CHAPTER 14:

1.1K 44 0
                                    

 

MABILIS na inawat ng binata ang dalawa ngunit pinukol lamang siya ng mga ito ng matalim na tingin. Kinubabawan ni Tolits ang babae at nang hindi makuntento ay sinikmuraan niya ito.

"Tama na! Tama na!" Nanghihinang saad ng babae. Halos mamaluktot ito sa sakit kaya mabilis itong inalalayan ng binata na makatayo at inihatid sa tinutuluyan nito. Naiwan namang nagpupuyos sa selos si Tolits kaya walang sabi-sabing sinipa nito ang walang laman na bote ng sprite di kalayuan sa kinatatayuan niya.

"Hey, anong nangyari?" Humahangos na tanong ni Drix.

"Nangyari? Wala! Ayusin niyo na mga gamit niyo. We're leaving now!" Tugon niya dito at mabilis itong nilagpasan.

"What? Paano si Jessrey?"

Napalingon si Tolits dito. "I don't care about him. After a minutes, dadaanan ko kayo sa cottage niyo." Matapos iyon ay walang lingon na tinakbo niya ang kwartong inuukopa niya at inayos ang mga gamit.

Kakamut-kamot namang sumunod si Drix sa kaibigan at pinuntahan ang iba pa nilang kaibigan.

"Guys, mag-ayos na kayo. Babalik na tayo ng manila." Anunsiyo niya sa mga ito.

"Huh? Bakit ang bilis?" Panabay na reaksiyon ng mga ito.

"Ewan ko sa tomboy na iyon. Tinupak na naman!"

"Tinupak or nagselos?" Ani Kaye naglalaro ang isang pilyang ngiti sa mga labi, bagay na hindi nakaligtas kay Kenneth kaya nagtanong uto.

"Anong ibig sabihin ng ngiting yan?"

"Hmmmnnn... smell fishy!" Maikling sagot ni Kaye.

"Saan ang nangangamoy na isda?" Inosenteng tanong ni Kim at sumilip pa ito sa labas ng cottage.

Binatukan naman ito ni Kaye, "Aray ko naman, ba't ka ba namnabatok?" Tanong nito habang sapo ang ulo.

"Kahit kailan talaga, napaka-slow mo kim." Aniya dito na natatawa pa.

"Tsk! Tama na nga iyan. Ayusin niyo na gamit niyo, mamaya biglang dumating si Lolita, kayo pa mapag-initan." Nakangising sabad ni Drix na nagmamadaling ipinasok sa bag ang mga damit.

Makalipas ang ilang minuto, dumating si Tolits. Mabilis silang umalis sa naturang resort at bumalik sa maynila, samantalang si Jessrey naman ay halos mabaliw sa kaalamang nakaalis na ang mga kaibigan.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras, mabilis din niyang nilisan ang lugar.

Tatlong linggo ang lumipas, hindi parin nagkakausap sina Tolits at Jessrey. Hanggang sa sumapit ang kaarawan ng kapatid ni Jessrey at inimbitahan nito si Tolits.

"Anak, bakit para kang aso na maiihi sa itsura mo? Maupo ka nga dito." Sita ng kanyang ina.

"Mom?"

"Hmmnn."

"Ano ho ba maganda kong suutin sa party? Kailangan ko na ho bang ibahin ang estilo ko sa pananamit?"

"Nak, hindi ka naman namin inoobligang baguhin mo ang sarili mo. Kung saan ka komportable at masaya, doon ka."

"Pero----"

"At kung gusto mong subukan na maging ganap na babae, kailangan alisin mo." Wika nito kasabay ang pagtanggal nito sa suot niyang sombrero kaya bumagsak ang mahaba at itim niyang buhok. "Oh, diba? Mas maganda kung lagi lang itong nakalugay." Nakangiti nitong patuloy.

"Mom? Hindi ako sanay na wala ang sombrerong iyan." Angal niya at pilit inaagaw dito ang sombrero.

"Pwes, masanay ka." Singit ng kanyang kapatid na kakarating lang.

BABAE NA LALAKING PUMORMA NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon