7

10.5K 376 16
                                    

7

First day of photoshoot and Juniel is ready for it.

Nakahanda na ang kanyang camera at ilang importanteng gamit, although she'll just guide her team, mabuti na ang sigurado siya.

"Anak, are you even sure that you'll be okay with it?" Napatingin siya sa kanyang Ipad. Kasalukuyan niyang ka-Facetime ang kanyang ina.

Bumalik na ulit kasi siya sa kanyang condo unit kaya di niya muna kasama ang mga magulang.

"Yes, Ma. I'll be okay." Sagot niya habang itinatali ang kanyang front-knot top.

Nag-aalala kasi ang kanyang ina dahil sa bisikleta ang gagamitin niyang transportasyon. "It's just a bike away,Ma.Don't worry. There is a bicycle lane."

Umiling ang ina. "Juniel, you are the head of your team tapos nakabisikleta ka?"

"Ma, I'm an environmentalist too."

"Wala ka nang magagawa sa polluted Manila. My goodness!"

Ngumiti na lang si Juniel. "I have to go, Ma. Kiss me for Papa."

Binitbit na niya ang kanyang black leather backpack at umalis.

Pumunta siya sa basement ng condo unit. Good thing, mayroong bicycle racks ang parking area ng building.

Excited na siyang muling magamit ang kanyang bisikleta. Mukhang nakikiayon pa ang panahon dahil hindi gaanong masinag ang araw at maulap ang kalangitan.

Aabot lang naman nang lima hanggang sampung minuto ang kanyang ibibiyahe.

She put a pair of wireless earbuds to listen some music while she bikes her way to work.

Gaya nga nang iniexpect niya umabot siya ng sampung minuto. Pero mukhang magkakaaberya yata sa kanyang bike nang lumapit ang security guard sa kanya.

"Ma'am, bawal pong ipark dito ang bisikleta. Para lang po sa mga kotse ang mga iyan."

"What? Saan ko po ilalagay ang bike ko?"

Umiling ang lalaki. "Pasensya na po, Ma'am. Kung gusto niyo doon sa may convenience store niyo po ipark iyan." Itinuro niya ang isang sikat na convenience store four blocks away from the building.

Nanlumo naman si Juniel. "Sige po, salamat." At tinalikuran ang guard, hila-hila ang bike.

Ngunit di pa man siya nakakalayo ay humahangos na lumapit ang guard kanina. Putlang-putla siya at namamawis.

"M-Ma'am. B-Balik na po kayo." Nauutal na sabi niya.

"Ha? Di ba policy niyo-

"Ma'am pakiusap doon niyo na po ipark. Akin na po." At mabilis pa sa alas kwartong binitbit ng guard ang kanyang bike.

"T-teka." Hinila niya ang isang strap ng kanyang bag papunta sa kanyang balikat. "Anong nangyari dun?"

Sinundan niya ang guard na ngayon ay may kausap sa telepono. "O-opo S-Sir. M-maayos na po."

The Werewolf's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon