Now, these are just some words that I would like to say to you, Magnamare.
I don't have the guts to tell you everything that I have to say to you in person so I wrote it here.
For the people who are waiting for an update, this is what you'll get for today since a lot of stuff is going on and I need to think about things. This is the first time that I would use Tagalog as a medium in terms of language. I am very sorry if it's short.Para sa'yo, Magnamare
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa'yo. Sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Salamat dahil nagawa kong gawin ang mga bagay na di ko kaya noon. Salamat dahil pinaalam mo sa akin na kaya ko pala magmahal ng ganito. Pinakita mo sa akin yung halaga ko para sa'yo. Pero gusto kong gantihan lahat ng ginawa mo para sa akin. Alam mo, di mo kailangang maging masyadong mapagbigay. Sinasabi mo sa akin na "Ok lang na ako yung masaktan, wag lang yung iba.". Sinasabi mo sa akin na "Ok lang ako." kahit puno na ng sugat yang puso at braso mo. Wala akong magawa para pigilan ka. Wala akong magawa kundi umiyak at magdasal sa itaas na sana gabayan ka Niya. Wala kang kasalanan sa mundo. Wala kang ginawang masama. Natuto mo mahalin ang ibang tao pero sana mahalin mo rin sarili mo. Ayoko mawala ka. Ayoko na maligaw ulit.