NAG-INUMAN ANG MAGKAKAIBIGAN at gumawa sila ng bonfire sa may tabing-dagat nang sumapit ang gabi. Inasar at pinagkaisahan ng mga ito si Tolits."Bro, ano na? Kailan ba kasi mag-uumpisa ang pagsubok na iibigay mo sa'kin?" Naiinip na tanong ni Jessrey sa kanya.
"Bakit, naiinip ka na ba? Puwes, kalimutan mo na ang kasal!"
"Kasi naman Tolits, ipagawa mo na para naman makatikim ka na nang luto ng diyos." Kantiyaw ni Kenneth na bahagya pang inalog ang balikat niya.
"Ugok! Eh paano kung sabihin kong natikman ko na ang luto ng diyos?"
"What?" Sabay-sabay na nasambit ng mga ito. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat, kaya naman tumawa siya ng malakas.
"Joke lang!" Bawi niya saka nag-peace sign. Pagdaka'y tumingin siya sa katabing binata.
"Pasaway ka talaga, bro!" Tinig ni Jessrey at inakbayan siya.
Nagulat man ay pasimpleng siniko ni Tolits ang binata. Tinawanan lang siya nito saka bumaling sa kaharap na si Kaye.
"Kaye, may alam ka ba kung ano yung pagsubok na naghihintay sa'kin?"
"Well, madali lang naman Jess. Mahalin mo lang si---" Hindi na nito naituloy ang nais sabihin dahil pinandilatan na ito ni Tolits. "Ops! Sorry!" Wika nito at tinakpan ng daliri ang sariling bibig.
"Ano ba kasi iyon?" Pangungulit pa ni Jessrey.
"Gusto mong malaman kung ano iyon?" Aniya dito at tumayo. "Halika!" At hinila itong patayo saka tumakbo patungo sa may tubig.
"Anong gagawin natin dito?" Salubong ang kilay na tanong ng binata.
Dumistansiya siya at humalukipkip sabay tingin dito. "Umpisahan mo na ang pagsubok."
"What? Anong kinalaman ng dagat sa pagsubok ko?" Tanong nitong nameywang pa.
"Sisirin mo ang dagat!"
"What? Dito? Are you serious, bro?"
"Ay alangan namang sumisid ka sa lupa!" Pabalang na sagot niya dito.
"Hindi na masama kung sisisid ako sa walang tubig, basta ba masasarapan ako!" Malisyosong sagot ng binata sabay kindat sa kanya.
Pakiramdam ni Tolits ay namula siya dahil sa tinuran ng kasama kaya naman waalang pakundangan niya itong itinulak sa tubig.
"Hey, kanina ka pa, ha!" Saad ng binata at mabilis na hinablot ang kamay ni Tolits saka ito sinakyan sa likod. Dahil hindi napaghandaan ang ginawa ng binata, nabuwal siya at tuluyang nabasa.
Pinukol niya ito ng matalim na tingin saka sinikmuraan. "Walang-hiya ka! Bakit mo'ko sinakyan?" Aniya dito at mabilis na umahon. Sumunod naman ang binata sa kanya kaya napahinto siya at iniharang ang kamay sa harapan niya. "Ops! Don't move."
"Why?" Tanong ng binata na halos magdikit na ang mga kilay.
"Sinabi ko na bang umahon ka?"
Tumawa ng malakas ang binata saka ibinaling sa tubig ang paningin. Maya-maya ay ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Are you serious with this task?"
"What do you think?" Aniya dito na naglalaro ang pilyang ngiti sa kanyang mga labi. Napansin iyon ng binata kaya nagtanong ito.
"Are you in love, bro?"
"Yes! I mean---What? Bakit mo naman naitanong?"
"Masyado kang maganda ngayon." Tugon nito na kamuntik nang ikalaglag ng puso niya, buti nalang mabilis niyang nasalo. (LOL)
"Ugok! Tapusin mo na ang pinapagawa ko."
"Ano ba kasing gagawin ko?"
"Sisirin mo ang dagat at manghuli ka ng hipon!"
"Are you insane?"
"Obcourse not!"
"Then why i need to do that?"
"Ang dami mo pang satsat, bro. Gagawin mo or kalimutan mo ang tungkol sa alok mo." Saka padarag itong naglakad at bumalik.
Naiwang kakamot-kamot sa ulo ang binata. Pasisirin ba naman siya sa dagat, eh ang lamig-lamig? Tapos gusto nitong manghuli siya ng hipon, dis-oras ng gabi?
"Bahala na!" Kanyang naisatinig bago lumusong sa medyo malalim na bahagi ng dagat.
Ilang sandali pa ay nawili na siya sa paglangoy, hanggang sa may lumapit sa kanyang chicka babe.
Nakipagkilala ito at nakipagkwentuhan sa kanya. Nag-enjoy siya habang kausap ito kaya nawala sa isipan niya ang sadya sa dagat.
Samantala, abala sa pagkekwentuhan ang magkakaibigan nang hindi sinasadyang mapadako ang paningin ni Drix sa pwesto ni Jessrey. Nakangisi itong bumaling kay Tolits.
"Bro, mukhang nagsasaya sa dagat ang fafa Jessrey mo ah!"
Sukat sa narinig ay lumingon si Tolits sa dagat at ganon na lamang ang gulat ng kanyang mga kaharap nang takbuhin nito ang dagat at pumunta sa kinaroroonan ng dalawa.
Akmang hahalikan ng babae si Jessrey nang lumitaw siya sa tabi ng binata
"Hi, sweetheart. Andito ka lang pala, kanina pa kasi kita hinahanap!" Malambing na saad niya sa binata at sinadya pang halikan ito sa labi.
Napanganga sa gulat ang babae, mas higit ang binata dahil sa halik ni Tolits.
"Gir----Girlfriend mo siya?" Nakataas ang kilay na tanong ng babae sa binata.
Dahil tulala parin ang binata ay si Tolits ang sumagot. "Correction, i'm he's fiancee. Kaya pwede bang lumayo ka sa kanya?"
"Nagpapatawa ka ba? Ikaw, girlfriend niya? Tomboy ka nam----" Hindi na nito natapos ang nais sabihin nang lumanding sa mukha nito ang kamao niya.
"Kapag sinabi kong, layuan mo siya, layuan mo!" Pagkawika niyon ay umahon na siya ngunit muli siyang pumihit pabalik at tiningnan ang babae.
"Masakit ba?" Mapang-uyam niyang tanong dito.
"Walanghiya kang tomboy ka! Makakaganti din ako sayo!" tugon nito at sapo ang mukhang umahon ito. Dahil maliwanag sa parteng inahunan ng babae, nakita ni Tolits ang buo nitong katawan kaya hinabol niya ito.
"Akala ko, ang hipon nakatira sa dagat. Meron din pala pakalat-kalat sa tabi-tabi." Pang-iinis niya dito.
"Sinong hipon? Ako ba, ha?"
"Sino pa ba? May nakikita ka bang ibang kausap ko?"
"Walanghiya ka talaga!" Akmang sasampalin siya nito ngunit maagap niyang nahawakan ang braso nito.
"Don't you dare to slap my beautiful face or else..."
"Or else what?" Tanong nito na pilit binabawi ang braso ngunit mas lalong hinigpitan ni Tolits ang kapit doon.
"Aray! Bitawan mo'ko!" Hiyaw nito. Nang hindi parin ito binitawan ni Tolits ay hinablot ng babae ang sombrero niya kaya humulagpos ang mahaba niyang buhok. Hinila ito ng babae at sinabutan siya kaya nabitawan niya ang braso nito.
Napahiyaw narin sa sakit si Tolits kaya nakipagsabunutan narin siya dito hanggang sa pareho silang mabuwal. Sipa doon, tadyak dito, kalmot dito at sampalan ang ginawa ng dalawa.
Humahangos namang napatakbo ang binatang si Jessrey.
"What happened?" Hinihingal niyang tanong sa mga ito.
"Ikaw, ikaw ang dahilan!" Panabay na wika ng dalawa kaya nagkatinginan ang mga ito, ngunit dagli ring bumalik sa pagsasabunutan.
BINABASA MO ANG
BABAE NA LALAKING PUMORMA NI: M.D.S
RomantikLesbian O Babaeng lalaki na pumorma, yan si LOLITA VILLEGAS Or mas kilala sa pangalang 'TOLITS'. Matinik at tinitilian ng kababaihan dahil sa ngiti nitong maka-laglag panty. JESSREY RECACES---Ang kanyang bestfriend na kasa-kasama niya sa lahat ng ka...