Masakit man ang katawan ay pinilit paring makaalis ng binata mula sa ilalim ng kama. Nagtungo siya sa banyo at naglinis ng kanyang katawan. Matapos iyon ay padapang nahiga siya sa kama.Samantala, isinama naman si Tolits ng kanyang abuela sa malaking bahay. Kasalukuyan silang nasa veranda at masayang nagkukwentuhan.
"Alam mo ba na dito rin sa islang ito nagsimula ang pag-iibigan namin ng Lolo mo?" Tanong ng matanda sa kanya.
"Talaga po? Kwentuhan niyo nga po ako." Aniya at lumapit pa lalo dito.
"Isa lamang akong hamak na tagalinis noon sa isang resort na pag-aari ng pamilya ng Lolo nang magkakilala kami. Nakakatawa nga noon, kasi nakilala ko siya dahil sa isang walis." Nakangiting wika ng matanda habang binabalikan ang mga ala-ala nila ng yumaong asawa.
"Walis? Bakit naman po?"
"Sabi ko nga isa lang akong hamak na tagalinis noon sa resort. Nagbakasyon noon ang Lolo mo at ako ang naatasang maglinis sa kwarto niya. Dahil sa kakamadali kong matapos kaagad, nakalimutan ko ang walis sa silid niya, ayun nang makauwi siya galing sa pamamasyal, galit na galit siyang tumawag sa namamahala ng resort at inalam kung sino ang naglinis sa kwarto niya at..."
"Ano pa, Lola?" Excited na tanong niya.
"Nang magkaharap kami, your great grandfather yelled at me. Ang tanga ko daw. Syempre sumagot ako sa kanya ngunit mas lalo siyang nainis dahil doon. Wala daw akong karapatang sumagot dahil utusan lang daw ako. Pero sumagot parin ako sa kanya."
"Tapos po?" Aniya na nangalumbabang nakatingin dito.
"Simula noon, lagi ko na siyang nakikita pero sa tuwing nagkakaharap kami, hindi namin maiwasang magbangayan. Until one day, naramdaman ko na lamang na mahal ko na pala siya.Naguluhan ako noon at ang daming katanungang pumasok sa isip ko noon. Katulad na lamang ng... Paano kung wala siyang nararamdaman sakin? Paano kung sakaling mahal niya ako pero langit at lupa ang pagitan namin? Matanggap kaya ako ng pamilya niya?" Patuloy nito. Pero alam mo kung ano yung magandang nangyari noon, Apo?"
"Nagmahalan kayo ni Lolo at nagkaroon ng dalawang anak at nagkaroon din ng dalawang apo." Nakangiting tugon niya dito.
"Higit pa doon ang nangyari, Apo." Wika nito. "Nalaman kong pareho kami ng nararamdaman at di naglaon, niligawan niya ako. Pero nalaman iyon ng mga magulang niya at pilit kaming pinag-hiwalay. Pero hindi sumuko ang Lolo mo, sa halip ay pinaglaban niya ang pagmamahalan namin, ultimo ang pagiging heredero ng kanilang pamilya ay kanyang tinalikuran."
"Pero kung iniwanan niya ang pagiging heredero niya, paano pong nagkaroon si Lolo ng tatlong kumpanya? Isang isla at limang naglalakihang bahay sa maynila?"
"Bunga ng pagsisikap at determinasyong patunayan sa kanyang magulang na tama ang naging desisyon niya na sundin ang kanyang nararamdaman. Mahirap, oo, pero kapag kasama mo ang taong mahal mo at dahilan ng mga ngiti mo, nagiging madali ang lahat. Yung tipong
kaya mong gawing posible ang isang imposible.""Astig! Kaya naman sinikap din nila daddy na pagyamanin ang mga naiwang kumpanya ni Lolo. Pero, Lola, paano mo po ba malalaman kung mahal mo or nagkakagusto ka sa isang lalaki?"
Natigilan ang matanda sa tanong niya kaya iba ang isinagot nito.
"Bakit, nagkakagusto na ba sa lalaki ang sigang si Lolita?" Tanong nito kaya napataas ang isang kilay niya.
"Lola naman eh! Ampanget pong pakinggan." Maktol niya.
"Abah! Napapangitan kana sa pangalan mo? Maganda yan kapag nagdamit ka ng pambabae."
"Naman eh! Sa ayaw ko nga magsuot ng mga fitted jeans at bestida."
Tumawa lang ang matanda sa sinabi niya. Maya-maya ay tinitigan siya nito at hindi niya inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Hinubad nito ang suot niyang hat at tinanggal ang tali sa kanyang mahabang buhok. Bumungad dito ang maitim at unat na unat niyang buhok.
BINABASA MO ANG
BABAE NA LALAKING PUMORMA NI: M.D.S
RomanceLesbian O Babaeng lalaki na pumorma, yan si LOLITA VILLEGAS Or mas kilala sa pangalang 'TOLITS'. Matinik at tinitilian ng kababaihan dahil sa ngiti nitong maka-laglag panty. JESSREY RECACES---Ang kanyang bestfriend na kasa-kasama niya sa lahat ng ka...