27
Walang tigil sa pagtawa ang bulinggit na si Klauz. Habang pinagmamasdan ni Teagan ang anak at naririnig ang mumunting tawa niya ay napapangiti na rin siya.
"Anak, be steady now. Daddy is going to start again." Ipinuwesto niyang mabuti ang mga palad sa patag na lupa habang ang anak ay pumuwestong umupo sa kanyang likuran.
"Klauz is ready, Daddy!" Naglikot-likot pa ang anak sa pagkakaupo sa kanyang likuran.
"Alright." Then he started his hundred push ups while his son is enjoying sitting on his back. "Klauz, you help Daddy count."
"Oh, okay Daddy. 1,2,3..."
Naging mas malakas ang halakhak ng kanyang anak dahil sa mabibilis niyang paggalaw. "Huh? Daddy, si Mommy."
"What?" Dali-dali siyang tumigil sa ginagawa. Maingat niyang pinababa ang anak at dali-daling hinawakan sa magkabilaang braso ang anak. "What is it Klauz?"
Nakita niya ang pagkalito sa mukha ng anak, itinuro lang niya ang daan papunta sa kanilang bahay. Nasa may mapunong lugar kasi sila at naiwan muna si Juniel sa kanilang bahay. "Daddy, go home na tayo. Mommy is sad."
Sinuklay niya ang buhok ng gwapong anak. "Alright, son. Let's go." Isinakay niya sa kanyang likuran ang anak at nagmamadaling tumakbo pabalik sa kanilang bahay.
Nang ilang metro na lang ang layo ay nakita ni Teagan ang kanyang asawa na humahagulgol na tumatakbo palapit sa kanila at niyakap siya nang mahigpit.
"Baby, what's wrong?" Alalang tanong ni Teagan.
"Teagan. Sina Mama at Papa. Oh God, Teagan!" Muling humagulgol si Juniel sa kanyang dibdib.
"Mommy." Yumakap si Klauz sa binti ni Juniel at umiiyak na rin.
"Hey. Klauz, halika ka rito." Gamit ang isang braso ay binuhat ni Teagan ang anak habang akbay-akbay ang asawa na hindi tumitigil sa pag-iyak. "Juniel, baby. Ano bang nangyayari? What about Mama and Papa?"
Iniangat ng asawa ang ulo at parang sinaksak ang puso ni Teagan dahil sa basang-basang mukha ni Juniel, maga at namumula ang mga mata.
"Teagan." Kumibot-kibot ang labi ng asawa. "I-I saw t-them. Somebody killed them. Teagan, patay na sila!"
Natigalgal si Teagan sa tinuran ng asawa. Hindi siya magkamayaw sa pang-aalo sa mag-ina dahil umiiyak sila.
"Ssh. Juniel, are you even sure? We just saw them last week."
"I don't know. Teagan, please! We have to see them. Baby, please." His wife begged.
"Alright, alright."
Inuwi muna niya sa bahay ang kanyang mag-ina para makapagbihis at makakuha ng mga importanteng gamit.
Ginamit nila ang kanilang chopper pabalik ng Maynila. Dahil walang mapalalandingan sa mismong bahay ng mga Basco ay sa isang rooftop sa isang building sila bumaba.
"Juniel, please calm down." Hindi pa rin kasi tumitigil ang asawa sa pag-iyak. Habang si Klauz ay natutulog sa kanyang mga bisig. "Gil, please drive faster." Utos niya sa kanyang assistant.
"Yes, Chairman."
"Hush now, baby." Paulit-ulit niyang hinalikan ang bumbunan ng asawa.
Pagkatapos ng dalawampung minuto ay nasa harap na sila ng kabahayan ng mga Basco. Silang lahat ng nasa sasakyan ay may nanlalalaking mga mata habang nakatitig sa kumpol ng mga tao at ilang kapulisan na nasa tapat ng bahay ng mga Basco.
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Beauty
WerewolfWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. "I've been wanting this for so long. Touch every inch of you. Taste the sweetness of your body. Feel the softness of your skin against me. Dr...