3

15.7K 482 84
                                    

3

Malalim na ang gabi ngunit di pa rin maiwan ni Galen ang kanyang isipan sa mga litratong nasa kanyang harapan.

Naramdaman niyang may paparating at alam niya kung sino iyon, kung kaya't mabilis niyang itinago ang mga litratong ipinakita ni Brooks kanina.

"Sweetheart?" Malambing na tawag ni LA at binuksan ang pintuan.

Matamis na ngumiti si Galen. Tumayo naman siya upang salubungin ang asawa.

Hinawakan niya ang baywang ng asawa at hinalikan ang labi. "Hey, you should be resting." He squats his legs to kiss her bulging tummy. "Hello, Reese. Huwag mong pahirapan ang mommy ha?"

Ngumiti naman si LA at hinaplos ang balikat ni Galen. "Is everything okay? Gabi-gabi ka na lang nagkukulong dito. May problema ba?"

Ito na ang kinatatakutan ni Galen, ang magtanong ang kanyang asawa. Nagkakagulo na ngayon ang pamilya ng mga biktima ng mga fiends.

Sooner or later, makakarating na kay LA ang nawawalang si Juniel.

Galen reached for her hand then kissed her knuckles. "Nothing sweetheart. Everything is okay."

Ipinatong ni LA ang mga palad sa pisngi ng kabiyak. "Something is bothering you. Tell me, please."

"Wala ito. Halika na, magpahinga na tayo."

Natawa naman si Galen nang ngumuso ang asawa.

Oh, those lips!

LA smiled teasingly. Ang kanyang hintuturo ay nagpaikot-ikot sa matipunong dibdib ni Galen.

"No steamy acts for tonight, Galen?" She asked then bit her lower lip.

Galen smirked sexily then using the back of his palm, pinaglandas niya sa gilid ng dibdib ni LA.

"There is. Right here, right now." Paos niyang sabi.

And he made love to his lovely wife over and over again.

-
Muli na namang dinadalaw sa panaginip ni Juniel ang eksenang nangyari sa kanyang mga kaibigan. Gabi-gabi ay alaala ng kanyang mga kaibigan ang nakikita.

Pagkabangon niya ay butil-butil na pawis ulit ay namuo sa kanyang noo. Kasabay noon ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Arf!

Napatingin siya sa tabi ng kanyang kama.

Si Morris palagi ang nadadatnan niya sa kanyang kwarto. Tila ramdam ng aso ang takot ni Juniel kaya't lumundag ito papunta sa kanyang kama at inihaplos-haplos ang ulo sa bandang tiyan niya.

Natatanga naman si Juniel sa ginagawa ng aso. Kahit papaano ay napangiti siya at hinaplos-haplos ang aso.

"Ang sweet mo naman, Morris." Puna niya. "Do you always guard me?" Tumingala ang aso at tumahol. "Thank you, Morris."

Napatingin siya sa bintana. Medyo madilim pa ang paligid. Tinignan niya ang orasan, pa-ala singko na ng umaga.

"Nasaan ang arogante mong amo?"

Umalis sa kama ang aso. Nagtungo si Morris sa pintuan at mahusay itong binuksan.

Napansin yata ni Morris na di gumagalaw si Juniel kaya tinahulan siya ng aso.

Tinuro naman niya ang sarili. "Ako?"

Arf!

Bumangon naman si Juniel. Inayos niya ang suot na cotton shorts at t-shirt.

The Werewolf's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon