9

10.2K 351 11
                                    

9

Kinagabihan ay ginustong umuwi ni Juniel sa kanyang unit.

Ganun na lamang ang gulat niya nang malamang same building pala sila ni Teagan.

Teagan is occupying the penthouse, the most luxurious one.

Ting!

Tumabi sa bandang kanan si Teagan habang hawak ang gilid o frame ng elevator, pinipigilang magsara iyon.

Nakangiti si Teagan sa kanya, "Gorgeous first."

"Thank you." Sabi naman niya at nauna na siyang lumabas.

Tanging mga yapak lamang nila ang maririnig sa hallway.

Pinakikiramdaman ni Juniel ang lalaking nasa kanyang likod.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ang lalaki.

The man does not fail in amusing her. He always takes her breath away.

Sinong mag-aakalang kayang magpahina ng kanyang mga binti ang simpleng tindig lamang ng isang lalaki?

He is just there, standing and looking intently at her.

Suot niya ay kupas na pantalon, puting shirt at leather jacket. Gulo-gulo pa ang kanyang buhok.

"Yes?"

Umiling lang si Juniel at nagpatuloy sa paglalakad, hanggang sa makarating na siya sa tapat ng pinto ng kanyang unit.

Nilingon niya ang kasama, "Thank you for this day, C-Chairman."

Napakagat labi si Teagan tila pinipigilan ang mapangisi.

Hinawi ni Teagan ang ilang hibla ng buhok at inilagay iyon sa kanyang tainga, kaya naman nag-init ang pisngi ni Juniel. "Go inside now."

Tumango naman si Juniel, akmang papasok na siya pero hinarap niya ulit si Teagan. "Ahm, good night."

Nagtaka naman siya nang hubarin ng lalaki ang leather jacket at ipatong sa kanyang balikat iyon.

"Take this, it will calm you. Good night, Daniella Juniel." He muttered then kissed her forehead.

Si Teagan na mismo ang marahang nagtulak sa kanya papasok.

Nakatingin lang siya sa mga mata ni Teagan habang dahan-dahang isinasara ang pinto. Natawa pa siya nang kumindat si Teagan sa kanya.



            Nang maisara niya ang pinto ng unit ni Juniel ay nabura ang ngiti sa kanyang labi. Naging seryoso at malamig ang mukha ni Teagan.

"Tell Lord Grantham, I'm not gonna stop, Brooks." Nagbabantang sabi ni Teagan at hinarap niya ang matangkad na lalaking nagmamatyag sa kanila kanina pa.

"It is an order from the Lord Highness." Sumagot naman si Brooks.

Kumuyom ang kamao ni Teagan at tinalikuran si Brooks.

"Don't you even dare lay a finger on her. I swear I'm gonna kill you, Brooks. I don't give a damn if you are one of Grantham's trusted men." Matapang niyang sambit at iniwan doon si Brooks.

I'm not scared. Ipaglalaban ko si Juniel kahit maubos ako, ipaglalaban ko siya.

-
"Ugh!" Hinanginan niya ang kanyang bangs sa sobrang frustration at humilata sa kama. "Bakit ba naging conscious ako bigla?"

Ang pinoproblema niya ay ang kanyang susuotin sa trabaho. Katambak na mga damit ang nakakalat sa kanyang kama. Hindi niya alam bakit bigla siyang naging extra conscious sa kanyang pananamit.

The Werewolf's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon