19

9.3K 268 23
                                    

19

BATTLE OF THE VLAHOS AND RUSCHES

Tumatakbo sa kakayuhan si Juniel, punong-puno ng luha ang kanyang mga mata. Napatakip siya sa kanyang tenga nang marinig ang mga nakakatakot na mga daing at mga pagsabog. Pero pilit siyang tumakbo sa daang may makakapal na niyebe. Hindi na niya magawang lumingon pa dahil sa takot na baka bumalik siya sa katakot-takot na lugar na iyon.

Helios?! Oh God! Hayop ka Helios!

Masakit pa ang pagitan ng kanyang mga hita, puno din ng pasa ang buo niyang katawan gawa nang mararahas na mga kamay ni Helios habang nilalapastangan ang kanyang katawan ng paulit-ulit.

Humahagulgol na tumatakbo siya at dahil sa sobrang labo na ng paningin dahil sa mga luha ay napasigaw na lamang siya dahil nasa dulo na siya ng bangin.

"Ahh!"

Parang may lumagutok sa kanyang balikat o braso dahil sa bigla niyang paghawak sa sangang balot ng niyebe.

Napasinghap naman siya nang makita ang naghihintay sa kanya sa dulo, isang mabatong lugar at sigurado siya na kapag tuluyan siyang mahuhulog doon ay lasog-lasog ang kanyang katawan.

Dumudugo ang kanyang braso dahil sa pagkakagasgas. Naiyak naman siya at hindi niya alam pero isang tao ang tinawag niya sa kanyang isip.

Ate LA! Help me!

"Ah!" Nabaklas kasi ang sanga. "Help!" Natatakot siya dahil baka tuluyang bumaklas ang sangang hinahawakan.

Hindi niya sukat akalaing mapupunta siya sa ganitong sitwasyon she is too young, she's just nineteen and here she is caught between the wars of immortals that she never thought exist!

She even fell in love with one. But that man is a demon! A devil! Hindi siya katulad ng kanyang Kuya Galen na mabait at hindi nananakit!

Demonyo ka, Helios! Demonyo ka!

Naiyak na naman siya dahil sa ginawang kahayupan ni Helios sa kanya. Naisip niya na isa na siyang maduming babae, gamit na at laspag na gaya ng mga sinasabi ng mga lalaking kaklase niya sa tuwing may mga pinag-uusapan patungkol sa mga babae.

"Juniel!"

Isang pamilyar na boses ang nagpatingala sa kanya.

Ang kanyang Ate LA!

Naiyak siya dahil alam niya ang ginawa niya kay Ate LA pero huli na ang lahat. "Ate LA? Help me, please! I don't wanna die, please!" Sigaw niya at humagulgol.

Tumango-tango si LA, "Kumapit kang mabuti." Utos niya patukoy sa hinahawakang sanga.

Parang may kinausap ang kanyang Ate LA sa tabi.

"Teagan, can you lift her up?"

Ang taong tinawag na Teagan ng kanyang Ate LA ay dumungaw sa kanya.

Hindi niya alam pero parang gulat ang hitsura ng lalaki nang makita siya.

Nakakagulat naman siguro ang kanyang hitsura, kaawa-awa kasi ang kanyang kalagayan. Marahil ay ang pangit-pangit niya siguro sa mga oras na iyon kaya ganun na lamang ang reaksyon ng lalaki.

"Please, help me. I am begging you please." Pakiusap niya sa lalaking nakatitig pa rin sa kanya.

Iniabot ng lalaki ang kanyang matipunong braso, "H-Here." Nauutal pa na wika ni Teagan.

He is stuttering. Nakakadiri talaga siguro ang hitsura ko.

Nakita niyang dumapa pa ang lalaki sa lupa para mas maiabot pa ang kanyang kamay para kay Juniel.

The Werewolf's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon