28 (SPG)
Dumating ang araw ng interment ng mga magulang ni Juniel. Marahil ay naubos na ang mga luha niya dahil habang inihahatid nila sa huling hantungan ang mga abo ng kanyang mga magulang ay tahimik na lamang siyang nakikinig at nanonood sa nangyayari, pero ang puso niya ay mabigat pa rin ang pakiramdam.
I'll avenge for your death, Mama and Papa. I am sorry if I was not there. Sorry for having you involved. I love you both.
Nagsialisan na rin ang mga malalapit na kamag-anak at mga taong sumama sa kanila sa isang exclusive na memorial park habang sila ng kanyang asawa at anak ay naiwan doon sa lugar.
Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Teagan sa kanyang braso kaya naman nilingon niya ang asawa na nakaakbay sa kanya habang hawak sa kabilang kamay ang anak nilang si Klauz.
"Saan mo gustong umuwi?" Marahang tanong ni Teagan.
Isinandal ni Juniel ang ulo sa dibdib ng asawa. "Doon muna tayo kina Mama. Medyo pagod ako masyado para bumiyahe papuntang Mindoro."
Tumango ang asawa at hinalikan ang kanyang ulo. "Alright. Are we okay here now?"
"Yeah, we should go." Nilingon niya ang kanilang anak na nakatitig lamang sa portrait ng kanyang lolo at lola. "Klauz." Tawag niya sa anak.
Lumingon naman si Klauz at nilapitan siya. Umupo naman si Juniel para mapantayan ang anak. Nakangiting sinuklay niya ang buhok ng anak.
"Gutom ka ba, baby?"
Tumango-tango naman si Klauz at yumakap sa kanyang leeg, "Di ka na cry, Mommy?"
Tinignan ni Juniel ang asawa at sabay silang napangiti dahil sa lambing ng kanilang anak. Gumaya na rin si Teagan na umupo at niyakap silang dalawa ni Klauz. "Ayaw mong sad si Mommy, hmm, Klauz?" Bulong ni Teagan sa kanilang anak.
"Ayaw po, Daddy. Kaya Mommy wag ka na sad, dito kami ni Daddy."
Mahinang tumawa si Juniel at tumango, "Hindi na ako, baby."
Nag-alay pa ng huling dasal si Juniel para sa mga magulang bago sumakay sa SUV. Bago umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang ay nagorder sa isang drive-thru si Teagan para makakain sila kaagad at makapagpahinga.
"How are you feeling, baby?"
Pareho silang nakatagilid ng higa ni Teagan at magkaharap habang nasa pagitan nila ang tulog na si Klauz. Pinagsiklop ng asawa ang kanilang mga kamay. "I miss them." She honestly answered.
"Always tell me everything about what you feel, okay? I will listen. Do not do this alone, Daniella Juniel. Asawa mo 'ko."
Hindi maiwasang mapangiti ni Juniel dahil sa sinseridad na meron ang kanyang asawa.
Teagan is really a husband and father material. Maalaga at mapagmahal sa pamilya. Hindi siya iniwan ni Teagan simula sa madatnan nila ang kanyang mga napatay na magulang hanggang sa maihatid sila sa huling hantungan.
"Ikaw din, you tell me everything, Teagan. Huwag na huwag kang magdedesiyon ng mag-isa para sa pamilya natin."
Hinalikan ng asawa ang hawak niyang kamay, "I will. You should sleep."
She nodded while smiling until her eyes started to get heavier because of sleepiness.
Pasado alas tres nang madaling araw ay nagising si Teagan dahil sa mararahang tapik sa kanyang pisngi.
"Daddy." Bulong ni Klauz sa kanyang tenga at tinatapik-tapik ang kanyang pisngi.
"Hmm. Klauz?" Mahinang wika niya at idinilat ang mga mata. Maingat na bumangon si Teagan dahil nahihimbing pa sa tulog ang asawa. "What is it, son?"
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Beauty
WerewolfWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. "I've been wanting this for so long. Touch every inch of you. Taste the sweetness of your body. Feel the softness of your skin against me. Dr...