CHAPTER 11:

1K 47 0
                                    

 

DI NAPIGILAN NI JESSREY ang mapangiti sa reaksiyon ng kaibigan.
Sino nga ba naman ang hindi magugulat sa alok niya, ni wala silang relasyon, walang pag-ibig sa isa't-isa. Yes! Inaamin na niyang mahal niya si Tolits simula pa noong ipagkanulo sila sa isat-isa ng mga magulang nila, but he was afraid that time. Takot siya na baka mawala ang pagkakaibigan nila at the same time is he was afraid also thinking what if Tolits didn't love him back? Takot siyang ma-reject kaya ni minsan hindi siya nagseryoso sa relasyon.

Pilit niyang inignora ang nararamdaman para dito. He was dating with the girls pero ni hindi sumagi sa utak niya na ipakilala ang mga iyon sa family niya dahil alam niyang iisang babae lamang ang gugustuhin ng mga itong ipakilala niya...walang iba kundi si LOLITA.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Tinig ng kaibigan na nagpabalik sa naglalakbay na diwa ng binata.

"Bingi kana ba, bro? Ang sabi ko, pakasal tayo!"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"I mean, para saan at kailangan nating magpakasal?"

"Hmmmnnn...sabihin nalang nating para safe tayo halimbawang magbunga ang naganap sa'tin kagabi." Nakangiti niyang sagot.

Dismayado naman si Tolits sa naging sagot ng binata. Akala niya papakasalan siya nito dahil sa may pagmamahal din ito sa kanya, yun pala para lang sa kapakanan niya.

"Ayoko! Ang kasal ay para lamang sa mga nagmamahalan, bro. Nagmamahalan ba tayo?"

"Oo."

"What?" Tila nabingi si Tolits sa sagot nito, isama pa ang panlalaki ng mga mata nito.

Natigilan naman ang binata, kaya bigla siyang kumambiyo." I mean, mahal naman natin isa't-isa as a friends, diba?"

Si Tolits naman ang napipilan. Nagustuhan na sana niya unang sinabi nito kaso binawi pa. "Letseng buhay to, oh!" Piping usal niya sa sarili.

Sa halip na sagutin ang tanong nito ay tumayo at naglakad siya palabas at dumiretso sa abangan ng sasakyan.

Hinabol naman siya ng binata. "Bro, kailangan ko ng sagot mo sa proposal ko."

Tiningnan siya nito nang nakatikwas ang isang kilay. "Pag-iisipan ko."

"Hindi ba pwedeng ngayon kana mag-isip?"

"Aba't..." Akmang papadapuan niya ito ng suntok sa sikmura ngunit maagap nitong nahawakan ang kamay niya.

"Bro, mananakit ka na naman ha!"

"Pakialam mo?!" Pasinghal na tanong niya dito. " Kung sana lang kasi, mahal mo rin, baka hindi kapa tapos sa pagsasalita, oo agad sagot ko!" Pabulong na saad niya na hindi naman nakaligtas sa pandinig nito.

"Anong binubulong-bulong mo diyan? Pwede paki-lakasan para naman marinig ng dalawang tainga ko?"

"Bulong nga eh, diba? So bakit kailangang lakasan?"

"Syempre para----"

"Diyan ka na nga!" Saad nito at walang lingon na agad itong sumakay sa taxing pinara nito.

Naiiling na naisuklay ng binata ang kamay sa buhok niya habang nakasunod ang mga mata sa sinakyan ng kaibigan.

LUMIPAS ang isang linggo na hindi nagkakausap ang magkaibigan.
Gustuhin mang kausapin ng binata si Tolits at aminin dito ang nararamdaman ngunit tila wala siyang lakas ng loob.

Naiisip niya din ang posibilidad na baka mabuntis ang kaibigan dahil
wala siyang proteksiyon nang gabing bumiyahe sila sa langit. Ayaw niyang mapasama ang kaibigan sa mga magulang nito oras na magdalang-tao ito.

Alam niyang hindi madali ang inaalok niya dito pero iyon lang ang naisip niyang paraan.

Gulo ang isip na bumaba siya at dumiretso sa kusina. Naabutan niya ang kapatid na prenteng nakaupo at nagkakape. "Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?" Kanyang tanong dito.

"Yes."

"Wala ka bang pasok sa school?"

"Meron, sinamahan ko lang si ate Tolits dito at ini---"

"Andito si Tolits? Nasaan?" Aniya dito at parang ipu-ipo na inilang-hakbang lang ang pagitan ng kusina at living room.

"Umalis na."

"Bakit hindi mo ako kinatok sa kwarto ko, ha?!" Medyo napalakas na sita niya dito.

"Eh, bakit ba? Miss mo ba siya? Ay mali, mahal mo ba siya?"

"Anong klaseng tanong yan?"

"Sumagot kana lang kasi ng oo or hindi, hindi yang ang andami niyo pang arte." Nakasimangot nitong saad.

"Fine! Oo mahal ko siya."

"Alam ba niya kuya?"

"Hindi."

"Bakit hindi mo aminin?"

"Natatakot ako."

"Natatakot, duwag or torpe, saan ka sa tatlo?"

"Ano ba naman yan, wala ako sa korte, kaya tigilan mo' ko, pwede?" Padaskol siyang naupo sa sofa at sumandal.

Sumunod naman ang kanyang kapatid. " Torpe pala ang kuya ko pagdating kay ate Tolits." Nakangisi nitong saad.

"Hindi ako torpe!" Depensa niya sa sarili.

"Weehh? Eh bakit hindi mo magawang umamin sa kanya?"

"Hindi torpe ang tawag sa mga lalaking nag-iisip muna bago gumawa ng hakbang or bago sila umamin sa nararamdaman nila. Sila lang kasi yung mga lalaking marunong mag-isip at sigurista."

"Sigurista para saan?"

"For their feelings. Mga lalaking hindi basta-basta nadadala sa atraksiyon. Gusto nila kung manliligaw man sila or aamin yun ay yung sigurado na sila sa sarili nila at totoo yung pagmamahal na nararamdaman nila para doon sa tao at hindi physical attraction lang."

"You mean, hindi ka pa sigurado sa sarili mo? Sa nararamdaman mo?"

"Mahal ko siya, sigurado ako doon. Ngunit sa kanya, wala akong ideya."

Tumango ang kapatid bilang sagot sa sinabi niya.

"Hindi ka ba gagawa ng paraan para malaman ang sagot diyan sa tanong mo?"

"What do you mean?"

"Ask her about her feelings for you."

"I can't."

"Okay, ako nalang gagawa."

"Huwag! Just leave it to me, okay?"

Ngumisi ang kapatid. "Okay, hindi ako makikialam,but..." Sinadya nitong ibitin ang sasabihin.

"What?" Naiiritang tanong niya.

"Kapag sumapit ang birthday ko at hindi mo parin naaamin ang damdamin mo sa kanya, akong gagawa ng paraan, deal?"

Napipilitang tumango ang binata. "Fine."

"Good. So paano, bye kuya." At naglakad na ito palabas ng pinto ngunit muling lumingon sa kanya. "Read the letter above your table, galing yan sa Sister-inlaw to be ko." Nakangiting saad nito bago tuluyang sumakay sa sasakyan nito.

May pagkasabik na hinanap niya ang sulat at halos mapalundag siya sa tuwa dahil sa nabasa.

Bro;

Pasensiya na kung hindi ko sinasagot ang mga tawag mo. Kailangan ko lang mag-isip ng maayos dahil hindi ganon kadali tanggapin ang alok mo.

Habang nag-iisa ako sa kwarto ko, napaisip ako ng malalim at ito ang sagot ko sa tanong mo...Sige, magpapakasal ako sayo pero sa isang kondisyon. Kailangan mong makapasa sa inihanda kong pagsubok para sayo.

Tomorrow at 3pm. Meet me with our friends at Hagnaya beach resort.

-Tolits

Napangiti siya. "Anumang pagsubok yan, nakahanda ako, makuha lang kita." Nanulas sa kanyang mga labi.  

BABAE NA LALAKING PUMORMA NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon