyang tanong dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya na hirap kumilos ang babae sa una nitong karanasan.

"Yeah. I call you later, bye." At mabilis na nitong pinutol ang tawag.

Napaisip na naman ng malalim ang binata. Kailangan niyang gumawa ng isang desisyon.

Sa kabilang dako naman ay matiwasay na narating ng magkapatid ang kanilang kumpanya. Nagsimula silang magtrabaho at halos hindi nila namalayan ang oras. Labasan na nang maalala ni Tolits ang sinabi ng kaibigan.

Mabilis niyang dinukot ang cellphone at nag-iwan ng mensahe para sa kaibigan kung saan sila magkikita.

Matapos iyon ay mabilis siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa lugar na binanggit niya sa kaibigan.

Hindi pa nag-iinit ang puwet niya sa upuan nang matanawan ang binata na papasok ng resto. Bakit ba ganon pakiramdam niya sa tuwing nakikita ang binata? Parang may nagrarambulan sa dibdib niya. At bakit tila habang tumatagal, mas lalo itong nagiging gwapo sa paningin niya? Ipinilig niya ang ulo at inayos ang pagkakaupo bago paman ito tuluyang makalapit sa kanya.

"Kanina ka pa ba?" Tanong nito pagkaupo.

"Sakto lang."

"Anong gusto mong kainin?"

"Ililibre mo'ko?"

"Ayaw mo ba?"

"Himala! Ang dakilang kuripot ngayon manlilibre!" Himig pang-aasar ni Tolits dito.

Ngumiti lang ang binata at iniabot sa kanya ang menu. Omorder sila at maganang kumain. Nang matapos ay agad tinanong ni Tolits ang binata.

"Ano palang gusto mong pag-usapan?"

"Yung nangyari kagabi. Bakit ka pumayag?" Tanong nito at tinitigan pa ng mariin ang kaibigan.

Umiwas siya ng tingin dito dahil natatakot siyang mabasa nito ang nararamdaman niya. "Nadala lang ako kagabi."

"What? Ganyan lang ang sasabihin mo? Nadala ka? Paano pala kung sa ibang bahay ka nakatulog tapos may nangyari din, ganyan din ba sasabihin mo?"

"I'm sorry."

"Bakit ka nagsosorry? Kailangan nating gumawa ng desisyon bago paman malaman nila Tita at Tito ang nangyari sa'tin."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya na sa pagkakataong iyon ay nagawa niyang salubungin ang mga titig nito.

"Magpakasal tayo!"

"WHATTT?!" Kulang nalang ay mabingi ang mga tao sa loob ng resto dahil sa lakas ng boses niya.

BABAE NA LALAKING PUMORMA NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon