CHAPTER 9:

1K 43 1
                                    

   

NAGISING ANG BINATA na masakit ang ulo. Bumangon siya at nagtungo sa banyo para maligo. Makalipas ang ilang sandali ay handa na siya para pumasok sa opisina ngunit natigilan siya nang hindi makita ang sasakyan sa kanyang garahe. Sapo ang ulong muling pumasok sa kabahayan ang binata at hinagilap ang telepono.

Isang oras ang lumipas, dumating ang isa niyang tauhan at inihatid ang sasakyan niya.

"Sinong naghatid sa'kin dito kagabi?" Kanyang tanong dito.

"Sir, si Tolits po."

"Nagpunta siyang bar kagabi?" Gulat pa niyang tanong.

"Oho."

"Sige, mauna na ako. Salamat dito." Aniya na ang tinutukoy ay ang sasakyan.

"Wala hong anuman. Ibinilin din ho kasi yan ni Tolits kagabi."

"Okay. Salamat ulit." Matapos iyon ay isinara na niya ang gate at pinasibad ang sasakyan. Hatid-tanaw na lamang siya ng kanyang tauhan.

Habang nasa biyahe ay tinawagan niya ang kaibigan ngunit laking dismaya niya nang hindi ito sumagot. Kaya imbes na dumiretso sa opisina ay tinahak niya ang daan patungo sa kumpanya ng mga ito.

Nang marating ito ay mabilis siyang umibis sa kanyang sasakyan at nagmamadaling pinuntahan ang opisina nang kaibigan. Nakasalubong niya sa may pasilyo ang kapatid ni Tolits.

"Bro, si Tolits?" Tanong niya dito.

Kunot-noo itong tumingin sa kanya. "Hindi mo ba alam?"

"Ang alin?"

"Kakaalis niya lang kaninang madaling araw. Umuwi siya ng Davao."

"What? Pero galing siya ng bahay kagabi."

"Umuwi siya sa bahay pasado alas-dose na. At kanina bago pa lumiwanag ay nakaalis na siya."

"Bakit biglaan?"

"I don't know."

Nanghihinang napasandal siya sa pader.

"Kailan daw ang balik niya?" Patuloy niyang tanong.

"Ang sabi niya dalawang linggo lang daw siya doon."

"Okay, sige bro. Salamat." Aniya at nagmamadaling nilisan ang lugar na iyon.

Hindi niya lubos maisip na magagawang umalis ng kaibigan na wala man lang pasabi sa kanya. Nasanay na siyang lagi itong nagpapaalam sa kanya sa tuwing may pupuntahan ito.

Bagsak ang mga balikat na tumuloy siya sa opisina at matamlay na nagtrabaho.

LUMIPAS ANG MGA ARAW hanggang sa naging isang linggo, dalawa, tatlo ngunit walang Tolits na bumalik at ito ay labis na ikinalulungkot ng binata. Nasanay na siya sa presensiya ng kaibigan.

Hanggang isang gabi na kakagaling niya lang sa isang party, pasuray-suray siyang pumasok sa kanyang bahay at bumungad sa kanya ang tulog na tulog na kaibigan na nakahiga sa kanyang kama. Mabilis at maingat ang mga hakbang na nilapitan niya ito.

Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kaibigan. Sa humigit-kumulang na isang buwang hindi niya ito nakita, namiss niya ang kaibigan ng sobra.Tinitigan niya ito at sa puntong iyon, tila ba may nagdidikta sa kanyang halikan ang mga labi nitong bahagyang nakabuka. Kasalanan man pero hindi niya nakontrol ang kanyang sarili, kusang lumapat ang kanyang labi sa mga labi nito.

Sa kabilang dako naman, nananaginip ang dalaga at hinahalikan daw siya ng kaibigan niya. Masarap sa pakiramdam ang dulot ng halik na iyon kaya kusa niyang ibinuka ang kanyang bibig. Ikinawit niya ang isa niyang kamay sa may batok ng binata at tinugon ang mapangahas nitong halik.

Nagulat at natigilan naman ang binata sa paggalaw ng dalaga. Tatayo na sana siya pero hinila siya nito kaya napahiga siya sa tabi ng kaibigan. Sa pagkakataong iyon, ang init sa katawan na dala ng kalasingan ay nadagdagan nang maramdaman ng binata ang katawan ng dalaga. Tila may sariling isip na kusang kumilos ang kanyang kamay patungo sa likuran nito at hinapit pang lalo ang katawan nito sa kanya.

Dahil sa pag-aakalang bahagi parin ng panaginip ang lahat, kumapit pang lalo ang dalaga sa binata, bagay na lalong nagpaningas sa nararamdaman nito. Gumapang ang isang kamay ng binata patungo sa may dibdib ng dalaga at pinagpala nito ang mga iyon. Sa ginawang iyon ng binata ay napaungol ang dalaga kaya lalong pinagbuti ni Jessrey ang ginagawa.

Hinalikan niya ang dalaga sa noo, sa tungki ng ilong pababa sa may leeg at pinaglaruan ng kanyang dila ang punong-tainga nito habang abala sa pagpapala sa dibdib nito ang isa niyang kamay.

Sa bawat pagdampi ng labi niya sa balat ng dalaga ay napapaungol ito na naging dahilan para takasan ng katinuan sa pag-iisip ang binata ng mga sandaling iyon. Ramdam na ramdam na niya ang kahandaan ng kanyang pagkalalaki kaya naman inayos niya ang pagkakahiga ng dalaga. Hinubad niya ang kasuutan nito at nang matanggal na lahat ng saplot sa katawan nito ay hindi niya napigilang mapahanga sa magandang hubog niyon.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon, tumayo siya at tuluyan naring hinubad ang kasuutan. Muli siyang lumapit sa dalaga at pumuwesto sa pagitan ng mga hita nito.

Nahirapan siyang pasukin ang dalaga dahil sa masikip pa iyon. Sa una ay sumablay hanggang sa unti-unti ay naipapasok na niya.

"Ouch!" Ang biglang hiyaw ng dalaga kasabay ang pagdilat ng mga mata nito. "Bro?"

"I'm sorry. I didn't mean to hurt you." Tanging naibulalas ng binata at akma na itong tatayo nang hawakan siya sa kamay ng dalaga.

"Go on." Nanghihinang wika nito.

"Are you sure?"

"Yes."

Sapat na ang narinig para ituloy ng binata ang nasimulan na. Nang una ay dahan-dahan lang ang ginawang paggalaw niya hanggang sa kalaunan ay bumilis ng bumilis ang kanyang pag-ulos.

Ilang sandali pa'y pagal ang katawan na humilata ang binata sa tabi ng dalaga. Bago ito tuluyang pumikit ay kinintalan pa niya ng halik sa pisngi ang katabing dalaga.

Samantala, naghihilik na ang katabi ngunit nanatiling gising ang dalaga. Ang sarap sa pakiramdam ng naranasan niya ngayong gabi sa piling kanyang kaibigan, sa piling ng kauna-unahang lalaking nagpatibok sa puso niya. Naibigay man niya ang pagkababae dito ay hinding-hindi niya iyon pagsisihan.

Tumagilid siya ng higa at natulog. Bandang Alas-kwatro ng madaling-araw nang magpasya siyang umuwi.

Naabutan niyang nagkakape ang kanyang ina.

"Ba't ang aga niyo hong nagising?"

Tiningnan siya ng ina mula ulo hanggang paa bago sumagot. "Hinihintay kita. Eh ikaw, saan ka na naman ba galing?" Pakiramdam ng dalaga hindi iyon isang tanong kundi isang pagsita.

"Doon lang ho kay Jessrey." Mahina niyang tugon at iniiwas ang paningin dito. "Mauna na ho, Ma." Hindi na niya hinintay pang magsalita ang ina. Tinakbo niya ng mabilis ang mga baitang ng hagdanan.

Bagama't hindi na nagsalita, may napansin ang Ginang sa kanyang anak. Sa klase ng pag-iwas ng mga mata nito sa kanya at sa paglalakad nito, tila may itinatago ito sa kanila at iyon ang dapat niyang alamin.

BABAE NA LALAKING PUMORMA NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon