29
"Have you found a place?"
Nilingon niya si Teagan na nakatayo sa kanyang tabi habang siya ay nag-eempake ng mga gamit nila ni Klauz.
Marahang tumango si Juniel. Pagkabalik ng titig niya sa iniempake ay kinagat niya ang ibabang labi dahil pinipigilan niyang maiyak.
Nakahanap na siya ng lugar kung saan niya pwedeng dalhin ang anak na si Klauz. Lugar na hindi malalaman ng kahit sino, kahit ang kanyang asawa ay hindi malalaman ang kanilang lokasyon. Mamayang takip-silim ay aalis na silang dalawa ni Klauz.
Natigil siya pageempake nang yakapin siya ni Teagan mula sa kanyang likuran. Napapikit siya nang mariin at mabilis na pumihit paharap para yakapin nang mahigpit ang asawa. "Sumama ka na sa amin, Teagan, please."
"Juniel, we talked about this already." Ramdam niyang nahihirapan ang kanyang asawa.
"I know. I-I just tried." Unti-unti ay humiwalay siya sa asawa at pinagmasdan ang kanyang mukha.
Matagal niyang pinagmasdan ang asawa. Ininangat niya ang isang kamay upang haplusin ang bawat parte ng kanyang mukha. She is memorizing his face. "If you can't find us, we'll find you." Madamdamin niyang pahayag.
Dumating ang takdang oras ng kanilang pag-alis. Hawak-hawak niya sa kanyang kamay si Klauz na nakasuot nang hoodie at shorts. Habang siya ay nakasuot din ng hoodie at jeans.
Nasa tapat sila ng isang mahaba-habang lawa. Nakadaong roon ang isang puting trawler boat.
"Aalis tayo mommy?"
Sabay silang napalingon ni Teagan kay Klauz nang magtanong siya.
Nilingon ni Juniel ang asawa. Ngumiti naman si Teagan at umupo upang makaharap ang anak.
Nag-init ang mga mata ni Juniel nang makitang masuyong sinuklay ni Teagan ang buhok ni Klauz. "You and Mommy need to go somewhere, son. Susunod ako." Kita ni Juniel sa kanyang pwesto ang pagtutubig ng mga mata ni Teagan nang hawakan niya ang pisngi ng anak at hinalikan ang noo ng paulit-ulit.
Iniwas ni Juniel ang titig sa kanyang mag-ama habang tumutulo ang mga luha. Mas lalong bumigat ang kanyang nararamdaman dahil muling nagsalita si Klauz.
"Sumama ka na, Daddy. Sad kami ni Mommy kung wala ka." Inosenteng wika ng anak.
"Oh, son."
Napatingin siyang muli sa pwesto nina Teagan at doon nakita niyang mahigpit na yumakap si Teagan sa anak at tahimik na lumuluha.
"I promise you. We'll be together again. Daddy needs to beat the monster who hurt you."
"Can we not beat him together, Daddy?"
Hindi napigilan ni Juniel at nakiyakap na rin siya sa dalawa. Kita sa mukha ng kanilang anak ang pagtataka dahil sa kanilang pag-iyak.
"Klauz, makinig tayo kay Daddy. Hmm?" Hinalikan niya ang likuran ng ulo ng anak.
"You should go." Wika ni Teagan at tumayo habang pinupunasan ang mukha.
Binuhat ni Juniel si Klauz at hinarap ang asawa. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata.
"Teagan."
Suminghap si Teagan at ngumiti sa kanila ni Klauz. Naglakad palapit sa kanila si Teagan at binigyan nang matagal na halik sa noo si Klauz at siya naman ay sa labi. "Go now."
Nakatitig lamang si Juniel. "Teagan, please."
Pumikit nang mariin si Teagan, "Juniel, please. Don't make this hard for us. Think about our son."
BINABASA MO ANG
The Werewolf's Beauty
WerewolfWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. "I've been wanting this for so long. Touch every inch of you. Taste the sweetness of your body. Feel the softness of your skin against me. Dr...