Nang makarating sa kanilang kumpanya ay agad siyang sinalubong ng pagbati ng mga security guards."Good morning boss." Sabay yukod ng mga ito.
"Good morning din ho." Masiglang tugon niya sa mga ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Malapit na siya sa opisinang akupado niya nang masalubong niya ang secretary ng kanyang papa.
"Good morning, Miss sexy!" Bati niya dito.
"Good morning din ho, boss." Tila naiilang na wika nito saka yumuko.
"Nahihiya ka ba?" Tanong niya dito kalakip ang isang ngiti.
Napilitang mag-angat ng tingin ang dalaga at hindi nito mapigilang kiligin nang masilayan ang ngiti ng kaharap.
"Hindi ho." Mariing tanggi nito.
Tinitigan ni Tolits ang kaharap.Maganda ang mukha nito na binagayan ng balingkinitang katawan.Chinita ang mga mata at maninipis na labing natural ang pagkapula.Ayaw pa sana niyang umalis ngunit nasulyapan niya ang kapatid na nakangisi di kalayuan sa kanila.
"I have to go.See you around, baby!" Kinindatan pa niya ito bago humakbang palayo dito.Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang binitiwan nitong salita.
"Ang gwapo niya talaga! Haaaay..." Wika ng dalaga na tila kinikikiti sa lagay na iyon.
Nangingiting tinahak niya ang pasilyo patungo sa opisina ng kapatid.
"Ang aga-aga, dumidiga ang kapatid ko." Nakakalokong wika ni Stephen sa kapatid.
"Hoy! Grabe ka kuya.Binati ko lang si Mis Sexy." Sagot niya at prenteng naupo sa ibabaw ng lamesa nito.
"Umalis ka nga diyan.Lamesa yan, hindi upuan." Sita nito sa kanya.
"Take it easy kuya.Masyado kang highblood.Kaya ka hindi sinasagot ng nililigawan mo eh." Pang-aasar niya dito. "Gusto mo, ako manligaw para sayo?"
"Tigilan mo nga ako." Iritableng wika nito at binato siya nito ng ballpen na maagap naman niyang nasalo.
Tumayo siya at umupo sa swivel chair na nasa harapan nito at dinampot ang magazine na nakapatong sa lamesa.Binuklat niya iyon at di niya maiwasang humanga sa mga babaeng nakikita.
"Damn! She's so hot." Naisatinig niya nang mapadako ang tingin niya sa isang babaeng modelo.
"Who?"
"This woman." Tugon niya saka itinuro ang naka-agaw sa atensiyon niya.
Napangiti si Stephen nang makita kung sino ang dalagang itinuro ng kapatid.
"Do you believe na kilala ko at kaibigan yan?"
"No."
"Paano kung nagsasabi ako ng totoo?"
Dinamba ni Tolits ang kuya niya at kwinilyuhan saka inilapit ang mukha dito.
"Sigurado ka?"
"Oo." Tiwalang tugon ng binata.
"Well..." Aniya dito at ibinuka ang kamay matapos itong bitawan.
Hindi na kailangang magsalita ni Tolits para malaman ng kuya niya ang ipinapahiwatig ng nakabukas niyang kamay.Mabilis na kumuha ng papel ang binata at isinulat mula sa kanyang cellphone ang numero ng babeng nasa magazine.
Napangiti siya nang tuluyang mapasa-kamay ang kailangan at mabilis na binigyan ng halik sa pisngi ang kapatid.
"Natuto ka na kuya ha!" Aniya dito bago tuluyang lumabas.
Naiwan namang iiling-iling ang binata.Takot niya lang sa tibo niyang kapatid kung hindi siya sumunod at ibigay ang kailangan nito.Noong nakaraang buwan lang nasuntok siya nito dahil sa address ng babaeng natipuhan nito.Ayaw sana niyang kunsintihin ang kapatid ngunit dahil nga sa nag-iisa at mahal na mahal niya ito, tuwing may iniuungot ito sa kanya, hindi siya makaangal.
Di parin maalis ang ngiti sa mga labi ni Tolits hangang sa makapasok ito ng sariling opisina.Ganado niyang sinimulan ang trabaho at nagpatugtog pa mula sa kanyang cellphone ng rock music.
Sumapit ang gabi at tulad ng napag-usapan, lumabas nga sila ng kaibigang si Jessrey.Humantong sila sa isang bar na pag-aari mismo ng huli.
Tulad ng nakasanayan, agaw-pansin na naman sila ng mga taong naroon.Sino ba naman ang hindi, bukod sa isang sikat na business tycoon ang binata, kilala rin ito dahil sa pagkakaroon ng kasintahang modelo.Samahan pa ni Tolits na kilala ring sikat na motor racers.
Agad silang umupo at humingi ng maiinum.Dahil kilala si Tolits ng mga tauhan ni Jessrey, alam na ng mga ito kung anong klase ng alak ang ibibigay dito.Masayang nagkekwentuhan ang dalawa nang biglang magkagulo sa gitna ng dance floor.
"Anong meron?" Tanong ni Tolits sa isang tauhan ng binata na dumaan sa harapan nila.
"May dalawang grupo po ng mga lalaki na nagkasagutan dahil sa isang babae."
Mabilis na tumayo si Tolits.
"Saan ka pupunta?" Tanong ng kaibigan niya.
"Tuturuan ng leksiyon ang mga taong pasaway!" Iyon lang at mabilis na siyang sumiksik sa nagkukumpulang kalalakihan.
Akmang sasampalin ng lalaki ang babae nang mabitin sa ere ang kamay nito.
"Tol, Ang babae, Minamahal yan.Hindi dapat sinasaktan." Tinig ni Tolits habang mahigpit na hawak ang braso ng lalaki.
"At sino ka para makialam?" Tanong nito at binaklas ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.Ngunit dahil sa mahigpit ang kapit niya doon, binigwasan siya ng lalaki na agad naman niyang nailagan.Nagpambuno silang dalawa, at nasapol siya nito sa bandang baba.Napaigik siya sa sakit kaya gumanti siya dito ng suntok.Isa...dalawa...tatlo hanggang sa mapatumba niya ang lalaki.
"Ano, sino pang gustong makatikim ng suntok diyan?" Matapang niyang tanong at inihanda ang mga kamao.Ni isa ay walang lumapit sa kanya, sa halip isa-isa itong nagsipulasan at nagsi-upo.
Pasimple niyang hinipan ang kamaong ginamit sa pagsuntok.
"Whoooh! Masakit din yon ah...Grabe, tigas ng katawan." Anas niya sa sarili at tila wala lang na muling bumalik sa tabi ng kaibigan.
"Nakipagbasag-ulo ka naman.Diba sinabi ko nang tigilan mo ang gawaing ganyan?" Sermon sa kanya nito nang makaupo siya.
"Aisus! Para lang yon." Baliwalang sagot niya.
"Paano kung-----"
"Kaya kong sarili ko, okay?" Naiinis niyang putol sa sinasabi nito.
"Babae ka parin----" Hindi na naituloy ng binata ang sasabihin nang salpakan ni Tolits ang bibig niya ng basong may lamang alak saka ito naglakad papunta sa nag-uumpukang mga babae.
Nasundan na lamang ito ng tingin ng binata at napangisi pa ito nang makitang lumabas ang kaibigan na may kasamang bebot.
"Lupet mo bro! Pero i'm sure makakahanap ka din ng lalaking magpapatibok ng puso mo." Katagang namutawi sa labi ng binata.
BINABASA MO ANG
BABAE NA LALAKING PUMORMA NI: M.D.S
Roman d'amourLesbian O Babaeng lalaki na pumorma, yan si LOLITA VILLEGAS Or mas kilala sa pangalang 'TOLITS'. Matinik at tinitilian ng kababaihan dahil sa ngiti nitong maka-laglag panty. JESSREY RECACES---Ang kanyang bestfriend na kasa-kasama niya sa lahat ng ka...