UMAGA PA LANG ay aligaga na ang binatang si Jessrey. Naroon siya sa kanyang opisina at kasalukuyang may ka-meeting. Alumpihit siya sa kinauupuan, bagay na napansin ng kausap."What happened? May problema ba dito sa inaalok kong partnership?"
"Huh? No! I'm sorry. Iniisip ko lang ang----"
"Are you thinking with your girlfriend?" Nakangiting tanong ng kaharap.
Natigilan ang binata sa tanong na iyon ngunit dagli ring napangiti saka sumagot. "Oh, yes! I can't wait to see her."
"So, why don't you go now?"
"But how about the----"
"There's nothing to worry Mr.Recaces," Wika nito saka tumayo. "Maybe we can settle the meeting again, the day after tomorrow."
"Thank you, Mr. De Guzman." Iyon lang ang naisagot ng binata saka mabilis na lumabas ng kumpanya.
SA KABILANG DAKO NAMAN, naiinip na si Tolits sa pagdating ng kaibigan. Kung pwede niya lang hilahin ang orasan para sumapit na ang hapon ay gagawin niya.
Kasalukuyan silang nasa isang beach resort na matatagpuan sa cebu. Kasama niya ang mga kaibigan na sina Kenneth, kaye, kim at Drix.
Hindi niya maiwasang mapailing pagkaalala sa kaibigang si Jessrey. Paniguradong magbaback-out ito kapag nalaman nito ang inihandang pagsubok dito ng mga kaibigan nila.
Kung siya lang ang masusunod, hindi naman na nito kailangang pumunta or sumunod sa kanila sa cebu. Buo naman na ang loob niya na magpakasal dito ngunit dahil sa mga siraulo nilang kailangan, napilitan siyang pumayag sa gusto ng mga ito.
Habang naghihintay sa binata ay inabala niya ang sarili sa pamumulot ng mga shells sa tabing-dagat kasama si Kaye.
"Kailangan ba talaga nating parusahan si Bro?" Kanyang tanong dito.
"Bakit, ayaw mo na bang ituloy ang plano?"
"Hindi naman sa ganon. Inaalala ko lang na baka hindi niya kayanin or kaya----"
"Yon lang ang paraan para malaman natin ang nararamdaman niya. Kung interesado siya at pursigido sa alok niya sayo, kakayanin niya ang pagsubok."
"Okay."
"At ito pa pala, kilangan mong dumikit kay Kenneth kapag nasa paligid siya."
"Bakit naman?"
"Papaselosin natin siya."
"And then?"
"Be nice to Ken."
"Bakit? Mabait naman ako ah!"
"Bakit, sinabi ko bang masama ka?"
"Hindi!"
"Hindi naman pala eh. At ito pa pala, maging extra-sweet karin kay Ken, in that way, lalabas at malalaman natin ang kasagutan sa tanong mo."
"Ako, magiging sweet? Paano?"
"Haistttt! Buhay nga naman talaga, kainis!" Himutok nito saka naglakad.
"Kung paanong naging sweet ka sa mga naging jowa mong babae, ganon din ang gagawin mo kay Ken.""What?"
"Maka-what naman ito wagas, eh kung watwatin ko kaya yang mga mata mo?" May bahid ng pagkairitang saad nito.
"Eh kasi naman, alam mo namang ni minsan hindi ako nagka-jowa ng lalaki tapos sasabihin mong maging extra-sweet ako sa kolokoy na si Ken?"
Pinandilatan siya ni kaye. "Gusto mo bang maging masaya?"
BINABASA MO ANG
BABAE NA LALAKING PUMORMA NI: M.D.S
RomanceLesbian O Babaeng lalaki na pumorma, yan si LOLITA VILLEGAS Or mas kilala sa pangalang 'TOLITS'. Matinik at tinitilian ng kababaihan dahil sa ngiti nitong maka-laglag panty. JESSREY RECACES---Ang kanyang bestfriend na kasa-kasama niya sa lahat ng ka...